Hindi ako naniniwala sa reincarnation. E ano kung maging
palaka ako sa susunod na buhay? E ano kung maging puno ako, halaman o one
celled amoeba? Pero kung totoo ngang me reincarnation… please tadhana,
pagtagpuin mo naman kami sa siglong me pag-asa.
Tanggap ko naman kasing kahit ano pong gawin ko, hindi posible
‘yung gusto kong mangyari sa tanang buhay na ‘to. Kaya sana kung totoong bubuhayin
mo ko ulit, pa-request naman, ‘yung tipong magtatagpo kami. Hmmm.. pero sana
wag naman katulad ngayon. Nagtagpo nga kami, pinarealize lang naman niya sakin
na may mga bagay na sadyang imposible.
Lakas mo magtrip minsan e. Di ko alam kung bakit kelangan mo
pa siya ipakilala, di ko alam kung bakit kelangang makita ko pa siya,
makapalagayang-loob, makasama tapos ano? Pagtapos, wala. Parang ‘yung iba ding
nauna. ‘yung mga nauna mong pinakilala na hanggang ngayon, hindi ko alam kung
bakit pinadaan mo pa. Naging masaya naman ako kasama sila minsan kaso… ang
sakit pag binabawi mo na e.
Sabi nila, kaya daw me mga maling taong dumarating sa buhay
mo para malaman mo kung anong pagkakaiba nila dun sa tama pag-abot mo sa dulo. Puta.
Ilang mali ba kelangan para matuto? Di naman ako bobo. Kaya ko naman sigurong
alamin ‘yung pagkakaiba nila sa isang pagkakamali ko. Ba’t kelangang madami? Paulit-ulit?
Bakit kelangang sayo?
Okey lang naman talaga e. Kaso, iba siya. Siya ‘yung tipong
hindi ko alam kung pano kakalimutan kasi andae niyang tinuro, andae niyang
binago sakin. Kahit hindi niya inutos, hindi niya sinabi. Nagugulat na lang ako,
ginagawa ko na pala ‘yung gusto niya. Sinusunod ko na ’yung sinasabi niya.
Pero putsa! Wala talagang pag-asa. Kahit konti, wala akong makita.
Kaya please naman, tadhana. Kaya kong mag-intay kahit next life. Kahit next
next life pa. Basta, kahit isang life man lang sa series of patay-buhay-patay
mode ko, bulungan mo naman siyang mahalin ako. Kahit saglit lang. kahit pagkasabi
niya nun, next life na. At least, sasalubungin ko ‘yung susunod na buhay na
masaya.
Kung totoong me reincarnation, please naman o.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento