Martes, Hunyo 12, 2012

Farsighted

Madaming taong farsighted. Nagkalat sila. Mga taong nasa harap na nila, hinahanap pa. Mga taong sa sobrang kakatingin sa malayo, nasa kanila na, hindi pa makita.


Kadalasan sa mga taong 'to 'yung mga hunghang na malakas ang loob mag-set ng standards sa mga bagay- bagay o kahit sa tao. 'yung kelangan gwapo/maganda. matalino, mga 5'9 ang height, tipong may bahay na may malaking carpark para sa limang kotse, me pang-Close Up commercial na ngiti o kaya 'yung papasang hero sa pocketbooks. Tipong Papa Derek ang peg! Sa sobrang engrossed kakahanap/kakaintay/kakapilit na merong ganitong nilalang na nage-exist sa mundo, 'yung simpleng taong walang kayang ibigay kundi pagmamahal na totoo hindi makita.


Alam mo 'yun? 'yung taong naghihintay ng limang oras sa labas ng gate ng bahay nila makita lang kahit dulo ng buhok mo o mabati ka lang ng magandang umaga kahit siguradong sisimangutan mo lang siya; 'yung taonng handang wag matulog sa gabi para lang maghintay ng reply mo; 'yung taong sumasaklolo sa'yo lagi, nang-aasar sa'yo lagi, nagpapangiti sa'yo paminsan-minsan. Hindi mo siya pansin kasi hindi niya naabot 'yung standards mo. Kahit kulang na lang ipagpatayo na siya ng monumento sa pagiging perfect example niya bilang abangers. Wala.


Minsan niya pa ngang ipinakita sa'yo na nagsisikap siya, minsan pa siyang pumorma katulad ng paborito mong artista. Inaya kang kumain sa labas, nagdala ng bouquet ng rosas. Pero dahil simula't sapul, asungot lang ang tingin mo sa kanya, ayun deadma. Kahit kulang na lang ilista niya 'yung pangarap niya para sa inyong dalawa. Wala e.  Kahit papasa naman sa Close-Up commercial 'yung ngiti niya, wala siyang malaking carpark at limang kotse.


'yan ang hirap e. Set ka ng set ng standards mo. Kulang na lang ilagay mo na 'yung pangalan nung tao. Kulang na lang i-fill in the blanks mo na 'yung pangalan nung pinagnanasaan mo. E antanong mahal ka ba non? Meron namang malapit, merong naghihintay sa'yo, hindi mo makita kasi nakatanaw ka sa malayo. Sa sobrang layo, hindi mo pala abot.


Kung kaya lang sigurong i-tama ng salamin 'yang farsightedness mo, baka niregaluhan ka niya ng mga tatlo. Kaso hindi. Hindi kasing dali ng pag-aayos ng paningin 'yung matter between sa mata at sa puso.


Kadalasan kasi ng ginugusto mo, 'yung taong katanggap-tanggap/mapapansin ng lipunan, tipong swerte ka ang datingan. 'yung pag pinakilala mo sa friends mo, maiinggit sila kasi "yummy" 'yung boyfriend mo at may bonus pang stable na trabaho, kotse at condo. Eto 'yung gusto ng nakararami, kahit 'yung pinakachakang babae sa mundo, pangarap 'to. Sa sobrang bulag natin sa kung ano 'yung magiging maganda/kakaiba/angat tayo sa iba, pati pag-ibig, mukha at pera na lang nagdadala.


Teh, tao lang din 'yang naghihintay sa'yo. Baka mauna 'yang mapagod bago mo macorrect 'yang farsightedness mo. Ikaw din. Baka gumanti si Kupido, someday, ikaw na 'yung dakilang abangers at siya na 'yung inaabangan mo. :)



(Nagtahan by Silent Sanctuary)


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento