Martes, Disyembre 4, 2012

Kung San Ka Masaya...


“Napapagod na ko.”
-         - 11:25pm, 12/03/12

Napapagod ka na? Hindi ko alam. Napapagod ka ng marinig na hindi ko alam. Napapagod ka na. pero hindi ko pa din alam. Kaya magsusulat na lang ako, tutal dun lang naman ako magaling, sabi mo.

Napapagod ka na ba? Paulit- ulit na lang ‘yung topak ko. Paulit-ulit na lang ‘yung pagsusungit ko. Tsk. Kahit sino naman siguro mapapagod sa ugali ko. Hindi ko alam. Hindi ko maintindihan sarili ko. Natatakot ako. Iba na kasi ngayon. Hindi na tulad ng dati. Hinahanap ko lang siguro ‘yun. Dati kasi, ramdam kong takot kang mawala ako. Ngayon… hindi ko na alam.

Napapagod ka na? Sabi mo, konti na lang. Ayaw mong magsawa pero konti na lang. Inuubos ko na ba ‘yung konting yon? Siguro nga. Pagod ka na. Malapit na siguro. Konti pa.

Napapagod na din ako. Napapagod na kong marinig na pagod ka na. Na sa konting sungit ko lang, konting topak lang, napagod ka. Sa dami ng nangyari non, hindi naman ako napagod e. Pinilit ko kumapit. Pero nakakapagod din pala. Nakakapagod marinig na pagod ka na.

Kung tutuusin pwede naman magpahinga. Kasi kahit anong pilit, wala na din namang magagawa kung pagod ka na, kung ubos na ‘yung konting natitira. Sa huli, katulad ng palagi, dun pa din naman tayo, dun sa kung san ka magiging masaya.

(Halik:Kamikazee)

Lunes, Disyembre 3, 2012

Gusto mo di ba?

Gusto mo ng pizza? O sundae kaya? Dagdagan natin ng large fries, para may isasawsaw ka sa sundae. Favorite mo 'yun di ba? Hingi tayong madaming ketchup para may papapakin ka sa byahe. Kain tayo sa KFC, baka namimiss mo lang 'yung gravy. Gusto mo, libre na kitang krushers, 'yung favorite mong cookies and cream?

Pero alam ko, gusto mo ng pizza. Tara na! Ililibre kita. Paliguan natin ng hot sauce hanggang mamula ka. Hanggang 'yung anghang, ikaiyak mo na. Hanggang mamula 'yung ilong mo tapos mamasa-masa na 'yung mata mo. Ang vute cute mo kaya pag nagkakaganon ka. Tapos habang kumakain tayo, magkwento ka. Nami-miss na kasi kita. Antagal na din nung huli tayong magkita. Matagal na. Hindi ko na nga maalala.

Ang tanda ko lang, ang lakas mo mang-asar non habang hilung-hilo ako sa pesteng rde sa perya. Hindi ako dapat natutuwa pero ang saya kasi ng mata mo, talo pa 'yung mga ilaw dun sa matayog na tsubibo. Tapos habang masuka-suka ko sa hilo, naglalaro sa utak ko 'yung makulit na tawa mo. Pumapalakpak ka pa nga sa saya. Nagpapapadyak ka pa. Para kang bata. Pero nakakatawa. Nakakatuwa.

Tapos, nagkalat 'yung ice cream sa damit mo kasi para ka ngang bata. Hindi ka matahimik dun sa pagkahilo ko sa perya. Hanggang pag-uwi natin binabalik-balikan mo. Dumaan pa tayo sa bilihan ng cotton candy. Mahilig ka sa matamis e. Tapos tumingin ka sa ulap. Nagkalat na 'yung mga bituin. Ngumiti ka. Sabi mo, gusto mong maging isa sa kanila. Balang-araw, titingnan din kita. Tumango lang ako. Hindi ko alam pero hindi ko kaya. Hindi ko alam kung kakayanin ko pagmasdan ka lang sa malayo.

Sanay kasi akong andyan ka. Katabi ko, katawanan. Kasama sa problema, kaiyakan. Kasama gumala, kasama kung saan. Nasanay na kong text mo 'yung una't huli kong mababasa sa araw-araw, nasanay na kong pumupunta ka sa bahay para mang-asar lang... magpaturo sa Math, magpatulong sa project o kaya wala lang. Basta andun ka lang. Mas close na nga kayo ni nanay. Hindi ko alam kung kaya kong magtagal ngg ilang araw na wala lahat 'to, na hindi ko ramdam 'yung makulit na presensya mo. Basta. Hindi ako sanay at malamang... hindi ko 'yun makakasanayan.

Hindi ko alam kung pano kakain ng fries at kung pano di magmumukang tanga pag sinawsaw ko 'yun sa sundae na mag-isa. Hindi ko alam kung kanino ibibigay 'yung free ketchup at kung sino pang may toyong papapak non pag tinatamad siyang ngumuya. Hindi ko alam kung sino pang makakasama ko sa KFC para gawing sabaw 'yung gravy. Hindi ko alam kung may mas hayok pa sa pizza kesa sayo. Lahat ng 'to. Hindi ko alam kung may makikilala pa kong ganito ka-weirdo.

Pero ngayon, nakatingin ako sa ulap. Naririnig ko pa rin 'yung tawa mo, naririnig ko pa din 'yung mga alaska mo. Ramdam ko pa din 'yung mga hampas mo, 'yung mga kurot mo. Nandito pa din lahat ng alaala nung nagperya tayo. 'yung saya ng tsubibo. 'yung halakhak mo habang hilung-hilo ko. Lahat. Lahat lahat tungkol sayo...

Ngayon, nakatingin ako sa ulap. Mag-isa. Nakatingin sa mga bituin. Nakangiti sila. Sana sinabi mo na gusto mo sila agad makasama. Sana sinanay mo na lang akong tingnan sila ng wala ka. Kasi ngayon, sa lahat ng random elements na makita ko, naaalala kita.

Bumili kong box ng pizza. Gusto mo di ba?

(Biglaan by 6cyclemind)

Lunes, Setyembre 17, 2012

Sa Larawan

"Sa  larawan na lang, baka pwedeng legal. Dahil dito sa mundo, bawal..." -Larawan, Eevee

E ayoko nga sa larawan. Hindi ko naman mararamdaman 'yung higpit ng yakap mo don. Hindi ko makikita 'yung saya sa mata mo. 'yung init ng kamay mo. Sa larawan? Wala lahat 'yon. Wala 'yung mga banat mo. Hindi ko maririnig 'yung boses mo. Wala 'yung tamis ng ngiti mo.

Sabi mo nga, wag ko na lang isipin 'yung iniisip ng iba. Wala naman akong ginagawang masama sa kanila. E ano kung bawal sa mata nila? Ano kung mali?

Minsan gusto kong pakinggan 'yung sinasabi ng isip ko. Sabi mo nga, matalino ko. Pero tuwing ginagawa ko 'yon, lalo ko lang naiisip na hindi lahat ng tama, ikasasaya ko. Sa ngayon, mas pinili kong maging mali kasama ka. Basta kasama kita. Ayos na.

Kalimutan na lang natin muna. Na me mundong maghuhusga. Na me mali at tama. Gusto ko lang maging masaya kasama ka. Kaya kalimutan muna natin sila.

Chasing Cars by Snow Patrol



Linggo, Setyembre 9, 2012

Sorry

Alam ko pong mali. Sorry.

Hindi ko po kayang pigilan. Sorry.

Nagawa ko na po. Sorry.

Hindi ko po kayang mawala. Sorry.

Sana kayang tanggapin ng mundo 'yung sorry ko kasabay ng pagtanggap nila sa kung anumang meron tayo. Pero sabi mo kagabi, wala naman di ba? Na pagkatapos ng lahat, wala naman talaga.

Mali ako ng intindi. Sorry.

Nag-assume lang siguro ko. Sorry.

Nadala lang ako ng mga yakap mo. Sorry.

Sana tayo na lang para pwede pang ayusin. Sana merong "tayo" para alam ko kung anong tatapusin. Pero sabi mo kagabi, wala naman di ba? Tinatanong mo pa nga kung ilang sakit pa kailangan para matauhan na ko. Hindi ko din alam e.

Nakukulitan ka na sakin. Sorry.

Gusto mo ng tigilan kita. Sorry.

Ayaw mo na. Sorry.

Kung mauutusan lang 'yung puso mapagod. Kung susunod lang siya. Nakakapagod din naman umiyak. Pero mas lamang kasi yung sayang bigay mo kesa sa sakit. Mas lamang pa din yung katotohanang mahal kita kesa sa pait.

Sorry. Hindi ko po kayang pigilan.

Sorry. Hindi ko po kayang mawala.

Sorry. Alam ko pong mali.

Pero masaya po ako e. Pwede po ba kalimutan ko muna 'yung tama at hindi?

Lunes, Setyembre 3, 2012

Gunita


Patuloy na pumapatak ang bawat sandaling natitira habang ika’y kapiling ko…
Siguro nga’y maraming dahilan kang maibibigay ngunit ako ay may isang tanong…

Andyan ka. Hindi ko alam kung hanggang kelan. Pero ramdam kong bilang lang. Bilang lang ‘yung mga oras na andyan ka. Bilang lang ‘yung mga oras kasama kita.

Bilang lang ‘yung mga oras. Mahirap kumapit kapag alam mong dadating ‘yung oras na kelangan mo bumitaw, kapag alam mong dapat ka din bumitaw. E bakit ba kasi kelangan kumapit pa? Alam mo naman palang sa dulo, masasaktan ka. Wala e. Sa pagkapit na ‘yun ka kasi magiging masaya. Kaya kahit anong sabihin ng mundo, wala silang magagawa. Kakapit ka. Magiging masaya.

Di ka ba magtatagal? Pagtigil mo’y dalangin na aking inaasam.
Siguro nga’y paalam na, subalit ma’y iiwan kang puwang…

Kakapit ka. Magiging masaya. Kahit tanggap mong wala kang ibang gagawin sa dulo kundi bumitaw. Kakapit ka. Magiging masaya. Kahit pa alam mong baka bukas, gigising kang wala na ‘yung saya.

Bakit ba kasi hindi pwedeng magtagal? Bakit hindi pwedeng dito ka na lang? Hindi ko alam. Hindi ko maintindihan. Hindi mo din naman sinasabi. Hindi ko alma kung anong pinanggagalingan mo. Pero sabi ko nga, okey lang. Okey lang lahat. Basta pumunta ka kung saan ka sasaya. Gawin mo kung anong gusto mo. Pag natapos lahat, pag naubos na ‘yung bilang ng oras na kasama kita, ako ng bahala sa sarili ko kahit hindi ko alam kung saan mag-uumpisa.

Kung kaya kong pigilan lang ang oras sa kanyang pintig,
asahan mong ako’y di hihinto…

Ako ng bahala sa sarili ko kahit hindi ko alam kung saan mag-uumpisa. Kahit hindi ko alam kung kaya ko pa. Kung pwede lang ihinto ‘yung paggalaw nung kamay ng orasan ngayong kasama ka, tatambayan ko ‘yon. Para kahit papano, tumagal pa. Para kahit papano, madagdagan ‘yung oras. O baka sakaling hindi mo mapansin. O baka sakaling hindi mo maalala. Baka sakaling makalimutan mong aalis ka nga pala.

Kahit malabo, masarap umasa. Na baka sakaling maging masaya ka din naman, makalimutan mong bumitaw. Kaso hindi e. Kahit ano atang gawin ko, aalis ka. Lalayo. Pero ako ng bahala sa sarili ko kahit hindi ko alam kung saan mag-uumpisa. Sandali ka lang naman di ba? Sandali lang.

Ako’y isang manhid na di makikinig sa bawat sasabihin ng mundo.
Ako’y isang manhid na di makikinig hangga’t ikaw pa’y naririto…

Sandali lang naman di ba? Sandali kong kakalimutan ‘yung mundo. Sandali kong kakalimutan ‘yung ako. Sandali akong magiging masaya. Sandali kitang kasama. Lahat, saglit lang. Baka nga gumising na lang ako isang umaga, wala na ‘yung sandali. Bilang lang ‘yung oras. Baka pagdilat ko, ubos na. Tapos na ‘yung bilang mo. Wala ka na.

Pero di bale. Sandali lang naman. Sandali kong kakalimutan lahat. Pagtapos naman nito, dun din ako babalik. Masyado pang mahabang panahon ‘yung gugugulin ko kasama ng mundong kinakalimutan ko ngayon. E ‘yung oras kasama ka, bilang lang.

Hayaan na muna nila kong sumaya kahit saglit lang. Pagkatapos naman nito, hindi ko alam kung sasaya pa ko. Hindi ko alam kung kaya ko pa. Hindi ko alam kung saan mag-uumpisa. Pero saka ko na iisipin yon. Saka na ko iiyak. Kasi ngayon, andyan ka pa.

Hindi ka ba magtatagal? Pagtigil mo’y dalangin na aking inaasam.
Siguro nga’y paalam na, subalit ma’y iiwan kang puwang…

Andyan ka pa. Hindi ko alam kung hanggang kelan. Pero ramdam kong bilang lang. Bilang lang ‘yung mga oras na andyan ka. Bilang lang ‘yung mga oras kasama kita.

Pero salamat. Salamat at dumaan ka. Pinasaya ko kahit sandali lang. Pinakapit ako para bumitaw. Kahit alam kong hindi mo gusto. Kahit alam kong napipilitan ka lang. Salamat. Baka pwede pang humirit? Baka pwedeng konting oras pa. Baka pwedeng sandali pa. Baka pwedeng ‘yung sandali, magtagal na? Baka lang naman pwede. Gusto ko lang ipilit kahit alam ko namang hindi.

Andyan ka pa. Hindi ko alam kung hanggang kelan. Pero salamat kahit saglit lang. Kahit ramdam kong bilang lang. Bilang lang ‘yung oras na andyan ka. Bilang lang ‘yung oras kasama kita. Handa akong sumugal. Gusto ko lang andyan ka. Kasama kita. Gusto ko lang maging masaya.

Patuloy na pumapatak ang bawat sandaling natitira habang ika’y kapiling ko…

Gunita: Spongecola



Sabado, Setyembre 1, 2012

Dancing Fountain


Bumabaha ng kulay sa harap ng mata ko. Sumasayaw na tubig. May mga halakhakan. May paminsan minsang dampi ng lamig dala ng hangin sa balat ko. Pero hindi ko sila makita, hindi ko sila madama.

Masarap pagmasdan ‘yung ningning ng mga bituin sa madilim na ulap. Dati, tuwing makikita ko sila, meron akong nakikitang malungkot na mukha. Maraming alaala. Madilim. Talo ‘yung ningning ng mga tala. Pero ngayon, wala akong makapang lungkot. Wala akong makapang panghihinayang. Wala akong maaninag na mukha.

Tumingin ako sa sumasayaw na ilaw, pinakiramdam ko ‘yung lamig ng dampi ng tubig dala ng hangin. Wala ‘yung hinatid na lungkot sakin. Hindi tulad dati.  

Nakatingin ka sa malayo. Mas maliwanag pa ‘yung mata mo sa ilaw na sumasayaw. Tiningnan ko ‘yung palabas, hindi ako natuwa. Tiningnan kita, sumaya ko bigla. Naglalaro sa mga mata mo ‘yung ilaw na nililikha nung palabas. Mas gusto kong panuorin sa mata mo ‘yung mga ilaw.

Minsan, sapat ng nakakasama mo lang ‘yung isang tao. Minsan sapat na na kahit nakaw lang, napagmamasdan mo ‘yung mata niya, naririnig mo ‘yung boses niya, nakikita mo ‘yung ngiti niya. Minsan sapat ng kahit alam mong malabo, nakakalapit ka. Na kahit walang salita, kahit walang kasiguraduhan, masaya ka. Kahit alam mong ngayon lang. Kahit alam mong maya-maya, mawawala. Kahit alam mong bukas, pag gising mo, iiyak ka lang kasi wala na. Minsan, sapat na din ‘yung umasa ka.

Kapag humihigpit na ‘yung mga yakap at hawak kamay, mas mahihirapan ka na bumitaw. Alam mo ‘yun. Pero dahil masaya ka, mas gugustuhin mong mahirapan bumitaw basta maramdaman lang na minsan, humawak ka. Kumapit. Minsan, naging masaya kasama siya.

Bumabaha ng kulay sa harap ng mata ko pero hindi ko sila makita, hindi ko sila madama. May sumasayaw na tubig, may halakhakan, may magandang musika. Pero ang pinakaramdam ko sa lahat? ‘yung lamig ng dampi ng hangin. ‘yung layo ng pagitan natin. ‘yung sakit na dapat kong tanggapin.
Na pagtapos ng palabas, kapag pinatay na ‘yung ilaw, kapag wala na ‘yung tubig na sumasayaw, kailangan ko na ulit itago ‘yung nararamdaman ko.
Hindi ko masabi kasi ako ‘yung nagtayo nung pader na binubuwag ko. Hindi ko alam kung pano sasabihin kasi, hindi ako sanay. Pero sana masabi ng mata ko. Sana makita mo. Kung hindi, sapat na ko sa ganito. Sapat ng minsan, kasama kita. Minsan, nakita kitang masaya. Sapat ng minsan, andyan ka.

Katulad nung sumasayaw na tubig ngayon, hindi kita mahawakan. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip mo, hindi ko alam kung anong nararamdaman mo. Pero patuloy ka lang sa paggalaw. Patuloy ka lang sa pag-agaw sa mga bagay na hindi sa’yo, gaya ng isip ko, ng puso ko.

Hindi ko masabi kasi natatakot ako. Sa likod ng sayang hatid ng pagsayaw ng tubig at mga kulay na nakikita ko, maraming nagtatago.

Dumampi ulit ‘yung malamig na hangin. Pinaramdam lang nun ulit sakin ‘yung mga bagay na gusto kong iwan kasama ng mundo. ‘yung lamig, ‘yung layo, ‘yung sakit.

Nagsalita ka. Nagtanong. Tumawa lang ako. Hindi ako sumagot. Mas gusto kong makinig sayo. Mas gusto kong humilig sa balikat mo. Tahimik lang. Hayaan mo lang ako. Baka sakaling makita mo. Baka sakaling maramdaman mo. Hindi ko kayang sumagot kasi baka mali ‘yung masabi ko. Isang maling sagot, mawawala ka. Hindi ako nagsasalita kasi hindi ko kayang sabihin. Hindi ko kayang mawala ka.

Kung pwede lang habang nag-eenjoy lahat sa mga ilaw, mawala tayo. Lumipad. Dun sa lugar kung san wala yung mga kinakatakot ko. Wala ‘yung pader na tinayo ko.

Tiningnan kita. Mukha kang masaya. Sana pwede pa. Sana wag mo mahalata pero sana makita mo. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ko kayang mawala ka pero hindi ko naman alam kung anung gagawin ko para manatili ka. Hindi ko alam.

Bumabaha ng kulay sa harap ng mata ko pero hindi talaga ‘yun ‘yung dahilan kung bakit ako masaya. Kasi kahit ano pang saya ng kulay, walang dating kung wala ka.

Bumabaha ng kulay sa harap ng mata ko, may mga halakhak sa paligid pero hindi ko sila marinig. Kasi mas malakas pa din ‘yung sinisigaw ng puso ko kesa sa ingay nila.

Bumabaha ng kulay sa harap ng mata ko, may sumasayaw na ilaw pero mas malinaw ka kesa sa ano pa mang malinaw.

Andaeng magagandang bagay sa paligid pero wala akong makita. Andaeng masasayang bagay pero wala ‘yung saysay. Ang alam ko lang, masaya ko kasi kasama kita. Masaya ko kasi andyan ka.

Bumabaha ng kulay sa harap ng mata ko. Sumasayaw na tubig. May mga halakhakan. May paminsan minsang dampi ng lamig dala ng hangin sa balat ko. Pero hindi ko sila makita, hindi ko sila madama. Ang alam ko lang mahal kita.

Martes, Agosto 21, 2012

Happy Buwan ng Wika, pipz!


Buwan ng wika. Kalagitnaan na nga. Uso na naman programs sa high school at elementary ngayon. Pabonggahan ng saya at barong. Me dahun-dahon pa ngang nilalagay sa ulo magmuka lang makata e. Pero ‘yung totoo? Naiintindihan mo ba kung bakit ginaganap ‘to tuwing Agosto?

Useless kasi kung hindi.

Pilipino ako. Weh? Hindi ko din alam. Sabi ng lolo ko, me lahi daw kaming Intsik, tapos me lahi pa siyang Espanyol na pinagkakakana. So dapat pala masaya ko pag ‘yung Panatag Shoal, nakuha ng China?
Sa dami ng pinaghalu-halong lahi sa dugong nananalaytay sa mga ugat ko, hindi ko din alam kung Pilipino nga ako. Ikaw? Alam mo?

Kung susundin ‘yung jus sanguinis na itinuro nung Grade 4 ako na hindi ko malaman kung anong meron at naaalala ko pa, Pinoy ka basta Pinoy ‘yung magulang mo. Sa citizenship ‘yan ‘tol, baka di mo pa naririnig kasi Grade 3 ka pa lang. Pero ‘yun nga. E parehong me lahing iba magulang ko e, so ano? Pinoy ba ko?
Kung susundin naman ‘yung jus loci/soli, Pinoy ka kung isinilang ka sa Pilipinas. Dito naman ako sinilang, so… masasabi ko na bang Pinoy nga ako?

Madaming criteria. Madaming tinuturo. Pero sa dami ng alam mo at sa dami pa ng nalalaman mo bawat bukas mo ng internet at dahil na din sa bawat viral photo o status sa Facebook na nila-like mo, pa’no mo na nga ba malalaman at masasabing “Pinoy ako”?

Ang hirap kasi e. Andaeng nanakop satin. Apelyido lang natin, tunog Espanyol, Hapon, Intsik at Kano na. ‘yung kinakain natin, kundi Western, stateside pa. Aminin mo. San ka mas natatakam, lugaw o pizza? Di ba nga naghahanap ka ng burger t’wing break time niyo sa eskwela with matching Coke o Pepsi pa habang nagsasoundtrip ng mga kantang me lyrics na hindi mo naman alam kung minumura ka na? Bengeul benguel benguel benguel… Ay puta! Kapit sa google translate ang peg mo maintindihan lang ‘yung kanta.

Tsaka lalabas ka ba ng bahay ng naka-baro’t saya kundi buwan ng wika? Anak ng pitumpu’t pitong puting tupa! Pagtatawanan ka nung mga naka-supra sa kanto. Baka balibagin ka pa ng bling-bling nila.

So pano mo nga masasabing Pinoy ka? Di ba mas cute when you make salita in English with the American twang and make salisi lang some Tagalog words for you to sound like Atenista? E di ba nga mas ayos kung naka-puke short ka pag rumarampa?

Mas inaabangan pa nga natin kung sinong kakanta ng American National Anthem sa laban ni Pacman kasi Hollywood sila. ‘yung Pinoy singer sa Amerika, di mo na sinuportahan, pipintasan mo pa. Mali pagkakakanta e. Palit kaya kayo, maitama mo kaya?

Ang hirap kasi sa umaga, gigising ka’t maaamoy mo ‘yung tender juicy hotdog na luto ni mama sabay may chocolate na dessert galing Switzerland, me noodles padala ni ate from Japan tapos papasok ka sa school dala ‘yung Nike mong bag kung nasan ‘yung Iphone mo’t Ipad, suot ‘yung Converse mong sapatos at dala ‘yung kung anu ano pang padala sayo ni Papa galing Saudi.

Ang hirap malaman nung pinagmulan mo kasi kapapanganak mo pa lang, Intsik na ‘yung pangalan ng ospital. ‘yung mga laruan mo, made in China. ‘yung mga damit mo imported from Amerika. ‘yung salita mo, halu-halo na. Nag-evolve pa ‘yung wika mo from Jejemon to Harharmon at me Bekimon pa. Di ba?

Hirap ungkatin kung ano ka talaga kasi simula pagkabata, dayuhan ka na. Ang kilala mong super hero ay si Batman, Superman at kung sinoman. Nanonood ka sa Disney Channel o kaya Nickelodeon. Mas kilala mo si Recca at Eugene kesa kila Darna at Capt. Barbel. Ang korni kasi nila. Wala silang kamehame wave at raegan.

Ang saklap pa. Pag-aaralin ka sa Catholic school, ipapakilala sa kulturang espanyol, ililipat sa another private school, pag-aaralin ng French, Spanish at Latin habang ang school niyo ay English speaking zone. E san pwedeng mag-Tagalog? Ang hirap maging Pinoy ‘no?

Tapos ngayon, buwan ng wika. Pipilitin kang ituwid ‘yang baluktot mong dila at papatulain ka ng “Magalang na Bata” kahit slang na slang ka kasi Pinoy ka? Kundi ba naman toyo ‘no? Hindi mo tuloy malaman kung bakit me Buwan pa ng Wika at kung bakit kelangan mong magbaro’t saya tuwing Agosto. Pero ‘yung totoo, trip mo ba talagang isigaw na “Pinoy me” este “Pinoy ako”?

Sabado, Agosto 18, 2012

Trust? Friendship? Fuck.




Minsan lang ako mag-blog ng English. Minsan lang din ako magsalita ng English. Gaano kadalas ‘yung minsan? Pag me articles na pinapagawa profs namin o kaya pag debate class/confab, recitation o kung di naman, I’m under some intense emotion (mostly sad ones). Ikaw ng bahalang humusga kung bakit ako mag-i-English ngayon.

All my life, I never really wanted to feel loved or cared about. Those are feelings I have grown up with. Feelings I never wished to feel for they are something I never lacked. So what do I wanna feel, you ask? It is to be trusted. Not that I lack trust. It’s just something I enjoy feeling.

Trust. A sad word. It’s something you, people, don’t give at once or don’t give at all. Something earned by people, maybe, who are close to you or perhaps those people who have done good to you in some of the most helpless times of your life or those you have learnt to trust all these years because you were guided by them. Simply put, trust is something you don’t give away easily. No, not at all unless you’re an idiot or you’re too innocent you don’t know a thing about life or maybe you’re just credulous. Whichever way, I don’t give a fuck.

So why am I spitting bullshits over trust right now? I, oh yes, I just found out something I have long wanted to know and have long asked some people to tell me days ago. It is actually so tiny, you wouldn’t mind at all. But knowing that these people you have asked about it knew it and decided not to tell it to you and leave you the only person not knowing it is something you would give some fuck time to. It’s petty you would wanna laugh at my face and tell me how big an ass I am for digging in too deep. But… that’s not just that.
Knowing this made me feel betrayed. Felt like there is some connivance going on and I was left for a fool. Okay. Given. The issue is just about something so soooo small. But how can you be trusted with bigger things if you are not trusted with the tiniest ones? I told you. All I ever wanna feel is to be trusted. Not that I’m insisting that you should trust me but hey, aren’t we friends?

I’m not saying that you, my friends or so I thought were, must tell me every single detail of your existence. No. I won’t actually waste a day or a week listening and memorizing your stories but that little stuff? I don’t know. Maybe it’s just me. Or maybe, you don’t know it’s just me.
Knowing this, I felt out of place. Seems as if I have been with people I don’t really know for quite a time now. Tell me I’m over reacting or what, be it. But hearing stories you don’t know while they’re laughing and having fun would make you feel out of place, won’t you? If you won’t feel that way, congrats! Dude, that’s talent.

Maybe I was just reacting this way because I thought these were people I would gladly share beautiful moments of my life with. People I thought would be godparents of my future children if I ever wanna get married and enter the married life despite the fact that I don’t enjoy a thing in the kitchen or if I ever get pregnant with myself alone. These people… whom I call friends.

Need I tell you what “friends” are? Oh man, they don’t just laugh with you or go someplace with you. Not this shallow.

That fact hit me but this actually didn’t even make me any less of a person. Just sad to know you weren’t trusted by “your friends” with such little stuff. Anyways, I guess that’s life. Just like what I always say, people are people. You cannot dictate them what to do, say or feel just like how depressing it is to admit that you cannot tell or even ask them to love, care for, respect or just trust you.

However, I would just have some time alone, re-think of these words I puked, let myself get its sanity and understanding back, make believe nothing happened and act as if I’ve forgotten things because friendship is friendship. And when I call you friend, it is forever. But when it is stained, it is stained.

Minsan lang ako mag-blog o magsalita ng English. Obvious namang hindi ‘to artikulong ipapasa ko sa prof ko at lalong halatadong wala ako sa recitation o debate competition para sumandaling kalimutan ang wika ko. Kaya ikaw ng bahalang umintindi kung bakit English ‘to.

(Tsokolate ng Parokya ni Edgar)



Lunes, Agosto 13, 2012

Linggo, Agosto 12, 2012

Sa Next Life...


Hindi ako naniniwala sa reincarnation. E ano kung maging palaka ako sa susunod na buhay? E ano kung maging puno ako, halaman o one celled amoeba? Pero kung totoo ngang me reincarnation… please tadhana, pagtagpuin mo naman kami sa siglong me pag-asa.

Tanggap ko naman kasing kahit ano pong gawin ko, hindi posible ‘yung gusto kong mangyari sa tanang buhay na ‘to. Kaya sana kung totoong bubuhayin mo ko ulit, pa-request naman, ‘yung tipong magtatagpo kami. Hmmm.. pero sana wag naman katulad ngayon. Nagtagpo nga kami, pinarealize lang naman niya sakin na may mga bagay na sadyang imposible.

Lakas mo magtrip minsan e. Di ko alam kung bakit kelangan mo pa siya ipakilala, di ko alam kung bakit kelangang makita ko pa siya, makapalagayang-loob, makasama tapos ano? Pagtapos, wala. Parang ‘yung iba ding nauna. ‘yung mga nauna mong pinakilala na hanggang ngayon, hindi ko alam kung bakit pinadaan mo pa. Naging masaya naman ako kasama sila minsan kaso… ang sakit pag binabawi mo na e.

Sabi nila, kaya daw me mga maling taong dumarating sa buhay mo para malaman mo kung anong pagkakaiba nila dun sa tama pag-abot mo sa dulo. Puta. Ilang mali ba kelangan para matuto? Di naman ako bobo. Kaya ko naman sigurong alamin ‘yung pagkakaiba nila sa isang pagkakamali ko. Ba’t kelangang madami? Paulit-ulit? Bakit kelangang sayo?

Okey lang naman talaga e. Kaso, iba siya. Siya ‘yung tipong hindi ko alam kung pano kakalimutan kasi andae niyang tinuro, andae niyang binago sakin. Kahit hindi niya inutos, hindi niya sinabi. Nagugulat na lang ako, ginagawa ko na pala ‘yung gusto niya. Sinusunod ko na ’yung sinasabi niya.

Pero putsa! Wala talagang pag-asa. Kahit konti, wala akong makita. Kaya please naman, tadhana. Kaya kong mag-intay kahit next life. Kahit next next life pa. Basta, kahit isang life man lang sa series of patay-buhay-patay mode ko, bulungan mo naman siyang mahalin ako. Kahit saglit lang. kahit pagkasabi niya nun, next life na. At least, sasalubungin ko ‘yung susunod na buhay na masaya.

Kung totoong me reincarnation, please naman o.

Huwebes, Agosto 9, 2012

Chillax

Sabi ko sa status ko, maliligo lang ako at haharapin ko ng 'yung paperworks ko. Pero eto ko, nakatanga sa Blogger, habang nakapasak na naman sa tenga ko 'yung headset ko. LSS sa Story ng Maroon 5. Mga two days na din.

Daeng nangyari netong mga huling araw. Dae kong gustong ikwento. Kaso putsa 'yung tambak na trabaho ko. Plantsado dapat 'to e. Hindi ako dapat nai-stress ngayon kasi naka-schedule lahat ng gagawin ng tropa. E kaso, nag-feeling bagyo si Habagat, ayun, wasak. Hindi ako natutuwa sa tagal na walang pasok. Wala kasi kong nagagawa. Alam mo 'yung perception ko ng bahay? Super simple. Pahingahan. Stress-free. Eto dapat. Kaya pag nasa bahay ako, 'yung mindset ko, naka-stuck sa kalokohang dapat wala akong ginagawa. Kaya 'yung utak ko, ayaw mag-function ng matino. Well, pwera na lang kung alas dose na ng hating gabi hanggang alas kwatro ng umaga. Kaya eto, inaantay kong umayos siya.

So sabi ko nga, nag-feeling bagyo si Habagat. Nagkaron tuloy ako ng 3-day straight adventure at napadpad kung saan saan. Luckily, madami akong dalang budget. Buti na nga lang. Dapat naman kasi talaga, hindi ako uuwi ng Monday night kasi me interview kami at 9pm sa Citystate Tower Hotel. O di ba? Kamusta naman ako kung uuwi pa ko tapos 7am pasok kinabukasan? Patayan lang ng katawan? Kaya, may dala kong damit. Pumunta kaming hotel ng naka-semi formal pero dahil baha sa Padre Faura, wa poise kami pagpasok sa hotel. Pero katulad ng normal, keri lang. Natapos 'yung interview past 12 at dahil tropa nila Ama at Ina 'yung contact namin, dun niya na kami pinatulog. At ang dami niyang pinakain samin. Kaya habang binabagyo ang buong Pilipinas ni Habagat, poise na poise ang ganda ko sa loob ng hotel at busog sarap ang tropa. Hindi lang 'yon, nangangatog din kami sa lakas ng aircon. Pero dahil nasa hotel kami, keri.

We woke up around 6am tapos ayun na, breakfast and all. Paglabas namin ng hotel at pag-alis namin with all the lungkot na iiwan na namin ang comfort don, sinalubong kami ng baha, ulan at sama ng panahon. Eto na. Back to reality. Basa na naman kami. Hindi ko alam kung pano uuwi. Naiiyak na ko talaga. Tinawagan ko si Ina at sinabi niya saking di ako makakauwi. Wow. Salamat. Natulungan ako nung i-comfort abg sarili ko. Kahit alam ko naman talagang hindi ako makakauwi. Fortunately, I'm blessed to have good friends :) Sinaman ko nila Tita Shei at Kent sa ADB at nagpanggap na "pinsan" ni IC, si Kuya Lone. haha :D Kasama si Kent, tambay mode kami sa lobby until makita kami ni Mr. Dan at palipatin. Haha :D Kami ang kanyang favorite PG (samin na lang ni Kent kung anong meaning nun). Okey din sa ADB. Para rin kaming nasa hotel kaso nakakahiya naman humilata ng bongga don habang busy-busihan silang lahat sa trabaho kaya sapat lang. Di din ako gaanong nakatulog kasi nag-aalala naman ako sa mga tao sa bahay.

Pero hindi talaga 'yun e. Masyadong madami 'yung realizations ko about life and death this past few days. Inumpisahan 'to ng biglaang pagkalunod ni Efren ('yung baklush na sidecar driver samin na laging kumakausap sakin), ilang araw lang kasi bago nangyari 'yun, sumakay pa ko sa sidecar niya at kwinentuhan niya pa ko. Sumunod naman 'yung bestfriend ni Epper, si Troy. Ang ganda ganda pa man din ng plano namin na makiki-seat in siya sa klase namin ng Monday at gagala kami with him bago 'yung interview. Iniisip na nga namin kung anong ililibre niya samin at kung anu-ano pa. Basta. Ang ganda ng plano. Tapos ayun na. Bigla na lang humagulgol si Epper then deads na si Troy. Naaksidente.

Sinundan ng muntik kong paglangoy sa napakalinis na ilog ng Marialo-Meycauayan-Obando dahil sa abnong bangkero. Akala ko susunod na ko. Anak ng shit. Ayoko pa.

Na-realize kong madami pa kong gustong gawin. At kelangan gawin ko na siya isa-isa habang andito ko. Life's damn short. At ayokong ma-deads ng ganun ganun lang. Madami pa kong pangarap. So I promised myself to live life to its fullest. No worries, no inhibitions. Tira lang ng tira. For as long as I'm happy at wala akong nasasaktang iba. Kaya iisa-isahin ko na din gumawa ng memories with people I wanna have some unique memories with. Para kung sakaling feeling ni Lord, mabait ako masyado at kelangan ko na mag-RIP, at least, nakasama ko sila. Masaya lang. Keri lang. Soundtrip lang. Chillax.

Pero feeling ko, para magawa ko 'to, kelangan ko muna harapin 'tong paperworks ko. Leche. Paligo nga muna. Ba-bye, dre. Babalikan kita :)

Martes, Agosto 7, 2012

Kung Hindi Sana

'yung lalo kayong lumalapit pero lalo mong nararamdamang wala talagang pag-asa. 'yung habang pinapakita niyang mahalaga ka, lalo mong nakikita 'yung kaibahan ng "mahal" at "mahalaga", habang lalo kang nag-iintay lalo lang lumalakas 'yung sigaw ng katinuan mo na tumigil ka na sa kaaasa.

Hindi mo din naman ginusto, hindi mo plinano. Kaso dumating e. Kung pwede lang tanggihan di ba? Kung pwede lang sabihin na, "dre, wag sa kanya." Kaso, andyan na. Kahit anong pigil mo, lalo lang lumalala. 

Hanggang masabi mo na, hanggang nalaman niya na sa iba. Hanggang umabot sa puntong wala ka na lang magawa. Tapos iiwas siya, masasaktan ka. Maiisip mo na lang na sana... hindi ka nadala. Na kung hindi nangyari 'yon kahit hindi mo naman talaga sinadya, di sana di siya nawala. Na kung di nangyari lahat 'yon, kasama mo pa dapat siya. Masaya.

Lalo kayong lumalapit pero alam mong walang pag-asa. Kahit mahalaga ka, hindi niya na pinapakita. Kahit naghihintay ka, pagod ka na din sa kaka-asa. Hanggang mauwi lahat sa wala. Malungkot na pagtatapos kahit di mo alam kung kelan nag-umpisa.

Miyerkules, Agosto 1, 2012

Adventure?

A D V E N T U R E ! ! !


Eto 'yung tawag sa nangyari kahapon at ngayon. Kasama ko ang Carabaos. At bilang anlakas maka-committed Journalism students ng peg namin, kahit dagat-dagatan na ang Obando, tumuloy pa din kami. Wala e. Me scheduled interview kami at 9:30am with one of the town's councilor para sa mapagmaganda naming case study na inaasahan ng prof namin na maipapasa namin after two weeks niyang ibigay. Wala e. Kung waterproof ang tingin sa mga College students ng CHED, ang tingin niya samin, IMORTAL! So, pag pinagsama mo sila, daig pa namin ang robot. Ganun na nga.


Umuwi kami at exactly 4:30pm nung Tuesday. Super madali pa kasi alam nga naming baha. To our utter dismay, baha nga. At spell, B A H A. Amphibian mode ang mga jeep. Actually, konti lang sila. Kayaaaa! Dalawang oras lang naman kami pumila, tumayo, tumanga. Buong tropa, gutom na. Lutang na. Di na nga nagtatama 'yung apir namin ni Gab e pero syempre, kahit ganon, kami pa din ang pinakamaingay sa pila. Walang magawa e. Edi bangka. Narating namin ang bahay ko ng 10pm at ayon, lamon. Tas maya maya, tulog na. Wala. Pagod talaga.


Kinabukasan, sooooooobrang malalim pa din 'yung tubig. Naglusong kami sa baha na halos magdevirginize na naman sakin at nag-interview kami ng naka-puke shorts dahil baha. E kahit naman si Konsehala, nakashorts lang e kaya keri :)


At dahil kahit 'yung mga amphibian na jeep hindi na magawang lumusong sa pinagpalang lupa ng Obando, yown! Sumakay kami ng bangka. Leche. Napaka-unstable. Tapos ang daming di mapansing nananakot pa. Hindi na nga nakakatulong, nakakabwisit pa. Haaaay.. Mga anak ng shit! Kaya katulad ng inaasahan, binagyo ng mura lahat ng nadaanan ng bangka naming peg magtaub-tauban. Grabeng paranoia inabot ko dun. Nagawa ko ngang magdasal e. Matapos ang di ko na nabilang na oras dahil sa kaba, nakasakay kami sa Libreng Sakay pa-Malanday at tuluyang nakalabas sa aking beloved hometown.


Kundi pa adventure ang tawag mo dun, siguro misfortune. Ah ewan. Hanggang ngayon, lutang pa ko. Adventurous akong tao. Trip ko nga mag-trekking at lumambitin (wag lang rappelling dahil nahihilo ko pag pabaliktad) kung saan saang lubid kaso nampucha naman! Wag naman pag dala ko 'yung netbook ko na wala pang 1/4 'yung laman ng memory at 'yung camera kong ni hindi ko pa napapalitan ng lente. Sauce! Baka unahin ko pang i-save 'yon kesa buhay ko e.


Well, siguro, dapat na kaming masanay sa mga ganitong drama kasi committed future journalists nga kami pero naman, ayoko mamatay ng pangit dahil sa maduming tubig. Pakiusap.


BTW. pictures are available on my FB account pero dahil ayoko ma-deads ang pinakamamahal kong camera, wala kaming gaanong pictures sa baha at bangka. Wala nga ata at all? Hindi din naman kasi ako me hawak ke Chera :P


So there. Iiwanan muna kita. Madami pa kong dapat isulat na mas mahalaga. :)) Be back soon.

Lunes, Hulyo 30, 2012

Optimist Prime

Hindi mo sinabi. Pero pinilit kong maniwala. Pinilit kong umasa. Baka kasi kakapilit ko, magpapilit ka. Baka sakaling makuha nung pag-asa ko lahat, magising na lang ako isang araw... bumalik ka na. Tayo na ulit. Ako na ulit.


Pero masaya ka na e. Hindi na nga ata ako nag-e-exist sa mundong ginagalawan mo. Minsan, napipilitan kang kahit papano silipin kung kamusta ko... pero syempre, dahil pa rin 'yun sa pagpipilit ko.


Sabi nila, malabo. Wala na daw pag-asa. Hindi ka na babalik, masaya ka na. Hindi ko alam. Pero pagdating sa'yo, antaas ng optimism ko. Tipong kaya ngang tumulak ng bundok, tipong kayang humati ng dagat. Kahit ipagsigawan pa ng tropa ko kung gaano kaimposible 'yung gusto kong mangyari, pinipilit ko. Pinapakita ko sa kanilang kaya ko ngang maghintay, na hindi ako nasasaktan.


Pero sa totoo lang, ang sakit na. Ang hirap na. Ilang taon pa 'yung sasayangin ko para sa'yo kahit alam ko namang kahit dumating pa 'yung taong 'yon, hindi pa din magiging tayo. Hindi ka na babalik. Sabi nila, hindi na. Wag na daw akong umasa. Pero ngingitian ko lang sila, kasi malakas ang pananalig kong babalik ka. Babalik ka. Di ba?


Kahit ilang beses mo ng pinagsisigawan sakin na hindi mo na ko mahal. Kahit ilang ulit ko ng narinig sa'yo na wala na nga. Alam ko, bibilang lang ako ng ilan pang taon, babalik ka. Tayo na ulit. Ako na ulit.


Hindi mo sinabi pero pinaniwalaan kong nanggaling sa'yo. Malabo pero inaasahan ko. Kahit pa sabihing isang linya lang ang pagitan ng pag-asa at pagpapakatanga. Kahit pa ma-stuck ako sa gitna o lumagpas pa ko sa tanga... Babalik ka. Tapos tayo na ulit. Ako na ulit. Sana nga, ganto na lang ulit...



Linggo, Hulyo 29, 2012

Happier



I felt your tears down my feet. I danced alone in a lonely beat. You were with me but days passed by, you're happier now without me in your life. 

Martes, Hulyo 24, 2012

A Spark in the Sky

Summer romances begin for all kinds of reasons, but when all is said and done, they have one thing in common. They're shooting stars, a spectacular moment of light in the heavens, fleeting glimpse of eternity, and in a flash they're gone. 


- Noah, The Notebook: Nicholas Spark


Was never a fan of novels. Actually think they're such a waste of time. But this one just speaks of love I could hardly imagine. The movie makes me cry... every time. And the words are just too sweet it never failed to leave me bitter thoughts.


Who would not want a Noah in her life? Who would not want to be written 365 letters a year? Who would not wish to be the reason why someone built a house from his own blood and sweat, a house of her dreams? Who, in her entire life, never dreamt to find that someone to whom she can share her thoughts with, conquer her fears and laugh at all cost with? Who didn't pray for someone who could be anybody just to see her happy? Or not want to die lying in the arms of the man she loves and the man who has loved her in his lifetime? Who never wished to fall in love?


This movie, though some parts may be hard to believe, was able to tug heartstrings and was able to make me hope that true love still exists. I strongly believe it still does. On some people. To those who was lucky enough to find that someone who knew them by soul, who have taken care of them inside his/her heart for so long before they came to life. It's rare. Love is rare. 


Some are fortunate enough to have met their someone and were strong enough to have fought for them just to stay together. Others were so engrossed searching, so busy with stuffs that they let love pass by and be gone forever. 


Still true love still exists. Maybe not on the same circle I am in, but in a certain part of the Earth's surface where lovers believe there is.



And no matter how swift a love story may be, it will always leave a certain portion in the heavens in awe for that spectacular magic of light it once shone though it may be forever gone.



(If my Heart was a House by Owl City)



Linggo, Hulyo 22, 2012

Magkikita ulit tayo, Sir!

Magulo 'yung paligid. Sa harap ko, may mga nagkokonyo-konyohan; dun sa iba, bagay. Dun sa isa, ang sagwa. Bukod kasi sa hindi siya biniyayaan ng kaaya-ayang mukha, may humor siyang siya lang 'yung nakakaintindi at nakaka-appreciate. Sa gilid ko, may mga GC na nagrereview. Sa likod ko, may matitinis na boses na nakakairita. Sa bandang likod, may babaeng nagmamagandang feeling ata, interesado 'yung buong kwarto na marinig 'yung kwento niya. So, need I say more? Siguro tama na lahat 'to para i-describe kung gaano kaingay 'yung paligid ko. Chaotic. Nakakainis.

Nakatanga ko sa notes ko sa Statistics. May surprised exam kasi. Kanina ko pa pinagdadasal na sana marealize ng PUP na bumabagyo na at wala kaming dalang floaters at salbabida sakali mang bumaha sa Pureza at Teresa kaso wala. Hindi nakikisama 'yung langit ngayon, hindi ganun kalakas 'yung ulan, makulimlim lang. At perpekto 'yung ganitong mga pagkakataon para mag-isip. 

Naiirita na talaga ko sa ingay. Walang sense. Kahapon lang nasa harap ako ng isang malupit na journalist. Nakakapanliit. Thinking na ganun siya kagaling, ganun na kadami 'yung naisulat niya, naranasan, napuntahan at napatunayan, he stayed sooooooo humble. Napakabait. Napakasimple.

Sabi niya, "Be the best journalist."

Anlakas ng impact sakin non. Pero hindi ko alam kung san ko 'yun sisimulan. Well, feeling ko naman, nasisimulan ko na. Sana. 

Andae kong iniisip ngayon. Andae kong gustong gawin, basahin, isulat. Hindi ko alam kung kakayanin nitong lugar kung nasan ako ibigay lahat ng gusto kong malaman, lahat ng gusto kong alamin. Hindi ko alam kung nadadala lang ako ng inis ko sa ingay at ng inis ko sa Stat. Ewan. Pero balang araw, magkikita tayo ulit.

Magulo 'yung paligid ko, pero mas magulo 'yung utak ko. Mas magulo 'yung nararamdaman ko. Ginising niya 'yung mga frustrations na meron ako. Hindi ko alam. Sa ngayon, pagtitiyagaan ko muna 'yung senseless na ingay sa paligid ko. Pero balang araw, magkikita ulit tayo.

SIR JIM GOMEZ, Reporter, Manila Bureau, The Associated Press



Lunes, Hulyo 16, 2012

Soundtrip

Soundtrip sabay tunganga. Normal ko 'tong ginagawa. Kahit sabihin pang tambak 'yung schoolworks ko, kahit wala pa kong nasisimulan sa dami ng paperworks ko... mahahanapan ko ng panahon 'to. Kahit wala pa nga akong tulog e.

Pero iba kagabi... kasabay ng malamig na haplos ng hangin sa mukha ko galing sa bintanang nasa likod ng kama ko... kasabay ng tahimik na gabi. Madilim. Payapa. Malungkot. Kinain mo ulit 'yung kabuuan ko.

Kasalanan ng naka-shuffle na MP3 Player. Kasalanan ng 435 na kanta sa memory card ko.

Sinimulan ng malungkot na tono ng My Immortal. Nung una, okey pa naman. Walang emosyon. Nakatunganga. Nakatanga. Hanggang sa pakiramdam ko, nanunuot na 'yung lamig sa buto ko. 'yung lamig na hangin kasabay nung lamig ng boses ng bokalista at 'yung lamig ng tono.

Sumunod na 'yung mga kantang iniiwasan ko... I... Director's Cut... Over You... Thunder... lahat ng kantang me koneksyon sa'yo. Lalong nauot 'yung lamig. Hanggang umabot sa mata ko. Akala ko napamanhid na ko ng tagal ng panahong wala ka. Akala ko, okey na. Akala ko lang pala.

Buti na lang maya-maya din, kakainin na ko ng antok... at lahat ng bumalik sa sistema ko sa pagtanga sa kisame at pakikinig sa mga kantang binaon ko na sa limot. Malamig 'yung gabi. Masarap managinip.

(Director's Cut ng Kamikazee)

Sa Mata ng Economics


Sa totoo lang, madami pa kong dapat isipin. Madami pa kong mas dapat unahin. Kaso sabi sa economics, mas inuuna daw dapat ung mga bagay na may mas mataas na utility. ‘yung mga bagay na mas makakapagbigay sa’yo ng happiness at satisfaction. At bali-baliktarin ko man ang mundo, alam kong ikaw pa din ang nasa front line kung utility ko ang pag-uusapan.

Kaya eto ko. Kahit acknowledgement pa lang ng thesis ko ‘yung natatapos ko. Kahit nagagalit na si nanay sa dami ng back subjects ko at inuulan na ng tres at singko ‘yung mga class cards ko. Eto ko. Iniintay ka umuwi, gabi na e. Baka mapagtripan ka nung mga gago sa daan. Eto ko kasi kahit itanong mo pa sa economics, tamang ikaw ang unahin ko.

Hindi ko din alam. Sabi mo, patunayan ko munang sarili ko. Sabi mo, hindi tamang ikaw ‘yung pinagbubuhusan ko ng oras ko. E niloloko lang pala ko ng economics e. Ginagago ko nung makapal na libro. Ba’t ako naniniwala? Hindi ko alam.

Siguro… gusto ko lang bigyang eksplinasyon ‘yung kabaliwan ko. Siguro… gusto ko lang bigyang paliwanag ‘yung kahibangan ko. Paliwanag na hindi kayang banggain ng mundo. Paliwanag na pwedeng paniwalaan ng lahat ng makasalubong ko. Tulad na economics. Tulad ng utility.

Pero kahit naman walang ganitong eksplinasyon, kahit walang siyentipiko o ekonomistang depinisyon, wala naman akong pake kahit di nila maintindihan, kahit hindi sila maniwala. Walang kaso kahit hindi nila intindihin. Ang mahalaga lang naman sa pag-ibig… ‘yung dalawang taong nagmamahalan. ‘yung iba, may iba silang mundo. Mundong sila lang din ‘yung gustong umintindi, sila lang din ‘yung magkakaintindihan.
Kaya eto ako. Gumagawa ng mundo para sa’yo kung san ‘yung utility, katulad sa economics, ‘yung dapat inuuna. Kung san kung saan ka mas magiging mas masaya, dun iikot. Kasi kahit gawin ko pang kwadrado ‘yung mundong ginagawa ko, lahat ng kanto non, nakapangalan sa’yo.

Kaya kahit madami pa kong dapat i-analyze na survey, madami pang chapters’yung thesis kong nasa bingit pa din ng alanganin at kahit naiinip na ‘yung diploma ko sa tagal ng overdue niya, eto ko. Kahit madami pa kong dapat isipin, madami pa kong dapat unahin, eto ko. Kasi sabi sa economics, mas dapat daw bigyang priority ‘yung mga bagay na may mas mataas na utility. ‘yung mga bagay na makakapagbigay sa’yo ng happiness at satisfaction. Kaya eto ko…