Huwebes, Hunyo 7, 2012

Movin' on... the masokista way!


Pa’no ba magmove on? Madaming nagtatanong sa’kin nito e. Well, maraming “how to move on” sa google. Pero wala pa kong nasusubukan sa kanila kaya wala akong maisuggest/maibida. Kaya eto, tutal feelingera kong tunay, tuturuan kita magmove on… the masokista way!

Pero bago ang mga ways to move on na ikinaeexcite mo, ipapaalala ko lang, hindi ako love expert. Pangalawa, baliw ako. Kaya nasa sa’yo na ‘yan kung itutuloy mo pang pagbabasa nito o pupunta ka na lang sa google at susundin mo ‘yung mga “how to” don o  manghihingi ka na lang ng love advice ke Papa Jack sa radyo.

So, eto na. Uminom ka muna ng tubig. Hinga.

Una, try mo magsulat ng kanta. Try mo bumuo ng album na may malulupit na linya, habang inaalala mo lahat ng napakong pangako niya, lahat ng masasakit na alaala. Tapos, lapatan mo ng malungkot na tono, tipong “Someone Like You” ni Adele. Ayos ‘to. Nailalabas mo na ‘yung sama ng loob mo, natotorture ka pa sa ginagawa mo. Pag natapos ka na, i-youtube mo. O kung big time ka, i-release mo. Hayaan mong marinig ng madlang brokenhearted. Tapos hayaan mong madaming magcomment na nagsasabing sobrang tanga ng ex mo dahil iniwan ka niya. O di ba? Sikat ka na, napamukha mo pa siyang salot sa tanang kababaihan. Malay mo, dahil dito, magka-Grammy ka din? Pito pa. Isn’t revenge sweet?

Pangalawa, kung hindi umepekto sa’yo ‘yung una, meron pa. Magbasa ka ng blog o kahit anong pwedeng basahin na magpapamukha sa’yo na miserable ka. Sa bawat malungkot na kwento, ramdamin mong ikaw ang bida. Kahit hindi naman ikaw talaga. Ganun e. Broken. Ayos din ‘to. Napapractice na ‘yung reading skills mo, pinapatay ka pa ng bawat kwento.

Pangatlo, puntahan mo lahat ng lugar na pinuntahan niyo dati, i-print mo lahat ng pictures niyo sa cellphone, laptop, Ipad, dslr, o kung ano pa mang gadget meron ka. Tapos idikit mo sa pader ng kwarto mo. Punuin mo, tipong bawat lingon, andun ‘yung mukha niyo. Gawin mong wallpaper ‘yung pinakasweet na picture niyo. Basta, kelangan lagi mong makita ‘yung kayong dalawa na masaya. Pag araw araw mo ‘yung nakikita/iniiyakan/pinanghihinayangan, ewan ko na lang kung hindi ka magising isang araw na sanay ka na. Hindi na kasing hardkor ng dati ‘yung epekto nung mga litratong muntik mo ng sunugin.

Pakatapos, wag kang OA. Wag mong i-shut down ‘yung FB account mo. Wag mo ding basta itengga ‘yung Twitter mo. Cool lang. Parang walang nangyari. Parang hindi ka nasaktan. Yung mga status mo, suave lang. wag mo ng ipagsigawan sa online world na brokenhearted ka para may brokenhearted ding mag-like at magcomment sa stat mo. Kung broken ka, sarilinin mo na lang. Wag ka ng mandamay.

Panglima, kung lahat ng nauna walang talab sa’yo. Mang-aya ka na ng nomo sa kanto. Araw-arawin mo. Tipong drink ‘til you drop. Tingnan lang natin kung hindi mo makalimutan ‘yang emote mo ‘pag tuwing umaga parang binibiyak ng maso ‘yang ulo mo sa hangover at pag tipong lahat ata ng lamang loob mo, naisuka mo na.

Kung lahat ng ‘to, wala pa ding epekto, dre asa ka. Inarte mo na lang ‘yan. Feeling mo ba buhay ka pa pagkatapos netong lahat ng ‘to? Malabo, oy! Kaya para di ka na mahirapan kakapilit, at kung talagang feeling mo end of the world na dahil wala na siya sa’yo, i-suicide mo na ‘yan! OA mo e. Nabuhay ka nga ng ilang taon bago siya dumating tas ngayong nawala siya, di mo na kaya? Ulul! So eto pa ang ilang tips para makatulong sa pagmumove on mo kuno…

1. FOCUS. Paghiwalayin mo ‘yung kape, creamer at asukal ng 3-in-1. O kaya ihiwalay mo ‘yung tubig at langis ng hindi ‘yun hinahawakan.

2. ENJOY LIFE. Adventurous mode! Magzipline ka ng walang harness, magBungee jumping habang me nakangangang pating sa babagsakan mo, o kaya magrapel ka kasabay ng pagbagsak ng malalaking bato habang may landslide. In this case, mamatay ka man, hindi obvious na dahil sa pagiging brokenhearted mo. Namatay kang ineenjoy ang buhay. Yeah!

3. MEET NEW PEOPLE. Dre, walang sugatang puso ang hindi nagamot ng bagong kalandian. Kaya imbes na nagmumukmok ka dian, rampa! Malay mo makahanap ka agad agad ng bagong pag-ibig before three month rule ends.

4. BITTERELA MODE OFF. Magpalit ka na ng playlist mo. Tantanan mo na ‘yung pagpapapaulit ulit ng “Forevermore” na theme song niyo’t pinangarap mong maging wedding song sa kasal niyo. Tae. Tapos na ‘yung forever o! Tapos na kayo.

5. TIGILAN MO SI DESTINY. Hindi ka makakahanap ng bago kung tatanga ka lang diyan like Cinderella. Wag kang tamad. Hindi lahat isusubo sa’yo ng tadhana.

6. HULI. At siguro, eto lang 'yung matino sa lahat ng ‘to. Ate/Kuya, bago ka magsearch sa google ng kung anumang “how to move on” tips o tumawag ke Papa Jack para humingi ng payo, siguruhin mo munang gusto mo talagang magmove on. Kasi kung hindi, kahit ano pang galing ng kahit sino pang love expert, walang mangyayari.

So there. Magthank you kayo sakin dahil sa malulupit na advice ko. Sigurado, makakamove on din kayo using my moving on tips… the masokista way!


Kung ayaw pa din, pakinggan mo na lang 'tong kantang 'to. Just a Dream ni pareng Nelly :)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento