Ang first day. Bow.
Malakas ‘yung ulan. Maputik. Maalinsangan. Malagkit.
Madaming tao. Walang masakyan. Baha. Basa. In short, putang amaaaaaaaa! Eto
‘yung pinakaayaw ko sa lahat. Etong lahat ng ‘to. At ang galing! Pinagsama-sama
siya sa isang araw. Ang mahusay pa. Sa first day of classes! Gandang salubong,
di ba?
Taena kasi si Butchoy. Di maayos kausap. Sinabi ng wag
paulanin sa umaga e. Hayup! Dagat dagatan tuloy ang Obando. Tapos ‘yung
allowance ko, nauwi sa pamasahe. Badtriiiiip!
Ang aga aga aga aga ko umalis ng bahay. 5:45 to be exact. Para
pumasok sa 9am na klase. Normally, 2 hours lang inaabot ng byahe ko. So kung
tutuusin, napakalaki pa nga ng spare time ko para sana dumaldal at
makipagkamustahan sa mga kaklase kong di ko naman gaanong namiss din. At bilang
assumera ko, in-assume kong 7:30 nasa sintang paaralan na ko.
To my utter dismay (yeah. Nagagawa ng lecheng first day)
walang masakyan pa-Monumento sa may kanto. Tapos ang daming tao. So dahil me
iba kong alam na ruta, yabang yabangan ako. Nakipagsiksikan ako sa byaheng
Malanday at nag-assume na makakasakay ako ng byaheng Recto sa Malanday. YEAH!
Grabe. Siksik kung siksik. Sardinas mode kami sa jeep. Apat kami sa harap.
Habang may limang sabit at may mga standing ovation pa sa gitna at ‘yung
siyaman lang atang upuan ay naging sampuan o labing-isahan at di ko na alam.
Pero keri lang! Kapag pala me scarcity sa sasakyan, nagiging sexy lahat ng
nilalang. At masaya ko kasi na-feel kong sexy ako for once. HAHA :D
Pagdating naman sa Malanday, wew! Jam-packed din ng tao. Wala
ulit masakyan. So tawag ako ke Kent. Tinanong ko kung madali sumakay sa
Tabing-ilog. Sabi niya, oo. E di, ganda gandahan na naman ako. Sakay ako ng jeep
papuntang Tabing-ilog. Pagdating ko dun, hardkor sa pila. Panalo! E no choice,
pila pilahan ang drama ko.
Sabi ko, pag di pa ko nakasakay sa Tabing-ilog, uuwi na lang
ako at manonood ng Game 3 ng NBA Finals. Tutal, dapat naman talaga ‘yun ang ginagawa
ko sa mga oras na ‘to kundi lang nakisabay ‘yung opening classes. Ammmp!
Pero, ayaw ni Lord na magkasala ako kaya pinasakay Niya na
ko. Pagdating ko namang Monumento. Dyusme! Ansarap sukuan ng mga tao. Ayokong
magmukang tangang isda sa LRT kaya nag-abang ako ng jeep. Leeeeech! Mukang
naisip din ng mga tao ‘yung naisip ko. Hmp! Kaya nagdecide akong mag-taxi pag
di pa ko nakasakay sa susunod na limang jeep. Pero kahit maliit ang mata ko,
malinaw ‘to! Nakakita ko ng walang lamang jeep sa gitna ng naggigitgitang mga
sasakyan (bus, taxi, FX, atbp.) at nakipagpatintero ko sa kanila :D ayun!
Nakasakay na naman ako :D
Nakarating ng Recto, nakasakay pa-Pureza. May nakatabing
papabol at nakasakay na chikx. At natuwa :D Sumakay ng pedicab and at last!
Nasilayan ang sintang paaralan matapos ang tatlong oras at apatnapu’t limang
minuto! Ayos! Sobrang chikx lang ng PUP at nagagawa nia sakin ‘to :D
TAPOS! Malalaman mong walang dadating na
prof?! Ayoko talagang
magmura pero putang ina!
Well, expected naman na ‘to. Nag-assume lang akong meron
kasi three months natengga ang utak ko at umaasa akong marerevive pa nila ang
use nito bago siya maging obsolete.
So, siguro, obvious pa sa halata na hindi ko feel ang first
day of school. Na-wish ko ngang sana bakasyon na ulit e. hehe :D so there.
Napakwento lang. Kasi badtrip talaga e. Mukang malas sakin ang burgundy colored
hair :P
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento