Miyerkules, Mayo 2, 2012

Bakit ako tragic writer?

Bakit ka tragic writer? Broken? -anon


'pag tragic mga sinusulat, broken agad? Well, hindi ko naman sinasadya talaga palungkutin 'yung mga gawa ko. Hindi katulad ng pinaniniwalaan ng halos lahat ng nakabasa na ng ilan sa mga 'yon. Sadyang spontaneous na tinatae ng utak ko 'yung mga salitang 'yon, 'yung konsepto, 'yung kwento. 'pag nakarinig ako ng kanta, 'pag nakabasa ng bitter na pick up line, 'pag me naalala. Tapos tuluy-tuloy na 'yon hanggang sa isumpa na ko ng mambabasa.


Photo: Google.com




Me nakapagsabi sa'kin dati na hindi ako pwedeng maging scriptwriter. Ironic. Ako kadalasan gumagawa ng script sa plays namin. Tanong niyo kung bakit hindi daw pwede? Hindi daw kasi papanoodin ng tao. Lulong kasi kayo sa happy endings at ayoko nun. Kinikilig kayo sa larger-than-life characters, prince charming at fairy tales na kahit kailan hindi ko nagustuhan. Pa'no nga papanoodin ng mga Pilipino 'yung gawa ko? E masayang masaya ko 'pag namamatay 'yung bida o di kaya, di sila nagkakatuluyan. Open ended. Basta hindi sila masaya. 


Hindi ko din alam. Hindi naman ako nagpipilit magpalungkot. Hindi ko din gustong nararamdaman 'yon pero t'wing nakakabasa kasi ko ng fairy tales. Naaasar lang ako. Ito 'yung pinakapaasa sa lahat ng paasa. Pwede ba namang magkatuluyan ang pulubi at prinsesa? Come on! Baka nga kahit isang beses hindi sila magkadaupang palad e. Sinong prinsesa ang papayagan gumala sa labas ng kaharian nila at makipaglaro sa batang lansangan? Sa fairy tale, posible 'to. Sa kwento ko, malabo.


Minsan din akong umasa sa fairy tales... spell PAASA. Karaniwan kasi, 'pag kinasal na, they'll live happily ever after. E hindi ito 'yung nakalakihan ko. Hindi ko sila nakitang masaya nung mga panahong binubuo ko pa lang 'yung pagkatao ko. Hindi katulad sa fairy tale, hindi bumabanat ng makesong linya 'yung prince charming na kilala ko. At hindi naka-long gown maghapon at nakangiti ng matamis 'yung prinsesa ko. Hindi katulad sa fairy tale, walang celebration sa kaharian. Maingay. Magulo. Maya-maya, may iyakan pa. Hardkor. Simula non, tinapon ko na lahat ng fairy tale books na meron ako. Bata pa lang ako pero alam kong ginogoyo lang ako nung mga 'yon. Pinapaasa.


Lumaki kong walang tiwala sa fairy tales, walang pinapangarap na happy ending, walang inaasam na prince charming. Nung dumating siya... Akala ko nagkatotoo 'yung price charming. Muntik pa nga ako maging fan ni Taylor Swift dahil dun sa kanta niyang Love Story. Hanggang sa inilahad na 'yung kwento ko. Walang happy ending. Naalala ko ulit, paasa nga lang pala 'yung fairy tales. Bakit ako naniwala na may buhay na Ken si Barbie? At asa naman akong ako si Barbie.


Bukod sa mga anekdotang 'to, hindi ko din ma-imagine ang sarili ko na nagsusulat ng makekesong linya tulad nila Camilla, Sonia Francesca, Wilhelmina at kung sinu-sino pang pocketbook writers na kinababaliwan ng kapatid ko. Ayoko din neto. Kunwari pang lalagyan ng twist 'yung istorya, sa dulo, magkakatuluyan din naman sila. Parang tanga lang. Pinaikot pa.


Isa pa, masaya makarinig ng mura mula kay Gab dahil hindi siya makamove on sa ex niya at lalo pa siyang nahirapan dahil binasa niya 'yung sinulat ko. Masaya din makakuha ng kaaway dahil pinatay mo 'yung character na pinangalan mo sa kanya at higit sa lahat, mas masaya malaman na me napaiyak ka na naman dahil sa pakla ng artikulo mo. Mas madali kasi sakin magsulat ng masakit, ng mapakla.


Hindi naman sa ayoko talaga ng masayang katapusan. Sino bang me ayaw non? Sino bang nagdasal na sana po hindi kami magkatuluyan ng mahal ko? Me saltik lang gagawa nito. 'yun nga lang, napakahirap isulat nung mga bagay na hindi mo pa nararanasan. Mahirap magsulat ng happy ending ng love story kung ang alam mo lang masaktan. Mahirap i-describe na parang perpekto ang Prince Charming kung bitter ka dahil hindi ka niya nagawang ipaglaban. Mahirap gumawa ng fairy tale. Mahirap mag-isip ng happy ending. Mahirap mag-imbento ng happy ever after. Kung ikaw mismo, wala.


Siguro sasaya din naman 'yung mga gawa ko. Subukan niyong ipilit na maging kami ni ANO. haha. Baka mag-qualify akong maging writer ng Precious Hearts Romances. Pero mga 'tol, hindi pa kami at kung maging kami man, wala namang kasiguraduhang hanggang sa dulo 'yon. Kaya pagtiyagaan niyo muna 'yung malulungkot kong artikulo. Kung ayaw niyo, wag niyo na lang tambayan 'yung blog ko. Kasi puro mapakla 'yung tinataeng ideya ng utak ko.


Sabi nga sa kanta ng Maroon 5: "If happy ever after did exist, I wish to be holding you like this. All those fairy tales are full of shit. One more fucking love song, I'll be sick." BTW, LSS ko 'to ngayon. Pinost ko na din para hindi ka mahirapang maghanap. At sana, dapuan ka din ng pait ng kantang 'yan :D







Walang komento:

Mag-post ng isang Komento