Linggo, Hunyo 24, 2012

Hello Death Sentence!


Ngayon ko lang ulit nabuksan 'tong blog ko. E kasi hell week na. Agad agad. Sinalubong kami ng tambak na assignments at masisipag na profs. Maganda 'to, actually. Kasi masipag sila. Matututo kami. Pero siguro, hindi lang kami nasanay na maraming ginagawa sa adjustment period. As these words suggest, nag-aadjust pa ng schedule, ng profs, ng rooms at ng hang over sa 3 months vacation sa mga panahong 'to pero ngayon, IMBA. Anlupit kasi ng transition. Tatlong buwan kang tengga tapos biglang, eto naaaaaaa! ASSIGNMENTS! TAMBAK! ANSAYAAAAAAA!


Ansayang warm up neto. Hindi ko lang maimagine 'yung mga susunod pang linggo. Pa'no pa pag hell week na talaga? 'yun tipong linggo ng Midterm at Finals. Ano na? Deads kung deads? Pero okey lang din. Sanay na naman kami sa patayan days. Hindi lang siguro talaga namin in-expect na ganito kaaga kami papatayin. Haha :D Mahaba-habang torture 'to. Killing me softly ang peg.


Pero makakasurvive kami. At magmu-move on sa second sem na nararamdaman kong mas duguan pa. Haaaaay LIFE :) You're so kind sometimes :)) Pero ginusto ko 'to. Kaya GO lang ng GO!


Goodbye petiks days! Goodbye sleeping-all-day-stayin'-up-all-night na drama! Goodbye All day stalking habit! Hello Junior Year! Hello Statistics! Hello Profs! Hello Death Sentence! And hello to new experience and great moments with great friends :))


Pero I'll try with all of my might na mag-update once in a while. Pag kaya ng everyday, shoot! But that I can't promise..

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento