Miyerkules, Hunyo 20, 2012

Kaibigan

Hindi ko alam kung pano sisimulan 'to. Hindi ko alam kung anong tamang intro.


Basta bigla na lang nangyari e. Biglang nung lumapit siya, natahimik na lang ako. Nung nagsalita siya, di na ko nakasagot. Tapos ngumiti siya, tapos 'yung sinasabi nilang may paru-parong nagrewrestling sa tiyan, parang nangyari sakin. Hindi. Mali. Mas maganda pa dun. Tapos tinawanan niya ko. Inasar. Iniwanan niya ko. Sabi babalik siya mamaya.






Hindi ko talaga alam kung anong nangyari. Biglang ang ganda niya lang sa paningin ko. Biglang parang sana pwede pa naming palalimin 'to. Pero, dyahe. Barkada kami e. Baka magalit, baka magkailangan. Sayang naman. Pero pano kung may nag-aantay na mas maganda dun? Mas lalong sayang.


Kaya hinintay kong mapansin din niya. Baka sakaling di lang pala ako 'yung nakakaramdam ng fireworks 'pag papalapit kami sa isa't isa. Baka 'yung mga titig niya din, may halo ng malisya. Baka sakali lang naman.


Sinusundo ko na siya sa bahay nila sa umaga para sabay kami pumasok. May padala dala pa ng bag niya, pasimpleng kurot. Tapos tawa lang siya ng tawa sa mga korni kong jokes. Hayup! Ng dahil ata sa tawang 'yon kaya ako nagkaganito e. Basta bigla na lang nangyari.


Biglang trip ko siya silipin sa klasrum niya, kasabay sa lunch at merienda. 'yung pakiramdam na ayaw ko ng humiwalay sa kanya. Kaso tuwing magkasama naman kami, puro 'yung crush niya 'yung laman ng kwento. Kesyo gwapo 'yon, matangkad, matalino. E ako ba? Mas gwaping pa ko dun e. Hindi kaya sila bagay. Ang tangkad nun masyado para sa kanya. Tapos, matalino daw? Sus! Mas mataas pa makukuha kong grades dun kung nag-aaral ako. Ang lampa pa nun. Ni hindi sanay humawak ng bola. Pero tangna, mahal niya na ata?




Minsan, nakakapagod din makinig sa mga kwento niya. Masakit e. Andito lang naman kasi ako. Ang layu-layo nung pinagpapanstasyahan niya. Ni hindi nga siya napapansin non. Ni hindi ata siya kilala. Habang akoo, eto, alam 'yung buong buhay niya. Simula nung iniri siya ni tita. Ay mali. Simula pala nung pinalihi siya. Hanggang nung nakikipagsapakan siya nung grade school, hanggang maging dalagita siya, hanggang ngayon na hindi ko na maintindihan kung bakit ganito 'yung nararamdaman ko.




Haaaaay.. Ewan. Ilang kanta na nga 'yung nagawa ko para sa kanya. Nakakahalata na nga 'yung buong banda. Pero siya, kahit gabi gabi ata siyang nanonood ng gigs namin, hindi niya makita. Hindi niya makita na sa dami ng magagandang mukhang nasa harap ko 'pag nagsimula na kong kumanta sa mikropono, 'yung mata ko babad sa kanya. Na kahit nasa pinakasulok pa siya ng bar at ang pandak niya, nahahanap ko pa din siya. Na habang kinakanta ko 'yung sinulat kong kanta, kinakanta ko 'yun para sa kanya.


Nakakainis e. Bakit kasi biglang nagbago? Andae namang iba, siya pa. Hindi ko alam.


Gusto ko na ngang sabihin sa kanya lahat para magkaalaman. Kaso...


Sila na. Nabalitaan ko lang.


Wasak. 


Kelangan ko pa bang i-describe kung anong nararamdaman ko?






Hindi ko na alam kung pano tatapusin 'to. Katulad ng di ko alam kung anong tamang intro. Basta bigla na lang dumating e. At mukhang agad din nawala. Kaibigan kasi ko. Kaibigan lang.






(Maniwala Ka Sana ng Parokya)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento