“Napapagod na ko.”
- - 11:25pm, 12/03/12
Napapagod
ka na? Hindi ko alam. Napapagod ka ng marinig na hindi ko alam. Napapagod ka
na. pero hindi ko pa din alam. Kaya magsusulat na lang ako, tutal dun lang
naman ako magaling, sabi mo.
Napapagod
ka na ba? Paulit- ulit na lang ‘yung topak ko. Paulit-ulit na lang ‘yung
pagsusungit ko. Tsk. Kahit sino naman siguro mapapagod sa ugali ko. Hindi ko
alam. Hindi ko maintindihan sarili ko. Natatakot ako. Iba na kasi ngayon. Hindi
na tulad ng dati. Hinahanap ko lang siguro ‘yun. Dati kasi, ramdam kong takot
kang mawala ako. Ngayon… hindi ko na alam.
Napapagod
ka na? Sabi mo, konti na lang. Ayaw mong magsawa pero konti na lang. Inuubos ko
na ba ‘yung konting yon? Siguro nga. Pagod ka na. Malapit na siguro. Konti pa.
Napapagod
na din ako. Napapagod na kong marinig na pagod ka na. Na sa konting sungit ko
lang, konting topak lang, napagod ka. Sa dami ng nangyari non, hindi naman ako
napagod e. Pinilit ko kumapit. Pero nakakapagod din pala. Nakakapagod marinig
na pagod ka na.
Kung
tutuusin pwede naman magpahinga. Kasi kahit anong pilit, wala na din namang
magagawa kung pagod ka na, kung ubos na ‘yung konting natitira. Sa huli,
katulad ng palagi, dun pa din naman tayo, dun sa kung san ka magiging masaya.
(Halik:Kamikazee)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento