Huwebes, Mayo 10, 2012

Mapagmagaling ako kasi :D

ngayong hapon, napatunayan kong ang galing ko magmagaling. Yeah! Totoo nga. Me already!


nagagawa kong mag-advise sa mga tao sa paligid ko na parang alam ko lahat. dyis! sa totoo lang, wala akong alam.


andae kong ka-chat kanina. dalawang mag-jowa na parang hindi na ewan ko kung ano bang problema. syempre, concerned citizen ako kasi si DAD 'yung involved. me isa pa, isang tropa ko na feeling ko mahuhulaan niyo din kung sino; umeemo na naman kasi siya (as usual), isang pumapauso na masayang hindi daw kahit emo lang din 'yung ibig sabihin non. isang kakagaling lang sa break-up at ang stress reliever ko, isang cute na bata with cute thoughts. buti na lang, andun 'yung huli :D


so, bakit feeling ko ang galing ko magmagaling? tae. di mo gets?


isa akong mega love expert dahil hinihingan nila ko ng advice. kahit pakshit, wala akong lovelife. ni wala akong LB ngayon. (LB: Landian Buddy para sa mga painosente.) o di ba? kung pano, saan ko hinahagilap 'yung sinasagot ko sa kanila ay hindi ko alam. wala non sa google o baka nga meron. next time, ita-try ko maghanap.


ang hirap kasi sumagot sa mga taong 'to. alam mo 'yun. 'yung feeling na "tang ina. ako nga walang pinoproblema sa lovelife ko e. tapos ako tatanungin mo?"


hindi naman sa napapagod na ko mag-advice. trabaho ko 'to ever since dahil isa nga akong mapagmagaling na biyatch. pero kasi, tuwing nag-aadvice ako, naaalala kong wala akong ganitong problema (na sana meron nga akong ganitong problema and moooooore..) naaalala kong wala akong lovelife. saklaps. hindi naman 'to big deal kasi peg kong tumandang dalaga at sumunod sa mga lola ko. pero daaaaarn. sinong hindi nangarap ma-in love?! no, not me. haha :D


so there. namimiss ko si in love feeling. simula kasi ng nawala si Jonel sa buhay ko, wala na kong pinayagang pumalit sa kanya. LOL. hindi. maarte lang ako. at dahil sa kaartehang 'yon ay nawala din 'yung isa, 'yung isa at 'yung isa pa. tsk tsk tsk. isa kang malaking epic fail, Sta. Ana. tapos ngayon, umiinarte ako na wala akong lovelife. kaninong kasalanan? sa kanila! tahaha :D


ayon. bilang nagmamagaling na naman nga ako. kung anu anong advice 'yung pinagsasabi ko sa kanila na parang alam ko lahat. Been there, Done that ang drama. kahit wala. ang mga advice ko'y ampaw. kalokohan. at napulot ko lang sa nagpapaka-ideal kong utak. dyis! at super thankful sila pagkatapos. you should be! kung alam niyo lang kung gano kahirap pigilan 'yung warfreak side ko na magwala para lang mabigyan kayo ng matinong advice (kung matiino man 'yun).


kahit kasi nung una, naniniwala akong wasak ang pag-ibig. at wasak nga. kaya nga andaeng humihingi ng advice sakin di ba? kung masaya ba 'to, mag-aaksaya sila ng oras i-chat ako? sauce. hindeeeee. 


bottomline is... namimiss ko lang ma-in love. at nakakapagod din pala magmagaling tungkol sa bagay na 'to. kasi mahirap humugot ng wala. mahirap magbigay ng wala. tss. so tama ng drama. kelangan ko ng positive aura at good vibes. salamat sa cute thoughts nung cute na bata kong ka-chat at dun sa isang inaasar ko. at least, hindi lahat ng ka-chat ko ay nakakastress.


kbye. mawawala ako ng medyo matagal my lovely readers (umaasa talaga kong meron). kasi, magsisimula na kong ienjoy ang summer! OO. ngayon lang. tae. :D


so, isang in love na kanta. para mamiss niyo din ma-in love kung hindi :D


FOREVER by THE AMBASSADORS
(from youtube.com)
[isa sa kakaunting makesong kantang gusto ko :P]

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento