Miyerkules, Mayo 23, 2012

Sana Ako Din...

Kasaaaaaal! Oo. kasal. kasal ng tito ko kanina...

Pinangarap ko maging wedding coordinator/photographer dati kasi feeling ko naman, hindi ko mararanasan ikasal. atleast, maenjoy ko man lang mag-organize o magprepare ng kasal kahit para sa iba. Bayani mode lang. :D

Bilang instant function hall ang bahay namin, syempre, kami 'yung pagod. haha :D reklamo? hindi. kami kasi nila mommy, chamille, christian at ni tita khen 'yung nag-ayos nung bahay. nag-mop ng tiles at naglinis ng mga ek ek. natanggal tuloy agad 'yung mga agiw sa kisame. pinapaabot talaga namin 'yun sa Halloween e. kaso me kasal. alangan nmng halloween ang theme ng kasal nila di ba? hiyang hiya naman ako sa tito ko.

So, to sum it all up. pagod kami. late na natulog the other night at maaga pa gumising today. nung feeling ko, okey na lahat. biglang sinabi ni tita khen na magsoundtrip naman daw kami para me energy. AND THE IDEA HIT ME!

me to my beautiful self: oo nga no? kelangan ng love songs. kasal e.

SHOOT! wala ako nooooooon! hinagilap ko agad 'yung cellphone ko para tingnan kung me naligaw akong maayos ayos na love song na bagay sa event. sa awa ni Lord, out of 218 songs sa memory card ko, 12 lang dun ang love songs at 2 lang 'yung pangkasal. the other 206 ay mapapait na kanta. wasak. dyis! ganito ko ka-emo?!

SOOOO.. hagilap ako ng CD sa CD rack. tae. puro wasak na kanta din 'yung mga nandon. me sumulpot mang love song, susundan ng emong kanta. tae. ano ba? ba't ganon?

Kayaaaaa.. wala na lang tugtog. tutal nagpunta sila samin para sa reception. hindi naman namin obligasyon patugtugan sila di ba? hahaha :D

Pero bakit ko ba sinulat 'to? wala. nakakatuwa lang kasi 'yung love story ni tito ryan at ni tita michelle. sila na nung highschool. nag-break. nagkita ulit after 10 years... at nagkabalikan. tapos sila na ulit. tapos eto na nga. magkakapinsan na ko in 3 months time after ng almost 19 years kong existence. thanks to them! hehe :D at ang pinakamasayang part e kasal na sila. nakakatuwa di ba? oo. um-agree ka! haaaay :) feeling ko tuloy, me babalik din sa buhay ko after 10 years...

Ay leche Charisma! wag ka ngang gaya gaya ng love story! mag-isip ka ng sa'yo. writer ka pa naman. haha :D hmmm.. sana nga no? sana me maganda din akong kwentong pag-ibig. wala mang bumalik after 10 years (kasi wala naman talaga kong iniintay..) sana me dumating. para naman hindi lang ako organizer ng wedding. para naman hindi lang ako pitik ng pitik sa camera habang nagki-kiss 'yung newlyweds o kaya nagsusubuan sila ng cake o nagpapalipad ng kalapati o kaya nagsusuutan ng wedding ring.

SANA AKO DIN!

pero... kung wla talaga. sapat na din sa'kin drumamang bisita basta maraming pagkain! :DDD

hindi ko alam. biglang pangarap ko na lang ikasal. epekto siguro 'to ng Cobra. ayt! titigilan ko na nga 'yon. masama sa utak. nakakasira ng pangarap. haha :D OA mode :P

(Your Love by Alamid)

And Your Love saved the day! wuhooooo! salamat sa isang malupit na kanta ng pag-ibig Alamid! sana hindi kayo nawala... :D

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento