you know, I'm not that natatawa naman. and I could actually speak in pure Tagalog naman but I don't want to 'coz it's not kewl. you know, baduy.
but hey! this ain't new to you na naman eh. you see my kind everywhere, I mean, kahit saan! especially around Taft, Intramuros and all around U-belt. try to walk there some time and you'll make kita us walking there, too. with all the arte in our tongues.
I mean, I know alot who talk like this. It's in kaya. Everyone in school talks and texts this way. We're called konyo. you know, rich kid like with English as our language. though, we were raised naman here in the Philippines, and we're damn Filipino citizens with tan skin and flat nose, we somehow look Hollywood na naman because of whitening creams.
PAAAAAAAK! kapag ganito araw araw 'yung kausap mo, ang sarap lang magmura. Iimagine mo na lang ang Pilipinas kung puro ganitong graduates ang meron tayo. Tang ina. Dalawa lang 'yan e. Either bobo talaga sa Tagalog o bobo sa English kaya hindi maidiretso.
Merong Dalawang Uri nitong mga konyong 'to e.
UNA. 'yung pinanganak na mayaman na walang choice kundi maging bobo sa sarili nilang wika kasi sinanay sila nila Mama at Papa sa English language. kelangan e. sila 'yung susunod na CEO ng family owned company nila kaya it's just a must to speak the language business is using. They're not used to hearing Tagalog words kaya pa'no nila matututunan? hindi mo sila masisisi. pero 'yung parents nila, pwede.
PANGALAWA. 'yung mga piliterang/piliterong puchu-puchu mag-English kaya dinadaan sa pa-konyo konyo. etong mga 'to nakakairita ng todo. alam mo 'yung feeling na hirap na hirap na sila kakapilit magmukang sosyal pero wa epek? ay leche. ansarap konyatan netong mga feeling konyong 'to pag umiiral 'yung pagpipilit nila sa public places.
'yung tipong pwede namang sabihin na "Mainit." gagawin pag "It's ,like, hot. You know, mainit?" tae. tinagalog mo lang e. tapos kung makapronounce kala mo baluktot na baluktot 'yung dila, 'pag tiningnan mo naman parang magkakambal 'yung paa at mukha. badtriiiiiiiiiiiip!
hindi ko maintindihan kung bakit ang hilig ng Pinoy sa mga ganito. You know, so jeeeeej! Madali lang, pinapahirap pa. kayang sabihin ng isang salita, pinapahaba. Tapos, pwede namang tumawa na lang, me pa-super funny super funny pang pinagkakakana. leche. hindi kaya ng simple? kelangan talaga pinagmumukhang gago 'yung sarili?
hindi naman lahat e. me mga taong sadyang binabagayan ng mga ganitong arte pero 'pag sa halatang nagpipilit mo lang 'to narinig, anlakas makapagpanting ng tenga. Tapos poporma pa katulad ng celebrities e hindi naman bagay sa kanila. tapos, pag nag-English ng diretso, mali 'yung grammar? ay tae!
hindi mo din sila masisi. halos ganito kasi tayo shinape ng environment. parang kelangan ng pagbabago i-adapt mo at yakapin mong parang 'yun ka talaga. kaso kaka-adapt, nakakalimutan na natin kung ano/sino talaga tayo.
okey saking bigyang priority ang English. dun tayo magiging globally competitive e. pero siguro, dapat lang na bigyan ng equal importance 'yung wika natin talaga. 'yung wikang simbolo ng kasarinlan at kalayaan natin. kaya hindi tayo makalaya sa kuko ng mga banyaga, kasi tayo mismo 'yung nagkukulong sa sarili natin sa anino nila. kahit sa pinakasimpleng bagay, nilulubog natin 'yung sarili natin sa mga dayuhan.
maano bang magsalita ng Tagalog, nasa Pilipinas ka naman. hindi 'yung halatado ka ng nahihirapan, mapatunayan lang na cool ka, maipilit na lang. maano bang makinig ng OPM paminsan-minsan, tingin ko okey din naman. kesa kung anu anong Kpop 'yung pinapakinggan, wala ka namang naiintindihan.
di ba? hindi ba pwedeng bago 'yung sa iba, 'yung satin muna? It's kindasorta nakakahiya naman kasi kay Daktur Jose Rizal if we make kalimot na our national language. We'll be worse than a mabahong fish if we do. So c'mon! Let's be nationalistic na and be proud of what's ours. You know, what's atin?
nga pala, belated Kalayaan Day madlang blogger! at SANA ramdam niyo talaga 'yung salitang LAYA :)))
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento