Huwebes, Mayo 24, 2012

Tanong ni Kuya Chubz

pagba sa inyo ako kumuha ng statistics papakopyahin mo ko? hahaha - Judel Arugay

Kung ibang panahon ko 'to narinig, baka nagwala na ko sa insulto. Bobo nga kasi ako sa Math. Pero honestly, binuhay ng tanong nato lahat ng takot ko para sa next sem.

Masaya! Third year na kami. Dalawang taon na lang, ba-bye PUP na. Pero hindi ako excited. Natatakot ako. Hindi ko alam kung kaya ko pang panindigan 'yung President's Lister na peg ko. Hindi naman siya ganun kahalaga sakin kaso... nakuha ko kasi siya ng madali. Hindi ko matatanggap pang nag-effort ako tapos saka siya mawawala. Badtrip yon.

Bakit ba ko natatakot? Una. Kasi nga may Stat. Tae naman kasi. Magsusulat ako ng balita, oy! Bakit kelangan ko 'tong pag-aralan?! Well, alam ko naman kung bakit. In denial lang ako kasi ayoko talaga sa kanya. Ayoko talaga sa Math. Kaso, kasama sa curriculum e. Anong magagawa ko? Sana kasing bait na lang ni Sir Poloyapoy 'yung maging prof namin sa Stat. O kaya, sana siya na lang. Para makabawi ako sa essays. Pag inasa ko kasi 'to sa computations, siguradong babagsak ang pangarap ko.

Hindi lang naman talaga dahil sa Math. Alam kong magiging patayan ang last two years ko sa College of Communication. Me thesis na hindi ko alam kung pa'no gagawin, mga imposibleng projects galing sa mga profs, paimportanteng minor subject professors at kung anu ano pang ek ek. Minsan, ang sarap sukuan ng lahat ng 'to. Pero kinaya ko ng dalawang taon, kakayanin ulit ng dalawa pa.

Nakakatakot din 'yung expectation ng mga tao sa paligid. Hindi ako 'yung taong palaisip ng sasabihin ng iba. Pero kapag 'yung sasabihin na ng mga taong mahahalaga sakin, feeling ko kakayanin ng mag-produce ng kuryente ng utak ko sa kakaikot dahil sa pressure. Madami kasi kong gustong patunayan. Sa kanila. Dun sa mga taong naniwala sakin kahit anumang nangyari. Pero mas madami akong gustong patunayan sa sarili ko. at mas nakakatakot yon. 

Feeling ko kasi ang galing ko. Feeling ko kaya kong abutin lahat ng sinet kong expectations sa sarili ko. Mataas kasi 'yung ineexpect ng iba. Pero dahil abnormal ako, mas mataas pa 'yung gusto kong makuha.

Pero ang pinakakinakatakot ko sa lahat e 'yung paglabas ko sa buhay kolehiyo. Hindi ko alam kung anong meron para sakin pagkatapos ng 20 taong pag-aaral. Magkakatrabaho kaya ako? Sana hindi sa call center. Hindi ko alam. 

Pag hindi ako nagkatrabaho sa media, alam kong ipipilit na naman niya 'yung gusto niya. Kaya kelangan mapanindigan ko 'yung tigas ng ulo ko. Kelangan mapakita kong kaya ko. Kasi kung hindi, palpak na naman ako. Wala na naman akong kwenta. Ang masakit, sa mata niya pa.

Ang daeng pwedeng katakutan. Pero pinakanatatakot ako sa sarili ko. Hindi ko alam kung hanggang saan 'yung kaya ko, hindi ko alam kung anong mga kaya kong gawin. Malalaman ko din 'to soooooomeday. Pero sa ngayon, torture lang pag inisip ko 'to lahat.

Kaya bahala na kung anong mangyari sa huling dalawang taon. Bahala na kung anong naghihintay sakin pagkakuha ko ng diploma ko. Bahala na.

But I'll make sure I'll be getting the best out of everything that comes my way. At ieenjoy ko ang buhay ko. Kesa magpakain sa takot sa'yo, sa inyo, sa takot sa sarili ko.

So, bring it on, Life!


(I Just Wanna Live by Good Charlotte)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento