sana pwedeng lumipad talaga. 'yung tipong unli zipline malayo sa lahat.malayo sa'yo.
Antagal kong nawala kaya tamang kwento muna ko. Pero bago
‘yun, paumanhin sa matagal ko ngang absence at sa matagal na pagkakatengga
netong blog ko. May malalim na dahilan ‘to. Pero akin na lang ‘yun. Bababaw na
kasi siya ‘pag nalaman niyo. Haha.
Pangalawa, apat na ‘yung followers ko! Salamat
sa nadagdag. Kahit hindi ko alam kung ka-follow follow ba talaga ‘tong blog
nato. At salamat lalo kasi kahit walang bago sa blog ko these past few days e
andami pa ding nadagdag sa pageviews. Ehem. Hindi ko talaga alam kung ilan
‘yung readers neto at kung sinu-sino. Me ilan lang akong kilala pero salamat pa
din. Kung sino ka man/man kayo, sa pagbasa at pagtitiis sa walang
kakwentakwenta kong mga drama.
Ayun nga. Bakit nga ba ko nawala? E kasi summer. Ano ba? Rampa
mode! Di ko na ikekwento ‘yung pinakamaliliiit na detalye. Nakakapagod ‘yun
bukod sa masyadong space consuming. I-highlight na lang natin ‘yung dapat
i-highlight.
Una diyan ‘yung overnight swimming ng Rizal. Disappointed,
uhmm. Well, medyo. Kasi kung tama ‘yung pagkakatanda ko, 56 kami nun pero 17
lang ‘yung sumama. 16 nga lang kasi ‘yung isa sa labimpito e hindi naman namin
kaklase nung fourth year. Kung ilan ‘yung wala, ikaw ng bahalang mag-minus.
Bobo ko sa math. At katulad ng dati, grupo grupo pa din kami. Merong andun sa
kabilang dako ng pool, meron sa kabila at meron sa gitna. Ewan. Mahirap na nga
sigurong baguhin ‘yun gaano man gustuhin. Anyways, wala naman akong pake kung
ma-deads kami ng hindi magkakasundo. Ayoko ding plastikin ang sarili ko ‘pag
sinabi kong gusto ko talaga ‘tong mangyari kasi hindi naman bago sa ilan na
meron talaga kong ayaw sa klase. Buti na lang graduate na kami. Pero dyusme,
tinatry ko with all my might na umaktong okey sila sakin maging okey lang kahit
sooooooobrang hirap. Hindi pamamlastik ang tawag dun. Pero kung ‘yun ang gusto
mong itawag, sapat na din. Wala din kasi kong maisip na tawag. :P
Ang nagpasaya talaga sakin ng todo ay ‘yung pagtambay nung
pinakamalalapit saking Rizalista sa bahay namin bago ‘yung swimming. Pre-nuptial
kumbaga. Wala lang. tamang lamon, tamang kwento, tamang tawa. Namiss ko sila ng
sobraaaaa!
FINGER. ‘yan ‘yung word of that day. Kasalanan ‘yan ni
Marlon Robles Shia. I-add niyo siya s fb at siya mismo tanungin niyo kung
bakit. Haha. Pero wagas na wagas ‘yung tawa ko dito, as in. endless!
Come the overnight swimming… parang wala lang. ayun langoy.
Katulad ng dapat mangyari. Ang best part ay ang kwentuhan with the mosquitoes
sa umbrella chair with BET, EZEK, LIGHT, SIZ at BRAD. Tamang kwento ulit. Di nagsawa
kahit sila din ‘yung kakwentuhan ko nung nasa bahay pa. the best talaga ‘yung
company nila kahit tamang lait sila ke ANO. Sapat lang. kahit maling mali ‘yon!
Haha.
Nakakaguilty tuloy kasi feeling ko etong mga oras nato
tumtawag si CHONG para magpatulong kasi hindi siya makapunta don sa resort
though dakila ‘yung pagnanais niya. Tsss. This made me half-hearted sa saya sa
gabing ‘to.
Pakatapos nung madaling araw na, inaantok na kami. Hayup
naman kasi. Walang pahinga simula umaga. Puro daldal at kain. Masarap naman
talaga itulog ‘yon sa gabi. Kaso nga me overnight swimming effect kami.
Ganunpaman, nagawa naming magbonding habang tulog. Nakaikot kami dun sa
umbrella chair at nakayukyok sa mesa. Plakda! Pero eto ‘yung pinakanaenjoy ko.
Yeah! We slept together. Imagine? Kami lang ang nakakapagbonding ng tulog.
Walang salita, walang kilos. Tamang meme lang.
After neto, tamang tulog ako sa bahay… mother’s day.
Hinarana namin si inang mother and dude, she cried. Bleeeh. Mali. I cried.
Haha. Baliw. Ako ‘yung naapektuhan ng pakilig mode naming magkakapatid. Tsss.
Such emo kid in me!
Days later, bilang naniniwala ako na ang goal kung bakit
me summer e para magkulay ulikba, swimming ulit! Feeling ko, naachieve ko naman
‘yung goal, di nga lang achieve na achieve. Ayoko namang agawan si Jillian Ward
ng role sa Luna Blanca which reminds me na ayoko sa mga batang artista. Feeling
ko kasi deprived sila sa magandang childhood. Haha. I recall, nung bata kasi
ako, madalas akong PILITIN kumanta sa taas ng table at binibigyan ako ng pera.
Sauce! Pag ngayon pinagawa ‘yun sakin, baka ipatong ko ng duguan ‘yung bungo ng
magrerequest sa table. Pero dahil batang pabiba ako, ginagawa ko pa din :P
okay. Going back… nagswimming kami with mommy’s officemates and their families.
The best!!!
E kasi close naman talaga kami. Tapos, andaming bata!!! Kung
hindi obvious sa mga albums ko sa facebook, sige, sasabihin ko na, mahilig ako
sa CUTE na bata. With emphasis on the word cute. Haha :D mas mahaba ‘yung
pasensya ko sa kanila e. uhmm.. ayun. Ginawa nila kong photographer as usual
bilang ako ang me dslr at hindi sila gaanong maalam don (I won’t claim na
magaling akong photographer, though.) pero ‘yun nga.
Wall climbing, rappelling, zipline! Tatatatataaaaah! I tried
wall climbing and zipline pero ‘yung rappel? Sauce! Kabisado ko sikmura ko.
Alam kong magkakalat ako pag ginawa ko ‘yun kaya hindeeeeee. Haha. Natapos
naman. At bilang vain silang lahat, I was left to upload almost 600 photos.
Look at that. Pero ayos lang. madaming pagkain e. masaya ko :D
Pero me natutunan ako sa rampang ‘to…
UNA: wag kang magpachix ‘pag alam mong ate ka. Sayang ang
porma sa dami ng utos. Nakakawala ng poise mag-alaga ng bata. Pero kung trip mo
talaga magpachix at umemote ng mabuti, gora! Walang pipigil sa’yo.
PANGALAWA: next time, magdadala ka ng netbook. Wala na atang
lugar na walang Wifi ngayon. Okay?
PANGATLO: pag sasama ka sa isang jeep ng taong mas vain pa
sa’yo, siguraduhin mong full charge ‘yung camera mo. Huhu. Btw, napagod ng
lubusan si Chera (my cam). Napalowbatt nila nung tipong jumpshot na.
PANG-APAT: magdala ng ballpen at papel lagi kasi alam mong
baliw ang utak mo. Biglang inatake ng ideas kung kelan ka nakalublob sa pool o
kaya nakatanga sa harap ng madaming tao.
PANG-LIMA: pag andyan ‘yung crush mo, sunggaban mo na. aarte
arte ka pa kasi, umuwi ka tuloy na wala man lang picture kasama siya.
Aaaaaaargh! Eto ‘yung pinakamasaklap! Andun na e! ‘yung idol ko lang naman.
‘yung malupit na nilalang na nagturo sakin magbasa ng komiks. ‘yung taong me
malupit na kamay na nagdrawing kila Porky at Manila Man. Tssss. Matagal ko ng
crush ‘yung kamay niya. Hindi man lang ako nakapagpapicture sa kanya.
Apaka-pa-virgin effect kasi! Moriones! Kasalanan ko ba ‘yun e totoo naman?
Basta, next time. Kung me next time pa.
Ayaaaaan! Ayan ang highlight ng one week or more ko atang
pamamahinga sa mundo ng facebook at blogger. Anyway, you won’t have any reason
to miss me again ‘coz as you see, I’m back.
Pepestehin ko na ulit ang araw araw niyong eksistensya at
palulungkutin ko na naman kayo (that I can promise.) btw, my next blog is
written because of GAB at kwento niya din ‘yon. Mabenta. Haha.
Nga pala, egzayted much ako. Haharap na si CJ Corona sa
senator judges on Tuesday! At mukhang matatapos ang trial ng hindi natutuloy
ang plano naming pumunta sa senado. Tsk. Cruel world. ‘yang mga plano plano
kasi na yan e. laging palpak.
O sya, napakahaba na nito. Na-bore ka ba? Well, wala akong
pake. Antagal ko nawala e. Binawian ko lang kayo. So there. Sorry if my ideas
were jumping, inaantok ako. Haha :D
Pahabol… Wala ka naman talagang mkukuhang maganda sa
swimming. Bukod sa nenegra ka dahil sa tapang ng chlorine, uuwi kang me
sandamakmak na pasa, gasgas at pilay. At madaming madaming pagod. ‘yung tipong
feeling mo paghiga mo sa kama, pinulikat ‘yung buong katawan mo kanina. Ganun.
‘yun nga lang ‘pag hindi mo ‘to ginawa, wala kang summer themed prof pic at
cover photo. Yow! Di ka in! tahahaha… (evil laugh)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento