Pero iba kagabi... kasabay ng malamig na haplos ng hangin sa mukha ko galing sa bintanang nasa likod ng kama ko... kasabay ng tahimik na gabi. Madilim. Payapa. Malungkot. Kinain mo ulit 'yung kabuuan ko.
Kasalanan ng naka-shuffle na MP3 Player. Kasalanan ng 435 na kanta sa memory card ko.
Sinimulan ng malungkot na tono ng My Immortal. Nung una, okey pa naman. Walang emosyon. Nakatunganga. Nakatanga. Hanggang sa pakiramdam ko, nanunuot na 'yung lamig sa buto ko. 'yung lamig na hangin kasabay nung lamig ng boses ng bokalista at 'yung lamig ng tono.
Sumunod na 'yung mga kantang iniiwasan ko... I... Director's Cut... Over You... Thunder... lahat ng kantang me koneksyon sa'yo. Lalong nauot 'yung lamig. Hanggang umabot sa mata ko. Akala ko napamanhid na ko ng tagal ng panahong wala ka. Akala ko, okey na. Akala ko lang pala.
Buti na lang maya-maya din, kakainin na ko ng antok... at lahat ng bumalik sa sistema ko sa pagtanga sa kisame at pakikinig sa mga kantang binaon ko na sa limot. Malamig 'yung gabi. Masarap managinip.
(Director's Cut ng Kamikazee)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento