Miyerkules, Mayo 2, 2012

Know-Me-Mode ON!


Hindi niyo pa pala ko kilala 'no?

Wala lang. Naisip ko lang bigla introduce 'yung sarili ko. Wala ka namang magagawa. Blog ko 'to. Kaya, know-me-mode tayo :D

Weirdo ako sa iba. Cool sa ilan. Luka-luka sa paningin ni Mommy. Abnormal para sa madami. At katulad ng pinipilit ng lahat, unique ako. Cha, Chare, Chareng, Charm, Charmypads, Charmybabes, Charmander, Gak, Baboy ang tawag nila sa'kin. Pero... ako talaga si Charisma :)

Katulad ng iba, dinidilat ko 'yung singkit kong mata para magising sa umaga. Yon! Isa sa pinakakinapufrustrate ko 'yung mata ko. Pangarap ko siyang lumaki. Pinipilit ko talaga. Hindi ko magawa. :(

Bukod sa konting talent ko daw sa pagsulat, pagkanta, pagsayaw, pagdodrawing, pagpinta at sa nag-uumapaw kong confidence, wala ng espesyal sa'kin. Madami ng nakapagsabing mayabang ako. First impression sa'kin lagi 'to. Well, hindi ko 'to idedeny. Pero hindi kasi nila alam 'yung difference ng yabang at kumpiyansa :D Sa tingin ko kasi, pwede mo lang sabihang mayabang 'yung tao kung puro siya salita. Sa kaso ko, wala pa kong ipinagyabang na hindi ko napanindigan. Sa dulo, mayabang pa din. Wag na magkaila :D

Hindi ako babae kumilos.Ayoko ng nakadikit 'yung dalawang tuhod ko 'pag nakaupo. Hindi ako kalmado magsalita. Malayo sa Maria Clara na pinapangarap kong maging ako. Tinutubuan ako ng inggit kapag nakakakita ko ng mga babaeng ganito. Pero, iilan na lang naman sila :) Bad news.

Mahilig ako sa maiingay at broken na kanta. Wala pa sigurong sampu 'yung makekesong kanta sa MP3 palyer ng cellphone ko. Hindi kasi ko korni. Hindi ako naniniwala sa fairy tales katulad ng nauna niyo ng nabasa sa mga entries ko, wala akong hinihintay na prince charming at mas lalong hindi ko peg humalik ng palaka para lang magkalove story ako. Sabi ko nga, malayo ako sa babae.

Kaya kong kumain habang dinudukot 'yung ribs ng isang character sa Saw pwera na lang kung naka-"diri mode" on ako. Kaya kong rumampa ng hindi nagsusuklay at tinatanggal 'yung polbong pinahid ko sa mukha ko. Wala akong pake sa mga mapanghusgang mata. Kasi tanggap kong attention grabber talaga 'pag maganda. HAHA :D

Hindi ako magastos sa pagkakaalam ko. Pagkain lang naman kasi talaga 'yung hilig ko. Wala akong bisyo. Ayoko ng sigarilyo, me hika ako. Hindi naman ako pwedeng madalas numomo kasi lintek 'yung allergy ko. Kaya hindi ko talaga alam kung saan napupunta 'yung allowance ko. Malaki siya kung tutuusin pero ewan ko. Mahirap hanapin 'yung sagot dito :P

Hindi ako mahilig gumala pwera na lang 'pag nasa mood ako't kating kati talaga 'yung paa ko. Mas okey sa'kin humiga sa kama, tumanga sa kisame habang gumagawa ng R18 film sa utak ko. Ayon. Pangarap ko kumuha ng film course. Pero bukas na. Tinatamad pa ko.

HAHA :D Ang tanging dahilan sa lahat ng hindi ko ginagawa ay ang sakit ko. Inborn sa'kin ang katamaran. Mas gusto kong makipagdaldalan sa tropa ko sa ilalim ng puno kesa maglakad sa mall at bumili ng kung anu-ano. Bukod sa tamad ako maglakad, never ako nahilig sa shopping. Hindi nga ata ako talaga babae?

Pinakamalaking pagkakamaling magagawa mo 'pag gumala tayo ay alukin ako kumain sa Chowking at magmiryenda ng Shawarma. Diring-diri talaga ko sa dalawang 'to. Feeling ko, 'yung Chao fan, natirang kanin lang kahapon at nilagyan ng kung anu-anong toppings para magka-flavor. At 'yung Shawarma, literal na napapasuka ko nito.

Malakas akong mang-asar. Malakas ako manlait. Malakas ako mambara. Malakas ako mang-trip. May iilang bagay na nakakapikon sa'kin at congrats 'pag natumbok mo 'yun! Dahil dito, wag kang lalapit sa'kin kung pikon ka kasi wala akong pake kahit mabadtrip kita 'pag naka-hyper mode ako. Pero 'pag seryosong bagay, seryoso ako. Wag mo kong mabiro-biro.

Ayoko sa plastik. But I can live with them anyway. Me nakapagsabing magaling akong umarte kaya kaya kitang pakisamahan :D Ayoko sa pusa. Masyado silang malampong at ang ingay nila 'pag mating season.

Madami daw akong kaibigan. Pero alam kong hindi. Ilan don kilala lang ako 'pag me kelangan, 'yung iba naman, hanggang sa umpisa lang. Wala akong pake. Okay lang sa'kin. People come and go and I let them. Bahala sila. Basta I fight for those who are worth keeping :)

Ayoko ng Math. Ayoko ng kahit anong related sa numero. Kaya sobrang taas ng tingin ko sa mga taong nagmamahal dito. Kasi pagdating sa Math, I'm a self-confessed bobo :D

Bale, lahat ng ginagawa ko ay nakadepende sa aking mood. At mahirap 'to sakyan. Kasi sobrang swift ng transition niya. Para ka lang naglipat ng TV channel. One moment, nakikipagtawanan ako sa'yo. The next minute, pinapabulsa ko na sa'yo 'yung mukha mo. Dabest 'yung mga taong nagagawa akong pakisamahan. Karapatdapat sila ipagawa ng monumento :D

Mahilig ako manuod ng basketball, volleyball. Ghostfighter, Flames of Recca, Slamdunk at action and gross movies. Mahilig ako sa baril at nakakatuwang nagkalat sila sa bahay :) Ayokong nagbabasa. Nakakatamad 'yun. Kaya achievement sa writer 'pag nagawa niyang ipabasa sa'kin ng buo 'yung libro niya. Nakakahanga. Pero napipilitan ako gawin 'to dahil required sa course ko at 'pag nakakakausap ako ng matatalinong tao :D

Pwede mo rin akong hingan ng advice kung desidido ka na mag-suicide. Guaranteed. Bukas, pinaglalamayan ka na. 'coz being harsh is my second nature :)

Siga ako nung elem hanggang ngayon ata? Nanonood ako ng porn at updated ako sa scandals. Nagmumura at nagdi-dirty finger. Pero wala kayong pake. Preference ko 'yon. Basta alam ko, kalokohan 'yung pinaniniwalaan niyong masama 'yung salitang "putang ina mo". Kalokohang matagal ng pinakain sa inyo ng nakakakahon niyong kultura. I strongly believe that clean is boring. Safe is boring. You have to have a little devil alongside :) Ayoko ng planadong buhay 'coz I love surprises, adventures and risks. Enjoy 'to :)

Pero naniniwala akong me Diyos. Katoliko ako dahil hindi pa ko marunong magreklamo nung pinabinyagan ako ng mga magulang ko. Ganunpaman, bininyagan ako at babasbasang Katoliko hanggang ibaon ako six feet under the ground. Hoping you'd miss me when that day comes :D

At dahil tamad ako, tinatamad na din ako tapusin pa 'to. Napakahaba na pala. OA.

Psst Charisma, tama na :P At kinakausap ko ang sarili ko in public.

HAHA :D Masaya naman ako kasama. Gala tayo minsan ha? At pinapangako ko sa'yong magkaka-STD ka! (Super Terrific Day, wag berde :P)


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento