Readers,
Wow. Dabest. Maka-readers? Haha. Natutuwa lang ako sa 147 pageviews ng blog na 'to kahit wala pa siyang two weeks at kakapakalat ko lang. Sa totoo lang, napasubo lang ako mag-blog. Nadala ng encouragement ni Alfred este Sir Lone. (peace sa espada mo.)
Alam kong hindi ko 'to kayang i-maintain. Una, kasi tamad ako mag-type. Sa ideas, walang problema. Malakas tumae 'yung utak ko 'pag gabi pa-madaling araw. Kaso 'yung typing job, ansarap talaga niya iutos sa daliri ng may daliri. Pangalawa, ramdam kong papatayin ako unti unti ng schedule ko next sem. Putsa. 5day classes. At mukang hindi pwedeng idaan sa petiks mode 'yung mga courses this sem and this fuck the hell out of me. Isama mo pang... uhmmm. may trabaho na ko. Small time lang pero kelangan pagbuhusan ng effort. Akala ko kasi talaga, mas konti 'yung class days ko ngayon. Kaya gumora ko sa trabaho. Though, biglaan lang din naman 'yon. Baka ikamatay ko 'tong maling akalang 'to sooooon :) Pangatlo, blogging eats time. Instead na napupunta 'yung oras ko sa pag-stalk, haha :D napupunta sa pagsusulat. Well, okay na practice 'to kaso puro kalokohan lang naman 'yung pinagsususulat ko e.
But because of your feedback, nagagawa kong magsulat. Hindi ko alam. Basta nakakasipag 'yung mga texts at posts/messages sa fb regarding my blog. 'yung tipong tang ina mo! Ano na namang drama 'yung sinulat mo? Lalo na 'yung, Nagsusulat ka na pala ng Tagalog ngayon? Bago 'yan ha. Nakakatawa. Ang sarap sa feeling kasi dati, tinatapon ko lang 'yung mga gawa ko pakatapos kong ipabasa sa iilan. Tapos eto ngayon, merong kayo na nagtitiyaga basahin 'tong blog ko ng walang pilitan. Drama? Haha. Natutuwa ako sa attention na nakukuha niya. At sa katotohanang nag-aaksaya kayo basahin 'yung mga rants ko. Clap clap! Paki-minus 'yung mga feedback na nagsasabing magaling ako. You know people, this isn't helping. haha. 'pag naririnig/nababasa ko kasi 'yon, bukod sa sige... syempre, napa-flatter ako e mas matindi 'yung pressure. Mas gusto ko pang nilalait 'yung gawa ko para may challenge. Tipong feeling ko kasi kelangan ko galingan dahil sabi niyo magaling ako. Ayoko ng ganito. Haha.
Bottomline. I just wanna thank y'all for wasting time on this. For the feedback which keeps the fire burning in me. Mas marami pang wasak na istorya, reklamo sa ekonomiya/sistema ng bansa, kwentong manggugupit at kung anu ano pang anekdota sa mga susunod na araw. Pramis. Kaya kong magsulat ng seryosong topic. Tinatamad pa lang ako. Someday, I'll stop blogging about love. Ayoko namang ma-trauma kayo. haha :D Salamat ulit :D 'yun na!
Mawawala ako for quite some time pero bibigyan ko kayo ng benggang comeback. :D Mamimiss kita! este kayo :D
Blogger <3
feed backs. yan ang dahilan ko para sa pagsulat. Iba pa din pakiramdam pag may nagbabasa ng gawa noh? haha. Incentives ng blogging. yeah! \m/
TumugonBurahintrue :D ang saya lang. haha :D akala ko kasi walang papansin neto. parang fuel 'tong feedbacks. it would really keep u going :)
TumugonBurahin