Huwebes, Mayo 31, 2012

(Photo: Chamille Sta. Ana)

Had a fight with my brother which left me with this wound.

Realize that as your lips bleed, my fist hurts too. As I punch/slap you, my hand aches too. Maybe not as much, maybe not that worst. But know that it kicks back to me double as I watch you cry as I hurt you. However, I would gladly want to break my fist off and see you bleed if that's the only way I can change you for the better.

Miyerkules, Mayo 30, 2012

Nabadtrip ako. Sorry.

http://www.interaksyon.com/article/33380/sign-a-waiver-tupas-says-he-wont-dignify-challenge-of-pa-pogi-critics

Honest ka kahapon tas ngayon, pa-pogi na lang sila?

Base sa pagkakatanda ko, um-oo ka sa media nung tinatanong nila kung pipirma ka sa waiver dahil genuine ka. o nasan na 'yun ngayon?! utang na loob, Tupaz. ulol na ulol na taongbayan sa mga kagaguhan niyo. wag mo ng dagdagan 'yung dungis image na nagdo-dominate sa kongreso. ilabas mo yaman mo. di ba, honesty ang dahilan kung bakit impeached na si Corona. me tinago kasi siya. e bakit ngayon, mukhang dinadaga ka na? hehehehe :D malinis ka, di ba? asan na?

soon, ikaw naman magpapawheelchair. hahaha :D at tuloy ang drama, bansang Pilipinas!

basta, Marcos for President!

Martes, Mayo 29, 2012

DESTINY is something people invented because they can't accept the fact that their biggest regrets came from CHANCES they didn't take because they were afraid.

Pambawi


(Four Seasons of Loneliness by Boys II Men)

at dahil nabawasan ng 5 years ang buhay ko dahil sa impeachment, kelangan kong magrelax at ibalik 'yung limang taon na 'yon. so here's a song. alam kong hardkor 'yung huli kong entry kaya babawi ako. pero wag kang asa. alam mong ang alam ko lang ay wasak na kanta. wala. namiss ko lang bigla :D at susundan pa 'to ng iba pang kanta nila. kaya feeling ko bukas, balik emo na naman 'yung entries ko :)) </3

Convicted si Corona

Papayag lang akong i-convict si Corona dahil sa Article II, kung lahat ng senador at kongresista na may kalokohang tinatago sa SALN nila, magreresign. Fairness hanap niyo, di ba? Then let's be fair.

"Genuine naman tayo." sabi ni Cong. Tupaz. Inuulol mo ba ko? Naka-declare ba sa SALN mo 'yung mansion worth millions na pinapagawa mo? Uhmm.. well, iba naman nga ang meaning ng genuine sa transparent. Sige, pagbigyan natin si Tupaz. Malinis siya, sa sobrang linis, gusto kong makipunas. Hiyang hiya ako e.

At 'yun na nga. The decision was 20 over 3 senators voted for Chief Justice Renato C. Corona to be convicted for the effin reason na pumeste sa tenga ko kanina. Dahil nga sa incomplete disclosure ng SALN niya na pinaulit ulit naman ni Sen. Miriam Defensor-Santiago na hindi dahilan para maimpeach siya sa galit niyang speech.

"Why would the defendant leave his calling card at the scene of the crime if he does not want to be caught?" - Santiago

Tama naman. Kahit ako, kung balak kong itago na may dollar account/s ako, bakit ko ipapangalan sa sarili ko 'yung account? Pwede namang mag-ala Jose Pidal na lang akong drama di ba? In this case, tanga pala si Corona. Hindi niya naisip 'yon, man!

Well, I don't wanna argue about the conviction anymore. Wala din namang magagawa 'yung punto ko kasi nga convicted na. At sabi nga ni Sen. Lacson, it is final and irreversible. Sabi ng narinig ko kung kanino man, ordinary people would convict the Chief Justice and no matter how I hate to conclude this, it seems  that we have senators with ordinary people's kind of thinking. Shame!

So I would like to dig in to where it all began. Naisampa ang impeachment complaint kay Corona in just one night. Ang galing di ba? Pero 'yung RH Bill, Information Bill at kung anu ano pang dapat inuuna nilang desisyunan, kinamote na sa kongreso. Wala e. Hindi naman kukunin 'yung pork barrel nila kahit di mapasa 'yon so unahin natin ang makakapagpadagdag sa ating kaban mga pare.

Ang lakas pa maka-coincidence ng drama na after i-approve ni Corona 'yung dissemination ng Hacienda Luisita saka biglang gusto na iimpeach ng kongreso si Corona. Coincidence o pinilit maging coincidence? Ewan. But I strongly believe the reason behind the Chief Justice's impeachment is just politically motivated. Sinasabi ko bang ang presidente NIYO ang nasa likod nito? Woah! Mabigat masyadong accusation 'yan pero hindi na ko magugulat kung ganun nga. Sa sobrang childish ng presidente niyo, hindi malabo.

Ayoko talagang ma-convict si Corona. Kasi natatakot ako sa panot administration. Mahusay niyang binigyan ng cut ang budget ng education at judiciary nung national budget appropriation para ilagay sa militar. Mahusay. Sinong aso ang kakagat sa nagpapakain sa kanya? Pero, hindi naman aso ang mga sundalo. Positib tayo. Though kongreso ang gumagawa nitong budget appropriations na 'to, do you think ganun kahina si P-Noy para hindi 'to magawan ng paraan? Dude, hindi siya Ateneo graduate for nothing. Kahit pa tinalo pa siya ni Lapid sa dami ng bills nung senador pa sila. Hindi pa din maikakailang anak siya ni Ninoy at sige, ni Cory.

Ang mas nakakatakot pa... what after? Pa'no na pagkatapos ng impeachment? Maga-assign si P-Noy ng Chief Justice niya at katulad ni Corona kay Gloria, magiging tuta at tagapagtanggol niya kung sakali mang mawala na siya sa pwesto at habulin din siya ng papalit sa kanya. And the cycle goes on and on.. Impeachment ulit ang peg natin tapos assign ng bago tapos paulit-ulit lang. Ang masama nito, pa'no kung hindi ulit trip ng moody niyong presidente 'yung susunod na Chief Justice? Impeachment ulit? Anong palagay mo sa Supreme Court, bahay ni Kuya?!

It's just damn saddening to know na wala ng ibang pinapairal sa lipunan lalo na gobyerno natin kundi pulitika. Sabi nga ni Santiago kanina, why do we call this proceeding quasi-judicial if puro political lang ang interpretation ng batas? Which I think is tama lang sa nangyayari sa senado kanina. I think and I strongly believe that this impeachment is just about politics. Ang pangit man pakinggan dahil lahat sila na nasa posisyon e nakapag-aral naman. Pero nagpapakain sila ng buong buo sa politika. Ang lakas makabadtrip, di ba?

Ang hirap pa isipin na dahil quasi-political nga din 'tong proceeding na 'to, pwedeng 'yung ibang senator judges ay bumoto lang ayon sa kung saan sila makakakuha ng mas maraming boto sa darating na eleksyon. Isang malaking TSK! Nakipulso lang sa tao, nakiayon sa agos para me sure na pwesto. Kagaguhan di ba?

So hindi nga ako payag na i-convict si Corona ng dahil sa omission ng kahit magkano pa sa SALN niya. 'coz this could mean an imbalance in our government. Conspiracy and Connivance among these three equal branches of the gov't could now be possible. Still, I would want to believe this would not happen. Na sana hindi pa naman naiisip ni panot na magdeclare ng Martial Law sooner or later. But an indirect dictatorial is just the same as an announced one.

But I won't be heard. And my insights might be too shallow for some or might be wrong. Still, I would stick to what I believe in. Let Corona suffer the consequences of the incomplete disclosure of his assets, let him not enjoy the benefits of the years he spent in service for the country for he was convicted. But let people know what they should know. Corona does not stand accused of having amassed illegal wealth just like what the Presiding officer of the impeachment court said. So, wag mo siyang husgahan. Hindi ka niya ninakawan. Ang kamalian niya lang, hindi niya kinumpleto sa SALN lahat ng kayamanan niya.

Pero may iniwan siyang hamon. Hamon para sa lahat ng malilinis na senador at kongresista. At sinummarize  'to ni Sen. Escudero sa opening line niya.

"Do not judge others, for the measure that you used to judge will be used against you."

Aantayin kong ilabas ang 252 Statement of Assets, Liabilities and Net worth ng 23 senators at 229 na kongresista sa publiko at sa media. Isama na din 'yung kay VP Binay at 'yung sa presidente niyo at ng gabinete niya at iimpeach lahat ng dapat iimpeach. Lahat ng hindi kumpleto ang SALN para fair. Sibakin sa pwesto lahat ng dapat sibakin. Tutal fairness ang habol niyo di ba? Sabi nga ni Sen. Angara: "In order to supress any questionable accumulation of wealth, we maintain a standard of honesty." Honesty? Ilang beses niyo yang isinampal kay Corona sa 44 days ng paglilitis sa kanya. Edi pagbigyan. Show us some honesty elected people. Kaso me matira kaya sa inyo pag ginawa 'to?

Bago ko matapos, gusto kong i-quote si Sen. Arroyo.

"Impeachment is a political proocess, not a political assassination."


Kayo ng bahalang humusga kung anong nangyari sa senado at sa kongreso.

Dapat 'yung susunod na Chief Justice, perfect! "yung walang kahit gatuldok na bahid dungis. Tipong conceived without original sin ang drama. Nakakahiya kasi sa mga senador at kongresista, ang lilinis nila.











Magpagaling ka na lang dude :)



Lunes, Mayo 28, 2012

Pekeng Tao

hindi ko alam kung bakit ko isinusulat/isusulat 'to. basta alam ko, wala kang pakealam kung ayaw ko mang maging teacher kasi buhay ko 'to. Katulad ng wala akong pake kung gumunaw na nga sa December 21 ang mundo. kasi wala din akong pake sa'yo.

totoo naman kasi. punung-puno ng mga pekeng tao ang mundo. mga pekeng nilalang na umaarteng nagpapakatotoo. teka nga, in the first place, ano bang meaning ng "totoo"? pa'no mo ide-define 'to? para 'yang tubig e. walang shape. nakiki-korte lang sa container kung san siya nilagay. meaning to say, hindi absolute.

katulad mo, isa din akong pekeng tao. madaming pangarap, madaming gusto. madaming frustrations. gusto ko maging kasintalino ni Ms. Pat Evangelista, maging kasing-astig ni Lourd De Veyra. gusto ko din makapagsulat ng libro't bumenta katulad ni Bob Ong, gusto kong maging kasinlupit magdrawing ni RH Quilantang. usapang pisikal, wala akong gusto. isa pa, hindi 'to kasama sa mga pamantayan ko ng pagiging tao. sapat na saking me utak. pag wala 'yon, pakamatay ka na. wala kang silbi sa bansa. oh well, depende pa din pala. nagagamit naman sa ibang trabaho ang katawan at mukha :D

katulad ko, madami ka ding gusto bilang pekeng tao. siguro, pinangarap mong maging rockstar o tumugtog sa sarili mong banda, siguro pinangarap mong maging doktor, guro, inhinyero, seaman, abogado o kaya, maging artista. eto kasi 'yung pinapakian sa'yo ng environment. pulos polusyon. parang sapat na, masaya na, kapag may stable kang trabaho/s at humihiga sa pera. well, kung pagiging praktikal lang naman ang pagbabasihan, tama 'to. kung kukuha ka ng course, 'yung shoot sa banga at may malaking sweldo. uhmmm... hindi ko 'to inisip nung papasok pa lang akong kolehiyo. naniniwala kasi kong boring ang buhay kapag hindi mo gustong ginagawa mo at hindi mabibili ng sweldo ang sayang hanap mo.

kaya kahit ayaw pa ng kung sino, nagJournalism ako. hindi naman dahil lang sa may talent "daw" ako sa pagsusulat sabi ng iba. sabihin na lang nating eto 'yung mundong gusto kong pasukin. kanya-kanyang pekeng mundo lang naman 'yan e. ako, pinili ko 'to. kasi magulo, malawak. tipong araw-araw, may bago sa buhay ko. pinaka-ayoko kasing feeling 'yung naka-stuck ako sa isang four-cornered na kwarto. nakakahon. nakakasakal. so, kahit ano pang kawalang-tiwalang narinig ko sa paligid ko, sinunod ko 'yung matigas kong ulo. anu't anuman, magkamali man ako, wala akong ibang sisihin kundi sarili ko, katangahan ko.

mahirap hanapin 'yung tunay na makakapagpasaya sa'yo sa mundong 'to. peke nga kasi. walang permanente. lahat nagbabago. kaya kung sakaling mahanap mo 'yung nag-iisang nakapagparamdam sa'yo na minsan naging totoo kang tao, hawakan mo. kasi pag nakawala 'yan, malabo na 'yang bumalik pa sa'yo at mabubuhay ka na lang sa prinsipyong lahat ng nangyayari sa'yo "pwede na". man, kagaguhan 'to. isang epic example ng pagiging pekeng tao.

isa pa, magheadset ka pag nagsisimula na silang magdikta sa'yo. dude, hindi ka robot. hindi ka makina. kaya ka me utak, para mag-isip ka. kung lahat iaasa mo sa sasabihin ng iba, para san pang nag-aral ka? sabi ko nga, kanya kanyang mundo, kanya-kanyang buhay. 'yang buhay mo, nakatitulo sa'yo. pwede mong ayusin, pwede mong sirain. depende sa trip mo. basta tandaan mo, sa'yo 'yang buhay mo. wag kang makinig sa iba. magaling lang sila kasi hindi nila nararanasan 'yung nararanasan mo. mahusay lang sila dahil magkaiba kayo ng sitwasyon. pero try niyo magpalit, kapareho mo lang din 'yung mga yon.

tutal nasa pekeng mundo nga tayo, piliin mo na 'yung pekeng mundong makakapagpasaya sa'yo, samahan mo 'yung mga taong nagiging totoo kapag pumasok sa mundo mo, gawin mo 'yung mga bagay na gusto mo. dahil buhay mo 'yan. itodo mo 'yung headset mo sa sinasabi ng iba. mag-poker face ka na lang pag sinesermunan ka nila. habang inaabot mo ng tahimik 'yung gusto mong isinusuka/binabasura nila. magpaka-peke ka.

tandaan mo, panandalian lang ang ligayang dulot ng mga glamorosong damit/porma, saglit lang din ang kilig na hatid ng unang hawak sa I-Phone, BB, Galaxy o Xperia. ilang buwan lang, mawawala din 'yan lahat sa uso at kakainin ka na naman ng diskontento sa katawan mo. wala ding saysay ang mala-palasyong bahay, mala-haring buhay at dollar accounts kung inuusig ka naman sa senado. ah peste, ba't nasama 'to? sa huli, it'll all boil down to what makes you happy and what makes your life worth living.

after all... mabigo ka man, madami pa namang ibang pekeng mundo na pwedeng subukan. at kung magtagumpay ka, mas masarap sumaludo gamit ang pamakyu mong finger sa harap ng mga pekeng taong walang alam kundi manghusga.

lipad lang!



Yuhoooooo! Success! Hindi 'to emong entry!!! :DD

Linggo, Mayo 27, 2012

Pengeng Kausaaaaap!

Dear Folks,

Lalong tumatagal, lalo koong napapatunayang walang kwenta 'tong blog ko. haha :D kahit ako napapagod sa mga entries ko. Emo ang peg? tsss. Sorry don. Sabi ko nga, hindi ako fan ng fairy tale stories at wala naman akong maisip i-blog na matino. Alangan namang nag-eexpect kayo ng balita dito di ba? Di sana sa inquirer.net kayo nagpunta. haha :D Wala lang. Ala una na kasi. Wala na kong trip i-chat. At wala na kong makausap. Kaya eto, kinakausap ko sarili ko at naisip ko na ding kausapin kayo. Kahit alam ko namang di kayo sasagot. Me makausap lang. Tinatamad na kasi kong basahin 'yung blog ni Pat Evangelista. Ilang ulit ko na kasi 'yong nabasa, hindi pa din nawawala 'yung galing niya. Anlupit lang. Pinapatay na din kasi ko ng inggit sa pagtitig sa artworks ni Kuya RH. At gumuguho na 'yung katinuan ko dahil sa mga kanta ng Join the Club. Ewan. Bigla kong hinanap 'yung mga kanta nila sa laptop ko at ni-repeat mode. Ang saklap. Hindi ko din trip 'yung mga nagtetext sakin. Kaya deadma mode ako sa cellphone ko at sa chatbox. Keber sa makukulit nilang sounds. Ah. Nararamdaman mo ba? Walang patutunguhan 'tong entry na 'to. Gusto ko lang talaga ng kausaaaaaaap! Ayoko ng matino. Haha :D o siguro, mas okey pang itulog ko na lang 'to. Weeeeeell, as in balon. Korni. Matutulog na ko. BTW, salamat pala sa patuloy na pagbabasa ng mga entries ko kahit nakakasama lang sila ng loob pagkatapos. Wiiiiih! Sige, sige. Pipilitin kong magsulat ng kapaki-pakinabang sa lipunan. Ubusan ng utak mode :D osya. Matutulog na nga ako e. Tsss. Ba-bye-yoooooo!

Paulit ulit na Nobela

(Nobela by Join the Club)

kalimutan mo na ko...
kalimutan mo na ko...
kalimutan mo na ko...

peste. sana tang ina mo na lang 'yung narinig ko galing sa'yo. mas okey pa sigurong 'yun 'yung nagpapaulit ulit ngayon sa utak ko. 

habang naglalakad. palayo. habang paulit-ulit 'yung sinabi mo. habang sinasabayan pa ng kantang 'to. habang umaambon. habang hindi ko alam kung anong ganap ng gloomy na panahon. ayos. parang nag-usap usap kayong lahat para ibaon ako sa lungkot ngayon. well, kung ganun nga, happy? mga dre, baon na baon!

hindi ko na nga alam kung san ako papunta. hindi ko na pansin 'yung mga kasama ko. wala na kong marinig. wala na kong makita... hanggang me truck na bumusina. wag ka masyadong magsaya. sa sobrang lakas non, hindi ako bingi para hindi marinig at umiwas kaya eto pa din ako, alive. pero sana naka-headset ako ng mga oras na 'yon. mas gusto ko 'yung biglaang sakit. parang knockout game sa basketball. isang hirap lang, isang iyakan. hindi katulad nitong pinaparamdam mo sakin ngayon, unti unti. masakit 'to kasi pinaabot mo pang game 7. kung kelan binigay ko na lahat ng kaya kong ibigay. kung kelan mahirap ng bumitaw, kung kelan pakiramdam ko abot ko na 'yung kampeonato. saka ka naglaro. saka mo pinatunayang, anumang mangyari, ikaw pa rin ang ace player ng laro.

shoot! me foul pa nga e. kaso imbes na ikaw 'yung nasaktan, ako. akala ko kasi kaya ko ng palpalin 'yung opensa mo. akala ko. hindi pa din pala. sabagay.

kakalimutan na kita.
kakalimutan na kita...
kakalimutan na kita?

ayos ah. para ka lang nagsend ng friend request sa FB. anong akala mo, ganun kadali 'to i-confirm? tipong isang click, tapos? dude, you're forgetting something. katabi lang ng Confirm tab 'yung not now. Atleast, hindi never 'yung nakalagay don. me karampot na pag-asang magkaron ng confirmation 'tong request mo. soon. 'pag nag-open ulit ako.

lakad lang ng lakad. habang paulit ulit 'to sa isip ko. pano? oo nga. pano? baka naman may "how to forget you" tips ka diyan? balato mo na sakin. tutal, request mo naman 'to. para ka lang nagpost ng link sa timeline ko. malay natin, effective?

madali naman akshuli mag-unfriend, pwede ding mag-block user. kaso, hindi katulad sa Facebook, hindi isang click lang 'yung pagmu-move on. at hindi ka boss para within a snap, sundin ko 'yung sinabi mo. mahirap kaya 'to. mahirap lalo kapag paulit ulit nagpa-flashback sa utak ko lahat ng sinabi mong pangako. habang tuwing titingnan ko 'yung kalendaryo, sa isang petsa lang ako napapahinto. akala ko ilang ganun 'yung bibilangin natin non. akala ko.

mahirap lalo habang paulit ulit 'tong kantang 'to, habang bawat linya nito binabalik ako papunta sa mga alaala mo. mahirap kasi akala ko lumalakad ako palayo pero hindi ko napapansin, unti unti na pala kong lumiliko. saan pa? pabalik. pabalik kung san mo sinabing kalimutan na kita.

kalimutan mo na ko...
kalimutan mo na ko...
kalimutan mo na ko...

wag kang excited. magagawa ko din 'to. siguro, sa susunod na araw. sa susunod na linggo. pero pwede, wag ngayon? gusto ko pang alalahanin lahat. gusto ko pang paasahin 'yung sarili kong hindi pa tapos. joke lang lahat ng sinabi mo, na pagkatapos nating maglakad, may sorpresa ka sa dulo. ngayon na lang naman e. huli na 'to. 

malapit na kong mapuno sa paulit ulit na "kalimutan mo na ko". narinig ko naman e. malinaw. malinaw na malinaw. bakit kelangang paulit ulitin? bakit kelangan naka-repeat mode? hindi pwedeng isang beses lang? isang sakit lang? isang iyak lang? sana isang bagsakan na lang. knockout kung knockout.

hanggang sa nasa dulo na tayo. wala 'yung sorpresang pilit inasahan ko. na sayo ang kampeonato. nanatili ka sa pagiging MVP mo. umalis ka. walang salita. naiwan ako habang paulit ulit pa din sa utak ko 'yung "kalimutan mo na ko", habang sinasabayan ng gloomy na panahon, habang papalakas pa 'yung ambon, habang paulit ulit ulit 'yung kantang 'to sa isip ko na parang nag-usap usap kayo na ibaon ako sa lungkot ngayon. well, y'all should be happy. hindi niyo lang ako binaon, sinigurado niyo pang wasak ako at mahihirapang umahon.

[[ Music Fading ]]

...at aalis, magbabalik, at uuliting sabihin na mahalin ka't sambitin kahit muling masaktan...

[[ Lights Off ]]

Sabado, Mayo 26, 2012

Letra at Tono



gusto kong gumawa ng kanta. tipong mapait lahat ng linya. gusto ko pag narinig mo, masaktan ka. maalala mong minsan, may nagmahal sa'yo ng sobra. sobra sobra sa kaya mong tanggapin. sobra sobra sa kailangan mo. sobra sobra sa karapatdapat makuha mo.

gusto kong gumawa ng kanta. pwedeng mabagal, 'yung halos wasakin ka na habang unti unti kong binibigkas lahat ng salita. unti unti kong ipapaalala sa'yo lahat. lahat ng kinalimutan mo na. unti unti kitang sasaktan hanggang sa maalala mo ulit. pwede ring mabilis, 'yung bawat bayo sa drums mararamdaman mo 'yung galit. 'yung tipong bawat hiyaw ng bokalista, me kasamang sakit. mabilis. isang bagsakan. pero pagkatapos, siguradong wasak ka. 'yung tipong pagkatapos, hindi ka na mabubuo pa.

gusto kong gumawa ng kanta. hindi ko alam kung saan magsisimula. hindi ko alam kung anong tamang salita. gusto ko lang sa bawat letra, unti unting mapinta sa isip mo ang nasasaktan kong mukha. gusto kong maalala mo. alalahanin mo.


gusto kong gumawa ng kanta. nasa isip ko na. pero hindi kasing sakit ng gusto kong iparating 'yung kahulugan nung kantang naglalaro sa utak ko. iba 'yung sinusulat ng kamay ko. iba 'yung nagiging tipa ng kamay ko sa piano.

gusto kong gumawa ng kanta. 'yung kantang pag narinig mo, masasaktan ka. pero bawat salitang sinusulat ko ngayon, masaya. iba sa naiisip kong mapait na mga letra. iba sa iniisip kong masasakit na salita.

gusto kong gumawa ng kanta. 'yung pag narinig ng iba, maiisip nila kung gaano ka kasama. pero kahit ano pang galit ko, mas matimbang pa din 'yung sayang iniwan mo. kaya mangingibaw ang saya sa melodiyang binubuo ko. mangingibabaw pa rin sa bawat linya na minsan, dumating ka. binigyang kulay ang mundo ko. binigyang titik ang kantang dati'y isa lang malungkot na himno.

Huwebes, Mayo 24, 2012

Isang Bukas na Liham Para sa Utak ko

Dear Utak,


Nagpapalit ka na naman ng toyo. Man, gumagana ka na ng 5am to 8am. Hindi 'yon normal. Well, gumagana ka naman kahit anong oras. What I mean is... uhmmm.. 'yung lupit nung function mo pag ganitong oras kakaiba. 


Dati, endless ang ideas ko around 12 midnight until 3 in the morning. Kayaaaaa! Kelangan kong gumising sa kasarapan ng tulog ko (kung sakali mang nakakatulog ako.) para lang makapagsulat o makagawa ng article na ipapasa ko sa prof ko kinabukasan/mamaya. Wala e. Dun ka da best. Pag pinilit kitang paganahin ng 7pm-12mn, mag-uubos lang ako ng papel o di kaya, mag-aaksaya ng kuryente kasi tatangahan ko lang 'yun panigurado. Idagdag mo pang anlakas makaakit ng Facebook ng ganitong mga oras. Kaya 'yun nga. Tulog ako from 9pm-12mn tapos dilat ako kung kelan tulog ang kalahati ng mundo.


Kaya nga lang, isang malaking problema 'to. Tumatae ka ng never ending ideas 'pag nasa mood ka, at ang 5-8am ay, uhmmm. oras ng byahe ko pag may pasok. Anak ng pitumpu't pitong puting tupa! Mukang mapipilitan akong magsulat habang nasa jeep neto. Haaaaay... masakit sa ulo 'yon. Putek.


Kelan ka kaya gagana ng sakto sa oras ng pag-aaral ko? Tipong 9am to 6pm? Masyado kang pa-chix e. Ang imposible mo. Daig mo pa nag-iinarteng babae. Pero okay lang din. Gumana ka lang kung kelan mo gusto. Ang mahalaga, gumagana ka pa.


Pero sana, next time, ayusin mo 'yang mood swing mo. Hindi 'yung tipong nasa gitna ako ng pool o kaya nagshashampoo ako, saka ka aatake. Timing, dude. Wag din habang me kausap ako kasi medyo nakakabastos 'yon t'wing napipilitan akong sabihing "saglit lang. magsusulat ako." Ayt! Basta, tamang timing, kay?


At sana mapagod ka naman kakaisip sa kanya. Try mo. Feeling ko naman, okay din minsan :D


Love,
Chare

Stalker Mode


Siya ang bagong biktima ng aking stalking habit.

Nakakainis 'yung kamay niya. Gumagawa siya ng komiks. Akshuly, kilala ko siya. Nakita ng personal once. Nung swimming nila mommy. Pero matagal ko na siyang kilala. Meron akong kopya nung komiks niya. Ang astig lang. Ang astig niya magsulat. Ang astig niya magdrawing. Nakakabanas. Naeengganyo ko magdrawing ulit.


isa 'to sa mga komiks niya.


at eto pa.

(Manila Man)
iniintay ko akshuly 'yung buong kopya neto mula sa Mama niya. haha :D libre e. ayokong pumuntang Komikon kasi... makikita ko siya. Hindi ko alam, natotorpe ako sa kamay ng taong 'to. Ang galeeeeeeeeeng!

Gusto kong mabasa lahat ng gawa niya. Kasi natutuwa talaga ko sa galing niya. Ang lupet ng kamay! Sana kasing galing ng kamay niya 'yung kamay ko. Well, naniniwala akong walang nadadaan sa aral AT tamang INSPIRASYON! hahaha :D

Ninakaw ko lahat ng pictures na 'to sa Facebook niya. Bilang naka-public naman at stalker nga ako :) Hindi ko talaga siya ma-add e. tsss. pero pag-iipunan ko 'to ng lakas ng loob. SOMEDAY, magiging friends din tayo. atleast, sa FB. :P

Nililinaw ko. Ito'y paghangang walang halong iba pang motibo. Walang halay o pagnanasa. Tamang paghanga lang talaga. Gusto ko talagang putulin 'yung kamay niya at ipalit sa kamay ko. Pero bad 'yun kaya stalk stalk na lang at pasimpleng practice magdrawing. Malay natin, somedaaaaay :D

Ayokong mademanda ng kung ano kaya kelangan kong i-cite, all pictures came from RH Quilantang's Facebook account. Hindi ko inaangkin ang malulupit niyang artworks. Makakagawa din ako ng ganyan mamaya :D

Kayo ba?

              (Migraine by Moonstar88)


Madalas mong kasama.
Madalas mong kausap.
Me minsang halik, me minsang yakap.
Madalas mong tingnan sa mata,
madalas mong hawak ang kamay.
Tinatawagan gabi-gabi,
Tinetext, iniintay.
Mahal mo na, halata.
Sabi niya din naman, mahal ka niya.
Pagkatapos ng ilang linggo, buwan...
Manlalamig, mawawala.
Babagsak sa isang tanong,
nung una, hindi ka makapaniwala.
Masakit man tanggapin...
na kahit ang tanging kulang ay petsa.
'yung masakit na tanong
Sagutin mo muna,
P're, kayo ba?
Kung kayo, kelan pa?


trolololooooool. dramang M.U. :P

Minsan

Minsan, ginusto nating maging malaya.
Minsan, kinalimutan natin ang lahat.
Saglit. Mabilis. May pagmamadali.
Pero minsan, hinahanap ko muli.
Bawat galaw, bawat sayaw,
sa tugtog na hindi ko dinig.
Bawat dampi at pagdikit,
sa saliw ng musikang ramdam.
Minsan, ginusto kong maging malaya.
Pinakawalan lahat ng nadarama.
Minsan, nilimot ko ang lahat.
Minsan, ng kapiling ka.
Minsan pa, niyakap ang gabi na mag-isa.
Minsan, may tayong dalawa.
Ngayon, natatakot ako.
Sa pwedeng mangyari, sa pwedeng dumating.
Nang dahil sa minsang pagtakas natin.
Minsan pa, kinalimutan ang lahat.
Minsan pa, tinakbuhan ang lahat.
Sa minsang pag-abot natin sa langit...
Na parang patak ng ulan.
Minsan lang dumating...
upang dampian ng halik ang lupa.
upang magpaalala na minsan,
May tayong dalawa.

                                                                                        (You and I Tonight by Faber Drive) 

Bigla 'tong pumasok sa isip ko nung biglang umulan. haha :D ang abnormal. pero guys, hindi talaga ko broken hearted. hindi lang talaga ko fan ng masasayang akda. haha :D Sabi nga nung isang kaibigan ko, isinilang ako't binigyan ng talent para magpalungkot ng tao. sorry naman :) Btw, will be gone for days. mga dalawa-tatlong araw lang naman. May aasikasuhin akong importante kuno :P

Hintay


Sabi ko hanggang alas-nuebe lang...
Hanggang alas dyis na.
'yung alas dyis, naging alas onse pa. 
maya maya, alas dose na.
Hanggang mag-ala una.
Alas dos, alas tres...
Hanggang masakit na 'yung mata ko.
Masakit na 'yung ulo ko.
Dinadalaw na ko ng antok.
Alas kwatro na.
Hinihintay pa din kita.
Kahit abutin siguro ng alas singko pa,
O kahit salubungin pa ko ng umaga.
Hihintayin kita.
Hanggang sabihin kong bukas na lang ulit,
o kaya mamaya.
Hinintay kita at hihintayin pa.

Sa Panaginip ko...


Sa panaginip ko, akin ka.

Minsan ayoko ng magising. Minsan, gusto kong itigil 'yung pagpalit ng panaginip ko, manatili ka lang akin. Sa panaginip ko lang kasi totoo lahat. Sa panaginip ko, may makikitang saya sa mata mo, may makikitang pagmamahal. Sa panaginip ko.

Kung pwede lang manatili sa panaginip ko. Dun na lang tayo. Isasayaw kita sa gitna ng hardin, kakalimutan natin ang mundo. Kakalimutan nating panaginip lang. Kakalimutan nating pagmulat ng magaganda mong mata, baka ni hindi mo pa nga maalala. Pero sa panaginip ko, akin ka.

Kung pwede lang wag bitawan ang kamay mo. Sa panaginip ko. Sa panaginip ko kasi akin 'to. Sa panaginip ko, perpekto. Haharanahin kita sa paraang alam ko, sa tonong tanging ang me alam ay ikaw at ako. Sa panaginip ko.


Kung pwede lang, hindi ako bibitaw sa mga yakap mo. Ikukulong kita sa mga bisig ko. Sa panaginip ko, pwede 'to. Sa panaginip ko, hindi ka tumatakbo. Hindi ka lumalayo.

Kung pwede lang, isasama kita sa panaginip ko. Baka sakaling magustuhan mo din lahat ng nandon. Isa isa ko ng binuo lahat ng pangarap mo. Ikaw na lang ang kulang, sa panaginip ko. Naghihintay na satin ang mga bulaklak, ang halimuyak. Iniintay na maglaro tayo sa gitna ng hardin. Maghabulan. Iniintay nila ang tinig mo. Kasi sa panaginip ko, buo na ang lahat. Ikaw na lang ang kulang. Tayo na lang.

Sa panaginip ko, akin ka.

Kaya patuloy akong pipikit, mananaginip. Hawak kong kamay mo. Yakap kita. Nakatingin ka sakin. Nakangiti ka. Habang ang mga bulaklak ay sumasayaw sa saya. Ramdam din nila yung sayang ramdam ko, yung sayang sa panaginip ko, ramdam mo.

Kaya patuloy kong bubuuin lahat ng pangarap mo. Sa panaginip ko. Unti-unti kong gagawin lahat ng hiling mo, lahat ng ibig mo. Para kung sakaling sumama ka saking lumipad patungo sa panaginip ko, lahat perpekto.

Minsan, pinilit kong gisingin ang sarili ko sa panaginip. Masakit na sa mata ang bawat gabing pagpilit. Alam kong akin ka, sa panaginip. 

Sa panaginip ko, hindi ka malayo. Sa panaginip ko, andun ka. Naghihintay sakin ng masaya. Kung sana pwedeng gumising isang araw na kasing tamis ng panaginip ko yung realidad. Sana sa paggising ko isang umaga, hindi ko na kelangan pa managinip para makasama ka. Sana, hindi lang sa panaginip, akin ka.



Pero kung ito lang talaga yung tanging paraan para maging akin ka. Muli't muling ipipikit ang mata. Lilipad patungo sa mundo kung nasan ka. Mananaginip para makasama ka. Maramdaman lang ang init ng palad mo sa palad ko. Madampian lang ng pag-ibig ang mga labi mo. Doon sa hardin kung saan tayo tumatakbo. Tara na! Lumipad na tayo. Kalimutan ang mundo. Kalimutang sa panaginip lang ito magkakatotoo.

Sa panaginip ko, akin ka. Kaya muli kong ipipkit ang mga mata. Iisipin ka. Magkita tayong muli sa mundo kung san akin ka. Hihintayin kita...

(These Dreams by Heart)


Tanong ni Kuya Chubz

pagba sa inyo ako kumuha ng statistics papakopyahin mo ko? hahaha - Judel Arugay

Kung ibang panahon ko 'to narinig, baka nagwala na ko sa insulto. Bobo nga kasi ako sa Math. Pero honestly, binuhay ng tanong nato lahat ng takot ko para sa next sem.

Masaya! Third year na kami. Dalawang taon na lang, ba-bye PUP na. Pero hindi ako excited. Natatakot ako. Hindi ko alam kung kaya ko pang panindigan 'yung President's Lister na peg ko. Hindi naman siya ganun kahalaga sakin kaso... nakuha ko kasi siya ng madali. Hindi ko matatanggap pang nag-effort ako tapos saka siya mawawala. Badtrip yon.

Bakit ba ko natatakot? Una. Kasi nga may Stat. Tae naman kasi. Magsusulat ako ng balita, oy! Bakit kelangan ko 'tong pag-aralan?! Well, alam ko naman kung bakit. In denial lang ako kasi ayoko talaga sa kanya. Ayoko talaga sa Math. Kaso, kasama sa curriculum e. Anong magagawa ko? Sana kasing bait na lang ni Sir Poloyapoy 'yung maging prof namin sa Stat. O kaya, sana siya na lang. Para makabawi ako sa essays. Pag inasa ko kasi 'to sa computations, siguradong babagsak ang pangarap ko.

Hindi lang naman talaga dahil sa Math. Alam kong magiging patayan ang last two years ko sa College of Communication. Me thesis na hindi ko alam kung pa'no gagawin, mga imposibleng projects galing sa mga profs, paimportanteng minor subject professors at kung anu ano pang ek ek. Minsan, ang sarap sukuan ng lahat ng 'to. Pero kinaya ko ng dalawang taon, kakayanin ulit ng dalawa pa.

Nakakatakot din 'yung expectation ng mga tao sa paligid. Hindi ako 'yung taong palaisip ng sasabihin ng iba. Pero kapag 'yung sasabihin na ng mga taong mahahalaga sakin, feeling ko kakayanin ng mag-produce ng kuryente ng utak ko sa kakaikot dahil sa pressure. Madami kasi kong gustong patunayan. Sa kanila. Dun sa mga taong naniwala sakin kahit anumang nangyari. Pero mas madami akong gustong patunayan sa sarili ko. at mas nakakatakot yon. 

Feeling ko kasi ang galing ko. Feeling ko kaya kong abutin lahat ng sinet kong expectations sa sarili ko. Mataas kasi 'yung ineexpect ng iba. Pero dahil abnormal ako, mas mataas pa 'yung gusto kong makuha.

Pero ang pinakakinakatakot ko sa lahat e 'yung paglabas ko sa buhay kolehiyo. Hindi ko alam kung anong meron para sakin pagkatapos ng 20 taong pag-aaral. Magkakatrabaho kaya ako? Sana hindi sa call center. Hindi ko alam. 

Pag hindi ako nagkatrabaho sa media, alam kong ipipilit na naman niya 'yung gusto niya. Kaya kelangan mapanindigan ko 'yung tigas ng ulo ko. Kelangan mapakita kong kaya ko. Kasi kung hindi, palpak na naman ako. Wala na naman akong kwenta. Ang masakit, sa mata niya pa.

Ang daeng pwedeng katakutan. Pero pinakanatatakot ako sa sarili ko. Hindi ko alam kung hanggang saan 'yung kaya ko, hindi ko alam kung anong mga kaya kong gawin. Malalaman ko din 'to soooooomeday. Pero sa ngayon, torture lang pag inisip ko 'to lahat.

Kaya bahala na kung anong mangyari sa huling dalawang taon. Bahala na kung anong naghihintay sakin pagkakuha ko ng diploma ko. Bahala na.

But I'll make sure I'll be getting the best out of everything that comes my way. At ieenjoy ko ang buhay ko. Kesa magpakain sa takot sa'yo, sa inyo, sa takot sa sarili ko.

So, bring it on, Life!


(I Just Wanna Live by Good Charlotte)

Miyerkules, Mayo 23, 2012

Pikon si Pinoy!

Pissed off ang buong Pilipinas!

Status ko 'to actually just after watching the American Idol Season 11 Finale. Syempre, bilang nakiki-pride ako ke Jessica Sanchez dahil half Pinay siya, I'm quite disappointed. Pero, wala e. Popularity contest ang AI. Kunwari lang, singing contest para me thrill.

To be fair with Phillip, I like his artistry. Wala lang. Swabe lang. Nakakapagod din kasi makinig ng puro birit at nakakabanas makakita ng standing ovation galing kina Jackson, Lopez at Tyler sa performance ni Joshua Ledet kahit wala naman siyang ibang ginawa kundi sumigaw althroughout the song. Hmmm.. Oo. ayoko ke Ledet kaya nag-party ako nung ma-out siya. Me so bad :D

Going back, after ng Finale, ang ingay na nung cellphone ko. GMs from friends and relatives. Kadalasan, badtrip sa resulta. Pero me nakapagpatawa sa'kin ng sobra.

Huhuhu! Racial Discrimination!... - anon

Actually, comment 'yan ng hindi ko kilalang nilalang sa status ng former classmate ko. Natawa lang ako. Porket di nanalo si Jessica, racial discrimination AGAD AGAD?! Di pwedeng mas marami lang talagang fans si Phil? Ayusin mo comment mo, teh! Me makabasang human rights activist niyan, makakuha pa ng idea. :D

Well, naiintindihan ko naman kung bakit hardkor ang pagiging brokenhearted ng mga Pinoys sa resulta. Daaaah! Pinay 'yun o! First Pinoy American Idol sana. Kaso mga parekoys, sabi nga ni Joey Reyes, ang nanalo sa AI ay 'yung mga tipong WGWG (White Guy With Guitar). Oha? White Guy? Phil! With Guitar? Phil na Phil! Si Jessica, hindi siya white, lalong hindi siya guy at hindi ko siya nakitang humawak ng gitara sa buong season. Naupo sa piano, oo, couple of times. So mga dre, predictable na 'to masyado. Alam na alam ng si Phil ang mananalo.

Kaso, Pinay nga kasi siya kaya medyo umasa tayo na sana magbago 'yung takbo nung laro. Sauce.

Infairness with Jessica, kung boses at boses lang nga naman ang pagbabantayan, shoot na shoot! Wala talagang panama si Phil... kaso text and online votes e. Wala namang silbi 'yung likes sa FB. 'yun na nga.

But guys, life's not fair. Let's just bite into the bright side. Jessica may not won the clash but hey! She just showed the whole world what kind of talent does a Filipina have. And that is something more than the title! Wag na tayong ma-bitter at mang-trashtalk. Leave Phillip alone.

Pero hindi ko naman mapipigil ang naggugumalit niyong mga damdamin e. Haha. Kaya tatawanan ko na lang 'yung mga GMs niyo at status. 

Sana hindi na umabot sa puntong magra-rally kayo o magpapaprayer vigil para dito. OHMAAAAY! OA! 

So siguro naman, mawawala na sa mainstream ang Jessica Sanchez fever? Gimme some REAL NEWS media people! Hindi 'yung kinukuyog niyo si Jessica.

(Photo: Google)

Well, Miss Jessica Sanchez, congratulations for reaching the Finale and you really are one heck of a talented youngster. You need not the title. You are an idol yourself :) Thank you for showing the world Filipino talent at its best and I strongly believe great things are waiting for you :)

NOW, what happens to Scarborough Shoal?

(Photo: Google)