Lunes, Mayo 28, 2012

Pekeng Tao

hindi ko alam kung bakit ko isinusulat/isusulat 'to. basta alam ko, wala kang pakealam kung ayaw ko mang maging teacher kasi buhay ko 'to. Katulad ng wala akong pake kung gumunaw na nga sa December 21 ang mundo. kasi wala din akong pake sa'yo.

totoo naman kasi. punung-puno ng mga pekeng tao ang mundo. mga pekeng nilalang na umaarteng nagpapakatotoo. teka nga, in the first place, ano bang meaning ng "totoo"? pa'no mo ide-define 'to? para 'yang tubig e. walang shape. nakiki-korte lang sa container kung san siya nilagay. meaning to say, hindi absolute.

katulad mo, isa din akong pekeng tao. madaming pangarap, madaming gusto. madaming frustrations. gusto ko maging kasintalino ni Ms. Pat Evangelista, maging kasing-astig ni Lourd De Veyra. gusto ko din makapagsulat ng libro't bumenta katulad ni Bob Ong, gusto kong maging kasinlupit magdrawing ni RH Quilantang. usapang pisikal, wala akong gusto. isa pa, hindi 'to kasama sa mga pamantayan ko ng pagiging tao. sapat na saking me utak. pag wala 'yon, pakamatay ka na. wala kang silbi sa bansa. oh well, depende pa din pala. nagagamit naman sa ibang trabaho ang katawan at mukha :D

katulad ko, madami ka ding gusto bilang pekeng tao. siguro, pinangarap mong maging rockstar o tumugtog sa sarili mong banda, siguro pinangarap mong maging doktor, guro, inhinyero, seaman, abogado o kaya, maging artista. eto kasi 'yung pinapakian sa'yo ng environment. pulos polusyon. parang sapat na, masaya na, kapag may stable kang trabaho/s at humihiga sa pera. well, kung pagiging praktikal lang naman ang pagbabasihan, tama 'to. kung kukuha ka ng course, 'yung shoot sa banga at may malaking sweldo. uhmmm... hindi ko 'to inisip nung papasok pa lang akong kolehiyo. naniniwala kasi kong boring ang buhay kapag hindi mo gustong ginagawa mo at hindi mabibili ng sweldo ang sayang hanap mo.

kaya kahit ayaw pa ng kung sino, nagJournalism ako. hindi naman dahil lang sa may talent "daw" ako sa pagsusulat sabi ng iba. sabihin na lang nating eto 'yung mundong gusto kong pasukin. kanya-kanyang pekeng mundo lang naman 'yan e. ako, pinili ko 'to. kasi magulo, malawak. tipong araw-araw, may bago sa buhay ko. pinaka-ayoko kasing feeling 'yung naka-stuck ako sa isang four-cornered na kwarto. nakakahon. nakakasakal. so, kahit ano pang kawalang-tiwalang narinig ko sa paligid ko, sinunod ko 'yung matigas kong ulo. anu't anuman, magkamali man ako, wala akong ibang sisihin kundi sarili ko, katangahan ko.

mahirap hanapin 'yung tunay na makakapagpasaya sa'yo sa mundong 'to. peke nga kasi. walang permanente. lahat nagbabago. kaya kung sakaling mahanap mo 'yung nag-iisang nakapagparamdam sa'yo na minsan naging totoo kang tao, hawakan mo. kasi pag nakawala 'yan, malabo na 'yang bumalik pa sa'yo at mabubuhay ka na lang sa prinsipyong lahat ng nangyayari sa'yo "pwede na". man, kagaguhan 'to. isang epic example ng pagiging pekeng tao.

isa pa, magheadset ka pag nagsisimula na silang magdikta sa'yo. dude, hindi ka robot. hindi ka makina. kaya ka me utak, para mag-isip ka. kung lahat iaasa mo sa sasabihin ng iba, para san pang nag-aral ka? sabi ko nga, kanya kanyang mundo, kanya-kanyang buhay. 'yang buhay mo, nakatitulo sa'yo. pwede mong ayusin, pwede mong sirain. depende sa trip mo. basta tandaan mo, sa'yo 'yang buhay mo. wag kang makinig sa iba. magaling lang sila kasi hindi nila nararanasan 'yung nararanasan mo. mahusay lang sila dahil magkaiba kayo ng sitwasyon. pero try niyo magpalit, kapareho mo lang din 'yung mga yon.

tutal nasa pekeng mundo nga tayo, piliin mo na 'yung pekeng mundong makakapagpasaya sa'yo, samahan mo 'yung mga taong nagiging totoo kapag pumasok sa mundo mo, gawin mo 'yung mga bagay na gusto mo. dahil buhay mo 'yan. itodo mo 'yung headset mo sa sinasabi ng iba. mag-poker face ka na lang pag sinesermunan ka nila. habang inaabot mo ng tahimik 'yung gusto mong isinusuka/binabasura nila. magpaka-peke ka.

tandaan mo, panandalian lang ang ligayang dulot ng mga glamorosong damit/porma, saglit lang din ang kilig na hatid ng unang hawak sa I-Phone, BB, Galaxy o Xperia. ilang buwan lang, mawawala din 'yan lahat sa uso at kakainin ka na naman ng diskontento sa katawan mo. wala ding saysay ang mala-palasyong bahay, mala-haring buhay at dollar accounts kung inuusig ka naman sa senado. ah peste, ba't nasama 'to? sa huli, it'll all boil down to what makes you happy and what makes your life worth living.

after all... mabigo ka man, madami pa namang ibang pekeng mundo na pwedeng subukan. at kung magtagumpay ka, mas masarap sumaludo gamit ang pamakyu mong finger sa harap ng mga pekeng taong walang alam kundi manghusga.

lipad lang!



Yuhoooooo! Success! Hindi 'to emong entry!!! :DD

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento