Sabado, Mayo 5, 2012

Inasnang Tubig for Ulam

hmmm... sarap... - Daddy


Hindi ko alam kung nang-uuto si daddy o kung nahabol pa talaga nung paminta 'yung lasa nung ulam. Tanga kasi. Nilaga na lang lulutuin, palpak pa. Nakakafrustrate.


Wala kasi si Mommy. Nagpunta siyang Baguio for a seminar/team building ek ek ng Koop. Officer siya dun. Okey lang naman talaga. Iniwanan niya kami ng pera, pambili ng ulam, panggastos. Wala talaga sanang problema kung sanay lang ako sa kusina. Kaso hindi.


Alam ko lutuin 'yung nilaga. 'yun pa lang napeperfect ko sa lahat e. Kaso nadala ko ng mga kanta ng The Script. Ayon. Nakalimutan ko 'yung paminta. Naalala ko lang nung papatayin ko na. Buti naihabol pa. Kundi, kakain kami ng inasnang tubig.


Nakakainis lang. Wala talaga kong tiyaga sa kusina. Taga-tikim lang ako nila mommy 'pag nagluluto sila. Sanay magluto si Chamille, 'yung younger sister ko, masarap magluto si mommy, si mama, si tita josie. Sila. Siguro me lahi kaming masarap magluto na hindi ko namana. 


Sanay kami sa masarap na pagkain. E kasi nga magaling magluto si mommy. Kahit imbentong luto lang, keri. Kaya ngayong wala siya... Nakaasa ako sa carinderia ni Ka Aida. Haha :D at pinupurga ko ng hotdog sila PrinSISA (Chamille) at Prinsipe HOBA (Christian). Kawawa naman 'yung mga kapatid ko. Pero muka namang nag-eenjoy pa sila. Rumerequest pa nga ng fried rice si Christian e. Akala mo chiks.


Naisip ko lang... Hindi talaga ko pangmarried life. Haha :D wala akong tiyaga sa gawaing bahay, wala akong hilig magluto. Wala. Hindi ako wife material :D Pero handa akong kumuha ng course about Good Housekeeping at Culinary Arts para sa'yo :D Wala makapaglandi lang ngayong umaga. HAHA :D Nakahugot ako ng inspirasyon sa The Script kanina kaya me matino akong entry mamaya :)


P.S. Mommy, umuwi ka na. Please. Nadiedieta kami e. Haha :D pero bukod dun, namimiss ka na namin :)) I love you <3

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento