Eto ‘yung pinakaayokong panahon. Tipong tamang tama lang
lahat para malungkot. ‘yung ulan, sapat lang. Hindi masyadong malakas, hindi
din mahina. Diretso sa pagbagsak. Tamang tama lang para palungkutin ‘yung lupa.
May mahinang tugtog. Mga kantang walang ibang gustong ipaalala
kundi malungkot ako. Habang nakatanaw sa basang bintana. Habang may humahaplos
na malamig na hangin sa mukha.
Dati rati, makikita kita sa labas na nakapayong. Nakangiti.
Naghihintay. Ngayon, wala. Ulan lang. ‘yung mahinang tugtog. ‘yung lungkot…
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento