Martes, Hunyo 5, 2012

Si Arnold at ang pina-realize niya sakin

Malapit ng pasukan! More than one week na lang... kung andun pa ko sa mga panahong malakas ang dating sakin ng bagong bag, lapis, nokbuk, at kung ano pa mang bago, malamang sa hindi, nagtatatalon na ko sa excitement sa mga oras na 'to.


Pero hindi. Mamimiss ko panigurado ang petiks days. Hayup 'yung courses namin for this sem. Hindi ko alam kung makatarungang pagsabay sabayin 'yung mga 'yon. Basta alam ko, mahaba-habang patayan days 'to. At, bonus. hindi ko trip ang schedule ko. Bukod sa five days siya, masyadong prone sa lakwatsa. And friday is freakin' tiring! 7:30am-6pm na walang vacant?! Suicide hanap mo? Badtrip. Nararamdaman ko ang paparating na bad vibes. Ayoko na tuloy pumasok.


Eto, eto 'yung mga thoughts na tumatakbo sa isip ko habang nanunuod ng TV, nagpeFacebook, nagtetext at nagsasoundtrip habang naglilinis ng buhay. Oo. Ganyan ako kalupit magmultitask. Going back, hindi ko talaga alam kung anong aasahan sa susunod na sem. Ngayon pa lang, napapagod na kong isiping pepestehin ulit ako ng numero dahil sa Statistics.


Tapos, dahil malikot ang utak ko, nagmamalikot din 'yung kamay ko. Palipat lipat 'yung channel. Hanggang sa bumagsak ako sa QTV11. Madalas ko naman talagang tambayan 'tong channel na 'to. Feeling pa-updated sa news lang. Umupo ako sa tumba tumba para marelax ang nerves ko sa kakaisip. Wala pa nga, pinapagod na ko ng papadating na pasukan.


Hanggang matapos 'yung hindi ko na nabilang kung ilang commercials. Tae. Dati, saglit lang patalastas dito e. Ngayon, kumoquota na din. Nakita ko 'yung maamong mukha ni Vicky Morales. Aaaaah. Replay ng Wish Ko Lang. Hindi ko 'to karaniwang pinapanuod. Boring. Pero... wala ako sa mood maglipat pa dahil nagrerelax nga ako so I stayed on that channel.


Kayod Paslit 'yung title nila. At hindi ako nagulat na child labor 'yung focus nung episode nila. Bakit? Obvious ba? Akala ko, isang common na child labor thing na me katuparan ng pangarap ang babaha sa mata ko. Pero hindi. Napaiyak ako ng episode na 'to.


Kilala mo si Arnold? 11 years old pa lang siya. Hindi na nag-aaral. Nagbabantay ng mga kotse sa parking area. Parang nakita mo na 'to di ba? Nabasa kung saan, napanood. Sa madaling sabi, normal na.


Pag-uwi niya sa bahay, siya pa magluluto, maglilinis, maglalaba. Kung sa isip ng mga ordinaryong tao, malamang minumura mo na 'yung magulang nito sa sobrang kairesponsablihan nila. well, eto din naman 'yung una kong naisip. Dapat nag-aaral si Arnold o kaya naglalaro. Dapat ineenjoy niya 'yung pagiging bata.


Namumuo na 'yung poot ko sa magulang ng batang 'to nung nagsimula 'yung backgrounder ng storya. Na-stroke si Aling Annie na tumayong ina niya. Tumayo, kasi iniwan si Arnold ng nanay niya nung isang buwang gulang pa lang siya. Puta! Tama lang palang minumura 'yung magulang niya. Pero mali 'yung naiisip kong dahilan kanina.


Dahil sa utang na loob na tinatanaw ni Arnold sa Mama Annie niya, pilit siyang nagtatrabaho at naghahanap ng mapagkakakitaan para maibili ng pagkain at gamot ni Mama Annie. Patay na kasi 'yung kalahati ng katawan niya. Malabo na siyang makapagtrabaho. Ibang klase 'yung pagmamahal nung mag-ina sa isa't isa. Kahit hindi sila magkadugo.


Malungkot na nga 'yung storya, pinalungkot pa lalo nung pinagsalita si Mama Annie at si Arnold. Iyak iyak iyak. Hardkor. Ba't ganito 'yung trip na trip ng mga tumutulong daw na TV programs? Kawawa na nga, lalo pang nagmumukang kawawa. Leche.


At dahil ayokong mamaga 'yung mata ko ng dahil sa Wish Ko Lang, pinatay ko 'yung TV. Bumalik sa Facebook at nagtext. Kakalimutan ko si Arnold. At si Mama Annie.


Maya-maya, inatake na ko ng boredom sa Facebook kaya wala akong choice kundi patayin 'yung laptop at manuod ulit. Andaeng balita tungkol sa madamiing problema ng bansa sa sistema ng edukasyon. Andaeng kulang na classrooms, teachers. Mga sirang facilities. Mga nagrereklamong estudyante at magulang. Normal naman 'to taon taon. Sa awa ni Lord, wala pa ding pagbabago kahit nasa tuwid na daan na tayo.


At nagpatuloy pa nga 'yung nakakapoot na balita tungkol sa mga problema ngayong pasukan. Pati 'yung problemang kakaharapin ng K+12 sa 2016, pinoproblema na din nila. Mga futuristic na nilalang kasi e. Biglang may feature story ng mga batang kelangan pa tumawid sa tatlong bundok makapag-aral lang. Akala ko sa Ibong Adarna lang uso 'yung pagtawid sa bundok. Uso pa pala hanggang ngayon.


Natahimik ang senses ko. Kaninang umaga pa ko sinasampal ng kung anu-ano. Ng katotohanang swerte pa nga ako. Ako, ang pinoproblema ko lang, pangit 'yung schedule ko. Bukod don, wala na. Kung aayusin ko 'yung gamit sa oras na meron ako, hindi ko aabutin 'yung limang araw na puyatang inabot ko nung huling tatlong linggo ng last sem. Tapos nagrereklamo ko ng patayan days. Ako, ang pinoproblema ko lang, pamimili ng damit ko sa umaga dahil wala kaming uniform, pagkumbinsi sa driver na estudyante ko dahil wala nga kaming uniform at ang pag-iisip kung nasuot ko na ba 'yung damit na 'to ngayong linggo dahil wala nga kaming uniform. Pamasahe ko, baon ko, lahat ng kelangan ko, nakahanda na. Hihingin ko na lang.


Hindi ko kelangan magbantay ng kotse sa parking area para sa konting barya na ipangbibili ko ng ulam mamaya kasi ginigising ako ng mabangong luto ni mommy sa umaga. Hindi ko kelangang maglakad at tumawid ng tatlong bundok para makarating sa sintang paaralan kasi me LRT, me jeep, me tricycle/pedicab. Pinakahassle ko na 'yung makipagkulitan sa driver dahil sa 20% discount na karapatan ko at makipagsiksikan sa LRT o mabadtrip dahil sa tindi ng traffic papuntang Recto. Tapos, ang lakas ng loob kong magreklamo.


Kaninang umaga pa ko tinitrip ng mundo. Siguro nga, hindi lang kanina. Siguro, matagal na. Hindi ko lang pansin. Hindi ko lang trip pansinin.


Malapit ng pasukan. Tapos ng petiks days. Bihira na siguro kong makakanood ng TV habang abala sa FB, may katext at nagsasoundtrip. Pero si Arnold nga, hindi nagawa 'to kahit minsan. Anong karapatan kong umangal? Sana mapasok sa sistema ko 'tong realization na 'to. Wish ko lang...

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento