Lunes, Abril 30, 2012

Si Alfred...

(Gusto ko talagang magsulat ng something worth reading at something na me connection sa lipunan ngayong gabi kaso mas malakas 'yung kagustuhan kong, uhmmm.. mang-inis. kaya eto ang kwentong napulot ko sa isang kanto ng random kong utak. nawa'y umilag ang dapat tamaan. :D)

(Somebody that I used to Know by Gotye feat. Kimbra)

Nakakatawa. Isa-isa na silang kinakasal. Isa-isa na silang nawawala. Habang ako andito. Naiisip kung hindi ka nawala, posible kayang ako 'yung binabati nila ng Best Wishes ngayon?

Imposible. Hindi kasi ikaw 'yung babaeng pag-i-emo-han ko. Hindi ikaw 'yung babaeng ihaharap ko sa altar. Hindi ikaw 'yon.

Nakakatawa lang isipin 'yung mga sandaling kasama pa kita. Nung nanonood tayo ng sine na tigsa-sampung piso. Ilang taon na din 'yon. Beinte cinco na nga daw 'yun ngayon. Medyo tumatanda na nga siguro ko. Pero pag naaalala ko, parang isang dipa lang 'yung layo sa'kin. Hindi ko alam kung mabilis lang ba talaga 'yung panahon o hindi ko lang maamin na hanggang ngayon, hawak pa din ako ng mga oras na 'yon. Hindi ko alam. Ayokong alamin. Baka 'yung sagot, hindi ko gusto.

Sabi ko nga, ilang taon na din naman. May mga sumunod naman sa'yo. Walang rason para mag-ampalaya. Pero hindi ko maintindihan kung bakit kelangang bumalik sa sistema ko 'yung sinehan, 'yung tawanan, 'yung usapan natin sa pagitan ng boring na parte nung lumang pelikula. Hindi nakakatuwa.

Ginugulpi ko ngayon sarili ko sa trabaho. Malayo sa'yo, malayo sa mga pelikulang bumaha sa harap ng mata ko nung mga panahong tayo.Pero imposible. Hindi ikaw 'yung babaeng pag-i-emo-han ko e. At kung bumati man sila ng Best Wishes balang araw, hinid ikaw 'yung babaeng kasama ko sa pagharap sa altar. Hindi ikaw 'yon. Hindi din kasama 'yung mga pelikulang pilit ko ng ibinaon kasabay ng kahapon.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento