(Photo: Google.com)
Writer’s Block: eto ‘yung tipong kahit anong isip mo, wala
kang mahalungkat na konsepto. Kahit anong random element ‘yung gamitin mo,
hindi mo magawan ng kwento. ‘yung tipong alam mong malupit na gawan ng istorya
‘yung impeachment trial pero hindi mo malaman kung pa’no sisimulan, pa’no
tatapusin o kahit kung pa’no lang gagawan ng katawan.
Eto ‘yung pinaka-unfortunate sa lahat ng unfortunate events.
Eto ‘yung tipong dadating kang handang handa manalo sa presscon tapos biglang
blangko. Pagkabigay na pagkabigay ng topic, biglang nagmalfunction ‘yung utak
mo. Mahirap pa kasi pag dumating ‘to, papatayin ka na ng kaba mo. Kaya ‘yung
picture ng gintong medalya sa utak mo, unti-unting lalabo. Hanggang sa
tanggapin mo na lang na uuwi kang olats.
Pero wala tayo sa presscon o kahit saan mang essay writing
contest, pero mind you, pwede mong maranasan ‘tong writer’s block sa essay part
worth 10 points ng exam mo kahit hindi ka talaga writer. O kahit nga sa
pagsulat lang sa blog mo. Tulad ngayon, anlakas makaBV ng writer’s block ko.
Kanina, maraming tumatakbo sa utak ko pero tinulugan ko.
Nakakatamad mag-type e. Pero sa ilang taon na ding pagsusulat ko, natutunan ko
na ding dayain ‘tong writer’s block na ‘to. So, anong gagawin mo ‘pag umatake
siya?
Simple. Isaksak mo ‘yung headset mo sa tenga mo, itodo ang
volume at pakinggan mo ‘yung pinakamasakit na kantang meron ka. Advisable ang
The Script sa ganitong tema. Isang kanta lang. Paulit-ulitin mo. Ramdamin mo
‘yung pait. Ramdamin mo ‘yung sakit. Isipin mo ikaw ‘yung lead vocals. Ikaw ‘yung
nasasaktan sa bawat linya. Ikaw ‘yung iniwan. Ikaw ‘yung pinagpalit. Angkinin
mo ‘yung galit, ‘yung pakla nung kanta. Feeling mo, ikaw. Magpaapekto ka.
Magdrama. Ilagay mo ‘yung sarili mo sa kanta.
Pagtapos, isipin mo ‘yung isang taong ‘yun na nakapanakit
sa’yo. O kung madami man sila, pumili ka lang ng isa. Isipin mong nasa harap mo
siya. Kausap ka. Kinakamusta ka. Binabalikan ka.
Eto na ‘yun. Kumuha ka ng bolpen at papel at isulat mo lahat
ng sumbat mo sa kanya. Lahat ng sakit na dinanas mo habang tumatakbo ‘yung
kanta. Lahat ng pait na tinanggap mo ng iwan ka niya. Nasa harap mo siya e.
Umiyak ka. Ipakita mo kung gano kasakit lahat hanggang pati siya madala.
Hanggang magsisi siya na iniwan ka niya. Sabihin mo lahat, wag kang magtira.
Isipin mo pagkatapos nito, wala na. Wala ka na ulit pagkakataon para ipaalam sa
kanya. Lahat lahat. Sabihin mo lahat.
Isigaw mo. Isampal mo sa mukha niya. Saktan mo siya gamit
lahat ng alam mong salita. Wag kang pumayag na matapos ‘yung sandaling ‘yon na
hindi niya nararamdaman kahit kalahati man lang ng sakit na inabot mo. Lahat
lahat.
Pagtapos ka ng umiyak, pag tapos ka ng manumbat, ngumiti ka.
Isipin mo lahat ng masasayang alaalang binigay niya. Lahat ng pangakong nasira,
lahat ng tagpong pilit mong kinakalimutan ngayon pero alalahanin mo ‘tong
nakangiti. Kahit masakit sa loob, kahit mapait. Kahit alam mong wala na ‘to
lahat. Ngitian mo lang. Pagtapos, magpaalam ka. Magpaalam kang umiiyak, bahala
ka. Magpaalam kang nakangiti, edi maganda.
Basta bago ka magpaalam, siguraduhin mong naparamdam mo
lahat ng dapat mong iparamdam. At siguraduhin mong sa lahat ng ipinaramdam mo
sa kanya, merong maiiwan. Kahit masakit, kahit masaya, kahit ano. Basta ang
mahalaga, pagtapos mong sabihin lahat sa kanya, maalala ka niya.
Pero parekoys, wag mo ‘tong tanggapin ng literal. Hindi
pag-i-emo ang sagot sa writer’s block. Basahin mo ‘to sa paraang manunulat.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento