Hindi mo din naman ginusto, hindi mo plinano. Kaso dumating e. Kung pwede lang tanggihan di ba? Kung pwede lang sabihin na, "dre, wag sa kanya." Kaso, andyan na. Kahit anong pigil mo, lalo lang lumalala.
Hanggang masabi mo na, hanggang nalaman niya na sa iba. Hanggang umabot sa puntong wala ka na lang magawa. Tapos iiwas siya, masasaktan ka. Maiisip mo na lang na sana... hindi ka nadala. Na kung hindi nangyari 'yon kahit hindi mo naman talaga sinadya, di sana di siya nawala. Na kung di nangyari lahat 'yon, kasama mo pa dapat siya. Masaya.
Lalo kayong lumalapit pero alam mong walang pag-asa. Kahit mahalaga ka, hindi niya na pinapakita. Kahit naghihintay ka, pagod ka na din sa kaka-asa. Hanggang mauwi lahat sa wala. Malungkot na pagtatapos kahit di mo alam kung kelan nag-umpisa.
I know the feeling. </3
TumugonBurahinthis past few days, nasasapol ko ang mga pinagdaanan at pinagdadaanan ng puso mo, luwiswis. haha :D sorry.
TumugonBurahin