Miyerkules, Mayo 9, 2012

Sa Bawat Malungkot na Kanta

(Video from Youtube.com)


But you're long gone and moved on...
But you're long gone, you moved on.

Tang ina. Pinaulit ulit ko na naman 'to sa utak ko. Nasabi ko na ngang tanggap ko na di ba? Pero 'pag nakakarinig ako ng kahit anong kantang makakapagpaalala sa'kin sa'yo, o kahit anong kanta, ganun na naman. Mahal na naman kita. Hindi na naman kita makalimutan.

Pero ako 'yung humiwalay. Ako 'yung umayaw. Ako 'yung tangang nagsabing tama na. Tapos na. Ayoko na. Tapos ngayon, ako 'yung humahabol. Hindi ko din alam. Ang alam ko kasi nun, hindi na kita mahal. 

Kahit tinuring mo kong prinsesa. Kahit ikaw lang gumawa non. Siguro nga, akala ko mahal na mahal mo ko na inisip kong kaya mong maghintay, na kakayanin mong suyuin ako pabalik sa'yo. Tang ina. Ba't di mo ginawa?

Halos ipagtabuyan kitang umalis sa bahay non. Iyak ka ng iyak. Wala akong pake. Wala akong maramdaman. Habang pinipilit ako ni ateng kausapin ka. Wala e. Napamahal ka din sa kanila, kay mama. Kaso ayoko na. Hindi na kita mahal. Tapos na.

Ilang beses kong pinaulit ulit 'yon sa'yo. Hindi na kita mahal. Ilang beses kong isinampal sa mukha mo 'yon bago ka tuluyang umalis. Siguro, umaasa kong babalikan mo ko kahit ganon, kahit ako 'yung tumapos. Kaso, wala. Ilang araw, buwan, hanggang umabot na ng taon, hindi ka nagpakita. Nakikibalita na lang ako sa kanila.

Hanggang magising ako isang araw na ikaw ulit 'yung laman ng utak ko. Pangalan mo ulit 'yung unang gustong makita ng mata ko sa inbox ko. Malabo pero... pinilit ko magkatotoo.

Tinext kita. M-in-essage sa fb. Ch-in-at. Literal na hinabol. Akala ko pwede pa. Akala ko mahal mo ko talaga. Siguro nga napagod ka na.

Nagparinig ako sa facebook, nagpatama. Shoot! Tinamaan ka naman. Sumagot ka pa nga.

"Move on ka na teh." sarap. Bakit? Naka-move on ka na ba? Wala na ba talaga? Baka kahit konti meron pa? Sige na naman o.

Ilang araw akong overdose sa kakaiyak neto. Pinilit kong ipakitang wala. Pinilit kong sabihin sa sarili kong nahihibang lang ako. Hindi masakit. Ako 'yung humiwalay e. Hindi na kasi kita mahal kaya tinapos ko na. Hindi na.

Pero ngayon, ako 'yung stuck up kasama ng malulungkot na kanta. Ako 'yung nagpipilit bumalik sa mga alaala - alaalang mukhang kinalimutan mo na. Pinangako mo sa'king babalik ka pagtapos ng anim na taon. Naaalala mo pa ba 'yon? E bakit mo ko pinagmu-move on?

Ako 'yung may gusto nito. Ako 'yung unang lumayo. Ako 'yung nagtulak sa'yo. Oo. Ako. Pero bakit ang daya? ako din 'yung umiiyak? Mas ako ata 'yung nasasaktan? Madami namang dumating na iba pero kahit anong nangyari, hindi kita nabitawan. O baka sadyang hindi kita binitawan. Kasi umaasa ko na pagtapos ng anim na taon, may "tayo" akong babalikan? Hindi ko alam.

Basta, ang malinaw lang, hindi ko pa kaya. Makita kang may kasamang iba kasi kung hindi ako numero unong tanga, ako dapat 'yon. Tayo pa siguro ngayon. Hindi ko pa kaya. Makipag-usap sa'yo at umaktong wala na. Ipagkalat sa lahat na ayos tayo at ngumiti ng totoo. Hindi ko pa kaya. Pigilan lahat ng luha kapag sinabi mo lahat ng sinabi mo ng personal. Hindi ko pa kayang makita ka kasi alam kong kahit anong galing kong magpanggap, 'pag nakita kita, mababasag ang depensa ko. Hindi ko pa kaya. At siguro, matatagalan pa.

Ang malinaw lang ngayon, sa bawat masasakit na linya ng kanta, ikaw 'yung una't huling papasok sa isip ko. Sa bawat mapait na mabasa ko, ikaw 'yung dahilan kung bakit ako apektado.

Iintayin ko pa din matapos 'yung anim na taon. Kahit ramdam ko pang nakalimutan mo na 'yon. Mag-iintay ako... kahit pa alam kong masyado ng malabo. Alam kong hindi ka na babalik. Pero pwede, pakibagalan naman 'yung lakad mo palayo? Baka sakaling mahabol ko pa. Baka sakaling pagtapos nitong malungkot na kanta, may ending pala na masaya...



To Gab with Love. Sorry. Nabura ko 'yung isa. Ita-try ko siya i-retrieve sa utak ko. Pero sana, bago ko 'yun maalala, sabi nga ni Kevin, "Move on ka na teh." Ang pakla mo e. Nakakahawa :)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento