That certain moment when all you can do is laugh at the thought of falling in love with someone whom you cannot own, whom you cannot call yours, whom you cannot hold. When everything was just as perfect as any fairy tale was, when everything felt like magic. You fit each other just so well, understand each other's dreams. When everything you see in each other's eyes was love. And everything is perfect...except TIME.
Miyerkules, Hunyo 27, 2012
Old
Old songs. Old playlist. Old feelings. Old tears.
Yes, they still remind me of you. They still draw pictures of us together each time I hear them, each time they make me engrossed of things I am supposed not to remember. Still, their lines draw you close. Still, their melody send me chills. Still, they speak of you.
Old songs...
Those songs we used to listen at while your arms envelope me. Those songs which used to make us sleep at night. Those songs that used to put a smile on our faces. They remind me of you. They still talk alot about you.
Old playlist...
Those songs we would wanna hear in repeat. Those songs which tell us our story, as if they were written for us, as if they were for us. Those songs we would wanna play and dance with. That playlist, you and I made. That playlist, I now avoid.
Old feelings...
These old songs will always bring you back, and as they do, they are bound to revive all of the old feelings I thought I had already let go of. Those feelings I thought I have already buried in the deepest part of my heart, those feelings I thought I've already forgotten. Those old feelings I have for you. Those feelings I still have.
Old tears...
Those tears I have shed long time ago continuously wet my eyes. As these old songs flood my mind, as these old playlist serenade my being and tug little heartstrings I thought once lost those old feelings for you.
Those old songs continue to remind me of you. And I was left to listen to them, was left to wipe the same old tears and keep old feelings. I was left here. With only these old songs to remind me how perfection passed me by and how I should keep myself holding on to only these old songs... this old playlist... these old feelings and these old tears.

Martes, Hunyo 26, 2012
Una, sorry. Hindi kasing dalas ng dati 'yung entries ko. Pasensya madlang mambabasa. Dream Team kasi 'yung set ng profs namin ngayon at lahat sila ay murderers. Nararamdaman kong nag-usap usap sila kung pa'no nila kami unti-unting papatayin sa mga susunod pang araw. Hindi ko na nga alam kung anong kapit ang gagawin ko sa pananalig ko para makaraos sa sem na 'to. Iniisip ko pa lang mga pinapagawa nila, 'yung energy meter ko pang-isang linggo, nauubos na.
Tama bang pagsabay-sabayin 'yung Big 3 ng College of Communication, Department of Journalism? Sinong mabubuhay non? Suicide ang tawag dito. At abno lang ang irreg na magnanasang kunin 'tong tatlong 'to sabay-sabay. Tapos idinagdag pa 'yung mga malulupit na hugot sa bench. Ay! Kaya sumandali akong magpapaalam sa mga stalkee ko at sa social life ko. :( pero hindi sa blog. You'll be hearing alot from me. I mean, alot. Alot of rants, alot of complains and all. haha :D
O sige. I still hafta do something for Statistics e :) Long live! hahahahaha :D

Linggo, Hunyo 24, 2012
Hello Death Sentence!
Ansayang warm up neto. Hindi ko lang maimagine 'yung mga susunod pang linggo. Pa'no pa pag hell week na talaga? 'yun tipong linggo ng Midterm at Finals. Ano na? Deads kung deads? Pero okey lang din. Sanay na naman kami sa patayan days. Hindi lang siguro talaga namin in-expect na ganito kaaga kami papatayin. Haha :D Mahaba-habang torture 'to. Killing me softly ang peg.
Pero makakasurvive kami. At magmu-move on sa second sem na nararamdaman kong mas duguan pa. Haaaaay LIFE :) You're so kind sometimes :)) Pero ginusto ko 'to. Kaya GO lang ng GO!
Goodbye petiks days! Goodbye sleeping-all-day-stayin'-up-all-night na drama! Goodbye All day stalking habit! Hello Junior Year! Hello Statistics! Hello Profs! Hello Death Sentence! And hello to new experience and great moments with great friends :))
Pero I'll try with all of my might na mag-update once in a while. Pag kaya ng everyday, shoot! But that I can't promise..
Huwebes, Hunyo 21, 2012
Sa Pagitan
Nasa gitna natin ang mundo. Nasa kabilang parte ka ng kalsada, nandito ako. Nakatingin ka, nakangiti. Naghihintay. Pero mabilis ang galaw sa pagitan nating dalawa. Hindi kita maabot. Hindi na kita makita.
Hanggang sa hilahin na ng hangin 'yung ngiti sa labi mo. Konting hintay pa, magtatagpo din tayo. Konting tiis pa, babagal din sila. Titigil. Hihinto. At bibigyang daan tayong dalawa.
Kung matapos man ang araw at hindi sila mapagod, wag kang malungkot. Ginawa ang gabi para sa mga nagmamahalan. Baka sa gabi, saka nila tayo pagbigyan. Kumapit ka lang. Babagal din sila. Titigil. Hihinto. At gagawa tayo ng daan para sating dalawa. Kung hindi man ngayon, mamaya. O kung kelan man, kapwa natin di alam.
Nasa gitna natin ang mundo. Mabilis ang galaw sa pagitan. Pero hitayin mo lang, unti-unti din silang babagal. Titigil. Hihinto. Magbibigay-daan.

Miyerkules, Hunyo 20, 2012
Adam :)
Pass muna ko sa pag-ibig. Ayoko din mamulitika. Gusto ko lang magkwento. Nanaginip kasi ko. Nanaginip ako na me nababasag na malaking salamin sa harap ko. Ako ata nakabasag non kasi me sugat ako. Tapos wagas siya magdugo. Medyo nakakatakot 'yung datingan nung panaginip. Madilim. Ako lang 'yung kita tapos 'yung salamin. Tipong alone in the dark. Hirap pa nga ako huminga pag gising ko.
Tapos anlakas mantrip ni Google. eto sabi niya: To dream of broken glass means broken promises or shattered expectations. Your feelings may be hurt or a situation may be turning into a crisis. To dream of broken shards of broken glass means issues that can only bring you more pain or difficulties if you confront them. Disappointments that are difficult to respond to effectively. To dream of having broken shards of broken glass in your throat means a sensitive issue creates more conflict if you express your true feelings about it. You may feel paralyzed to express yourself. To dream of walking on broken glass means that you have heartache and pain.
Dehins ko alam kung bakit ako naniniwala sa meaning na 'yan. Basta, feeling ko kasi totoo. Parang me ganito kasi ngayon sa buhay ko. Ewan. Basta, 'yun na 'yon. Ah basta. Kalimutan. Kalimutan. Kalimutan. Power of suggestion lang 'yan.
Me nawala kasi sa buhay ko. Ok lang yan. Ganun talaga. :) Minsan na nga lang managinip, ganun pa e. hoho :D
Pero ok pa din naman. Napakalimot sakin ng NBA 'yung takot sa panaginip nato. 3-1 na kasi in favor of Miami Heat! Ayeah!
Tapos anlakas mantrip ni Google. eto sabi niya: To dream of broken glass means broken promises or shattered expectations. Your feelings may be hurt or a situation may be turning into a crisis. To dream of broken shards of broken glass means issues that can only bring you more pain or difficulties if you confront them. Disappointments that are difficult to respond to effectively. To dream of having broken shards of broken glass in your throat means a sensitive issue creates more conflict if you express your true feelings about it. You may feel paralyzed to express yourself. To dream of walking on broken glass means that you have heartache and pain.
Dehins ko alam kung bakit ako naniniwala sa meaning na 'yan. Basta, feeling ko kasi totoo. Parang me ganito kasi ngayon sa buhay ko. Ewan. Basta, 'yun na 'yon. Ah basta. Kalimutan. Kalimutan. Kalimutan. Power of suggestion lang 'yan.
Me nawala kasi sa buhay ko. Ok lang yan. Ganun talaga. :) Minsan na nga lang managinip, ganun pa e. hoho :D
dami kong tawa dito e. mga 790,278,465.
Kaibigan
Hindi ko alam kung pano sisimulan 'to. Hindi ko alam kung anong tamang intro.
Basta bigla na lang nangyari e. Biglang nung lumapit siya, natahimik na lang ako. Nung nagsalita siya, di na ko nakasagot. Tapos ngumiti siya, tapos 'yung sinasabi nilang may paru-parong nagrewrestling sa tiyan, parang nangyari sakin. Hindi. Mali. Mas maganda pa dun. Tapos tinawanan niya ko. Inasar. Iniwanan niya ko. Sabi babalik siya mamaya.
Hindi ko talaga alam kung anong nangyari. Biglang ang ganda niya lang sa paningin ko. Biglang parang sana pwede pa naming palalimin 'to. Pero, dyahe. Barkada kami e. Baka magalit, baka magkailangan. Sayang naman. Pero pano kung may nag-aantay na mas maganda dun? Mas lalong sayang.
Kaya hinintay kong mapansin din niya. Baka sakaling di lang pala ako 'yung nakakaramdam ng fireworks 'pag papalapit kami sa isa't isa. Baka 'yung mga titig niya din, may halo ng malisya. Baka sakali lang naman.
Sinusundo ko na siya sa bahay nila sa umaga para sabay kami pumasok. May padala dala pa ng bag niya, pasimpleng kurot. Tapos tawa lang siya ng tawa sa mga korni kong jokes. Hayup! Ng dahil ata sa tawang 'yon kaya ako nagkaganito e. Basta bigla na lang nangyari.
Biglang trip ko siya silipin sa klasrum niya, kasabay sa lunch at merienda. 'yung pakiramdam na ayaw ko ng humiwalay sa kanya. Kaso tuwing magkasama naman kami, puro 'yung crush niya 'yung laman ng kwento. Kesyo gwapo 'yon, matangkad, matalino. E ako ba? Mas gwaping pa ko dun e. Hindi kaya sila bagay. Ang tangkad nun masyado para sa kanya. Tapos, matalino daw? Sus! Mas mataas pa makukuha kong grades dun kung nag-aaral ako. Ang lampa pa nun. Ni hindi sanay humawak ng bola. Pero tangna, mahal niya na ata?
Minsan, nakakapagod din makinig sa mga kwento niya. Masakit e. Andito lang naman kasi ako. Ang layu-layo nung pinagpapanstasyahan niya. Ni hindi nga siya napapansin non. Ni hindi ata siya kilala. Habang akoo, eto, alam 'yung buong buhay niya. Simula nung iniri siya ni tita. Ay mali. Simula pala nung pinalihi siya. Hanggang nung nakikipagsapakan siya nung grade school, hanggang maging dalagita siya, hanggang ngayon na hindi ko na maintindihan kung bakit ganito 'yung nararamdaman ko.
Haaaaay.. Ewan. Ilang kanta na nga 'yung nagawa ko para sa kanya. Nakakahalata na nga 'yung buong banda. Pero siya, kahit gabi gabi ata siyang nanonood ng gigs namin, hindi niya makita. Hindi niya makita na sa dami ng magagandang mukhang nasa harap ko 'pag nagsimula na kong kumanta sa mikropono, 'yung mata ko babad sa kanya. Na kahit nasa pinakasulok pa siya ng bar at ang pandak niya, nahahanap ko pa din siya. Na habang kinakanta ko 'yung sinulat kong kanta, kinakanta ko 'yun para sa kanya.
Nakakainis e. Bakit kasi biglang nagbago? Andae namang iba, siya pa. Hindi ko alam.
Gusto ko na ngang sabihin sa kanya lahat para magkaalaman. Kaso...
Sila na. Nabalitaan ko lang.
Wasak.
Kelangan ko pa bang i-describe kung anong nararamdaman ko?
Hindi ko na alam kung pano tatapusin 'to. Katulad ng di ko alam kung anong tamang intro. Basta bigla na lang dumating e. At mukhang agad din nawala. Kaibigan kasi ko. Kaibigan lang.

(Maniwala Ka Sana ng Parokya)
Lunes, Hunyo 18, 2012
Isang Shot
Minsan, masarap magpakalunod... sa sarili mong luha, sa alak; mag-isa.
Isang shot, habang pinipinta mo sa isip mo 'yung maganda niyang mukha. Habang maingat mong inaalala bawat linya, bawat kulay, bawat damdaming nabuhay ng mukhang 'yon sa'yo.
Isang shot pa ulit, habang niraramdam mo ulit sa kamay mo 'yung kinis ng braso niya, 'yung init ng palad niya, 'yung lambot ng buhok niya, hanggang sa kung saan na mapunta.
Hanggang sa 'yung isang shot, nauwi sa lima. 'yung lima, naging isang bote na, hanggang isang case. Hanggang makalimutan mo na kung sino ka. Pero... hindi siya.
Habang lulong ka sa pait ng gintong likidong ginagamit mo para makalimot, parang asidong gumuguhit sa lalamunan mo lahat ng naaalala mong pangako.
Habang hilam ka sa sarili mong luha, pinapasakit pa lalo ng liwanag ng katotohanan na hindi na siya sa'yo. Wala na siya sa'yo.
Isang shot pa, hindi mo na kaya. Gusto mo ng tumakbo sa kubeta para sumuka. Gusto mo ng isuka lahat ng pakla, lahat ng masasamang alaala.
Hanggang sa makatulog ka, wala sa tamang hulog, pero lahat ng alaala niya, malinaw. Parang movie na tumatakbo sa utak mo. Nakakainis 'no? Kung alin pa 'yung ayaw mong maalala, siya pang hindi matanggal ng epekto nung gintong likido sa sistema mo.
Tapos lulunurin ka na ng luha, ng alak, ng lungkot. Makakatulog ka, saglit na makakalimot. Pero paggising mo bukas, katulad ng impyernong saglit mong iniwan pa din 'yung realidad mo.
Kaya 'yung sarap ng minsang pagpapakalunod, nagiging madalas. Para kahit saglit, makalimutan mo lahat. Para kahit saglit, manhid ka. Hindi ka nasasaktan.

(One Man Drinking Games by Mayday Parade)
Frustrations
Ayoko sa mga taong madaming frustrations. Nakakaawa sila. Tipong lahat ng ginagawa nila, ang reason behind ay 'yung frustrations nila. Sila 'yung mga taong mahirap kasama, mahirap maging kaibigan. Kasi kahit anong saya nila habang kasama ka, kaya ka nilang iwan para sa mga frustrations nila. Kahit anong buti mo sa kanila, kaya ka nilang kalimutan basta para sa mga bagay na ikinafufrustrate nila. Mahirap sila kasama, mahirap sila maging kaibigan. Kasi hindi katulad mo, madali sialng bumitaw. Akala mo andyan lang, tahimik, di mo alam paalis na sila. Palayo. Papunta sa mundo kung nasan 'yung frustrations nila. Para bang nabubuhay lang sila para makuha lahat ng gusto nilang makuha. Sorry. Kahit ako, me frustrations din naman pero siguro kanya-kanyang pagdadala lang 'yan. Kung kelan ko seseryosohin 'yung mga frustrations na pumupuno sa utak ko ngayon, ako lang ang me alam. Pero malapit na 'yon. Ang alam ko lang, hindi ako tutulad sa mga hardkor frustrated people na kilala ko. Hindi ako lilipad ng walang maayos na paalam, hindi ako lalayo ng lihim. Kasi sa dulo, hindi ko naman maisasama sa hukay na nakuha kong i-overcome lahat ng frustrations ko. Ang mahalaga pa din, kung ilan 'yung mga taong iiyak at makakaalala sa'kin pag tuluyan na kong yumakap sa lupa, kapag habang buhay na kong nakipag-niig sa mundo. Sa mundo kung saan walang frustrations, walang katulad mo.
First Day High!
Ang first day. Bow.
Malakas ‘yung ulan. Maputik. Maalinsangan. Malagkit.
Madaming tao. Walang masakyan. Baha. Basa. In short, putang amaaaaaaaa! Eto
‘yung pinakaayaw ko sa lahat. Etong lahat ng ‘to. At ang galing! Pinagsama-sama
siya sa isang araw. Ang mahusay pa. Sa first day of classes! Gandang salubong,
di ba?
Taena kasi si Butchoy. Di maayos kausap. Sinabi ng wag
paulanin sa umaga e. Hayup! Dagat dagatan tuloy ang Obando. Tapos ‘yung
allowance ko, nauwi sa pamasahe. Badtriiiiip!
Ang aga aga aga aga ko umalis ng bahay. 5:45 to be exact. Para
pumasok sa 9am na klase. Normally, 2 hours lang inaabot ng byahe ko. So kung
tutuusin, napakalaki pa nga ng spare time ko para sana dumaldal at
makipagkamustahan sa mga kaklase kong di ko naman gaanong namiss din. At bilang
assumera ko, in-assume kong 7:30 nasa sintang paaralan na ko.
To my utter dismay (yeah. Nagagawa ng lecheng first day)
walang masakyan pa-Monumento sa may kanto. Tapos ang daming tao. So dahil me
iba kong alam na ruta, yabang yabangan ako. Nakipagsiksikan ako sa byaheng
Malanday at nag-assume na makakasakay ako ng byaheng Recto sa Malanday. YEAH!
Grabe. Siksik kung siksik. Sardinas mode kami sa jeep. Apat kami sa harap.
Habang may limang sabit at may mga standing ovation pa sa gitna at ‘yung
siyaman lang atang upuan ay naging sampuan o labing-isahan at di ko na alam.
Pero keri lang! Kapag pala me scarcity sa sasakyan, nagiging sexy lahat ng
nilalang. At masaya ko kasi na-feel kong sexy ako for once. HAHA :D
Pagdating naman sa Malanday, wew! Jam-packed din ng tao. Wala
ulit masakyan. So tawag ako ke Kent. Tinanong ko kung madali sumakay sa
Tabing-ilog. Sabi niya, oo. E di, ganda gandahan na naman ako. Sakay ako ng jeep
papuntang Tabing-ilog. Pagdating ko dun, hardkor sa pila. Panalo! E no choice,
pila pilahan ang drama ko.
Sabi ko, pag di pa ko nakasakay sa Tabing-ilog, uuwi na lang
ako at manonood ng Game 3 ng NBA Finals. Tutal, dapat naman talaga ‘yun ang ginagawa
ko sa mga oras na ‘to kundi lang nakisabay ‘yung opening classes. Ammmp!
Pero, ayaw ni Lord na magkasala ako kaya pinasakay Niya na
ko. Pagdating ko namang Monumento. Dyusme! Ansarap sukuan ng mga tao. Ayokong
magmukang tangang isda sa LRT kaya nag-abang ako ng jeep. Leeeeech! Mukang
naisip din ng mga tao ‘yung naisip ko. Hmp! Kaya nagdecide akong mag-taxi pag
di pa ko nakasakay sa susunod na limang jeep. Pero kahit maliit ang mata ko,
malinaw ‘to! Nakakita ko ng walang lamang jeep sa gitna ng naggigitgitang mga
sasakyan (bus, taxi, FX, atbp.) at nakipagpatintero ko sa kanila :D ayun!
Nakasakay na naman ako :D
Nakarating ng Recto, nakasakay pa-Pureza. May nakatabing
papabol at nakasakay na chikx. At natuwa :D Sumakay ng pedicab and at last!
Nasilayan ang sintang paaralan matapos ang tatlong oras at apatnapu’t limang
minuto! Ayos! Sobrang chikx lang ng PUP at nagagawa nia sakin ‘to :D
TAPOS! Malalaman mong walang dadating na
prof?! Ayoko talagang
magmura pero putang ina!
Well, expected naman na ‘to. Nag-assume lang akong meron
kasi three months natengga ang utak ko at umaasa akong marerevive pa nila ang
use nito bago siya maging obsolete.
So, siguro, obvious pa sa halata na hindi ko feel ang first
day of school. Na-wish ko ngang sana bakasyon na ulit e. hehe :D so there.
Napakwento lang. Kasi badtrip talaga e. Mukang malas sakin ang burgundy colored
hair :P
Tanaw
Eto ‘yung pinakaayokong panahon. Tipong tamang tama lang
lahat para malungkot. ‘yung ulan, sapat lang. Hindi masyadong malakas, hindi
din mahina. Diretso sa pagbagsak. Tamang tama lang para palungkutin ‘yung lupa.
May mahinang tugtog. Mga kantang walang ibang gustong ipaalala
kundi malungkot ako. Habang nakatanaw sa basang bintana. Habang may humahaplos
na malamig na hangin sa mukha.
Dati rati, makikita kita sa labas na nakapayong. Nakangiti.
Naghihintay. Ngayon, wala. Ulan lang. ‘yung mahinang tugtog. ‘yung lungkot…
Huwebes, Hunyo 14, 2012
Change Nothing
(Change Nothing by Jessica Sanchez)
Una, paker 'yung boses ni Jessica. Parang ayaw ipakanta 'to sa iba. Pangalawa, everytime na maririnig ko 'tong kantang 'to, naiisip kita. Siguro kung na-release 'tong kantang 'to four o three years ago, dumagdag pa 'to sa mga kantang iniiwasan ko hanggang ngayon.
Sige, I have to admit. Hanggang ngayon me ilang kanta pa din akong hindi pinapakinggan. Feeling ko kasi 'pag narinig ko 'yung mga kantang 'yon, mumurahin na ko ng mga bumabasa ng mga storya ko. Oo. Feeling ko, me iha-hardkor pa 'yung pagiging ampalaya ko. 'pag dating sa'yo, meron.
Hindi ko kasi talaga maintindihan kung bakit mo ko binitawan, bakit mo ko binalikan para bitawan lang ulit. Hindi ko din maisip kung bakit ang lakas mong makapagpaasa. Wagas. Hindi ko lalo maintindihan kung bakit kahit alam kong aalis ka din naman, para kong tangang tinatanggap ka. Matalino naman daw ako sabi nila. Ay ewan! Ganun siguro talaga. Merong mga taong dadating sa buhay mo para ipamukha sayo kung gaano kalala 'yung tendency mong maging tanga.
Nung huli, binitiwan na kita. Hindi ko alam. Pag gising ko, pagod na lang ako. Pero joke time 'yon pag sinabi kong binitiwan kita kasi wala na. Sabi nila, hindi naman daw nawawala 'yung pagmamahal. It's either nadadagdagan o nababawasan lang. Kaya siguro hanggang ngayon me mga kanta pa din akong hindi mapakinggan. Baka 'yung sakin hindi nabawasan.
Pero gagamitin ko naman 'yung pagiging matalino ko daw. Tama na. Hanggang dun na lang. Wala na tayong babalikan :)
'yung mundo ko
'yung mga maliliit na bagay. 'yung titig mo. 'yung haplos ng hininga mo sa mukha ko. 'yung tawa mo. 'yung pakiramdam na bukas, gigising ako sa tabi mo. 'yung nakakalat na papel sa sala. 'yung tsitsiryang natapon nung harutin kita. 'yung ngiti mo. 'yung boses mo. 'yung mata mo, na parang kilalang kilala 'yung buong pagkatao ko. 'yung mga maliliit na bagay...
'yung amoy ng sunog na hotdog sa umaga. 'yung pagpipilit mo sa mga bagay na hindi mo alam talaga. 'yung mga oras na wala tayong magawa. wala tayong gustong gawin. kasi sapat na 'yung nakatitig ka sakin. 'yung init ng palad mo. 'yung mga pagkakataong nakahilig ka lang sa tabi ko. walang iniisip. nakahiwalay sa mundo. 'yung mga maliliit na bagay...
'yung pagmamadali ko umuwi para makita ka. 'yung sayang hatid ng ideyang naghihintay ka. 'yung paborito mong cheesecake. 'yung timpla ng kape. 'yung playlist ko. 'yung kantang palaging kinakanta mo habang nagmamaneho ko. 'yung lakas mo mang-asar. 'yung mga tampuhan. 'yung lambing mo 'pag may nagagawa kang kasalanan. 'yung kakulitan mo 'pag nakainum ka. 'yung mga oras na nakahiga lang tayo sa kama, nakatanga sa kisame, habang kinukwento mo lahat ng pangarap mo, habang pinaplano natin lahat ng tungkol sating dalawa.
Hindi ko 'yun sinasabi. Hindi mo din naman tinatanong. Pero alam ko na alam mo, binuo na natin 'yung habang buhay habang nakahiga tayo. Habang naglalakbay 'yung kamay ko sayo. Kasabay ng pagpasok natin sa ibang mundo. Sa mundong tayo lang ang mahalaga. Sa mundong tayo lang dalawa.
'yung mga maliliit na bagay. 'yung pag gising ko sa umaga na katabi kita. 'yung pag-uwi ko sa hapon galing trabaho. 'yung hagod ng masahe mo sa likod ko. 'yung mga nakaw na halik. 'yung lutong ng halakhak mo. 'yung mga biglaang yakap. 'yung mga di inaasahang lakad. 'yung mga bagay na parang nahuhulog na lang kung saan sila dapat. 'yung bawat bukas.
Unti unti, binuo ko 'yung mundo ko gamit ang maliliit na bagay na 'to. Umasa. Naghintay. Unti unti, tinupad ko 'yung mga pangarap ko para sayo. Kahit hindi ko sinasabi. Kahit hindi ko pinangako. Unti unti, hinayaan kong satin lang umikot lahat. 'yung mundo ko, 'yung mga pangarap ko, 'yung buong buhay ko. Kasama lahat ng maliliit na bagay na 'to.
Hindi ko alam kung san napunta lahat. Pag gising ko na lang, wala ka sa tabi ko. Walang amoy ng sunog na hotdog, walang kape, walang cheesecake. Wala ka. At 'yung maliliit na bagay na nakasanayan ko na.
Nabasag lahat. Gumuho sa paanan ko. Hindi ko na dinig 'yung boses mo. Hindi na ko hinehele ng mga titig mo. 'yung mata mo na parang kilalang kilala 'yung buo kong pagkatao. Lahat, nagiba. 'yung mundong araw-araw kong binuo. Wala na 'yung init ng palad mo. Hindi ko maintindihan 'yung mga kanta sa playlist ko.
Hindi ko alam kung san magsisimula. Mahirap hagilapin 'yung sarili mo kapag alam mong naibigay mo na 'yun sa iba. Hindi ko na alam kung sino ako na wala ka. Hindi ko na maalala kung pano gumising sa umaga na hindi mukha mo 'yung unang makikita. Hindi ko na alam 'yung pakiramdam na wala 'yung kamay mo sa palad ko. Na hindi ko naririnig 'yung tawa mo. Nawasak lahat. 'yung buong buhay ko, 'yung mga pangarap ko, 'yung mundo ko. Lahat kasi sila pinaikot ko sayo.
Hindi ko alam kung pano pupulutin lahat ng basag na parte ng pagkatao ko. Hindi ko maisip 'yung bukas. Hindi ko alam kung pano gigising sa umaga, aalis, babalik sa bahay na alam kong wala ka. Walang naghihintay na cheesecake sa mesa. Walang naghihintay na ngiti mo, walang naghihintay sa pag-uwi ko.
Nabasag lahat. Nasa paanan ko. Naghihintay ulit mabuo. Pero hindi ko alam kung pano. Pano ko sasalubungin 'yung bukas na wala ka, pano ko ibabalik 'yung mundong nakasanayan ko bago ako nasanay na nandyan ka. Nawasak lahat. Hindi ko alam kung pano... pano mabubuhay ulit ng wala lahat ng maliliit na bagay na 'to...
( I by 6 Cyclemind)
Miyerkules, Hunyo 13, 2012
Konyotik bitches
ha~ha~ha~super funny!
you know, I'm not that natatawa naman. and I could actually speak in pure Tagalog naman but I don't want to 'coz it's not kewl. you know, baduy.
but hey! this ain't new to you na naman eh. you see my kind everywhere, I mean, kahit saan! especially around Taft, Intramuros and all around U-belt. try to walk there some time and you'll make kita us walking there, too. with all the arte in our tongues.
I mean, I know alot who talk like this. It's in kaya. Everyone in school talks and texts this way. We're called konyo. you know, rich kid like with English as our language. though, we were raised naman here in the Philippines, and we're damn Filipino citizens with tan skin and flat nose, we somehow look Hollywood na naman because of whitening creams.
PAAAAAAAK! kapag ganito araw araw 'yung kausap mo, ang sarap lang magmura. Iimagine mo na lang ang Pilipinas kung puro ganitong graduates ang meron tayo. Tang ina. Dalawa lang 'yan e. Either bobo talaga sa Tagalog o bobo sa English kaya hindi maidiretso.
Merong Dalawang Uri nitong mga konyong 'to e.
UNA. 'yung pinanganak na mayaman na walang choice kundi maging bobo sa sarili nilang wika kasi sinanay sila nila Mama at Papa sa English language. kelangan e. sila 'yung susunod na CEO ng family owned company nila kaya it's just a must to speak the language business is using. They're not used to hearing Tagalog words kaya pa'no nila matututunan? hindi mo sila masisisi. pero 'yung parents nila, pwede.
PANGALAWA. 'yung mga piliterang/piliterong puchu-puchu mag-English kaya dinadaan sa pa-konyo konyo. etong mga 'to nakakairita ng todo. alam mo 'yung feeling na hirap na hirap na sila kakapilit magmukang sosyal pero wa epek? ay leche. ansarap konyatan netong mga feeling konyong 'to pag umiiral 'yung pagpipilit nila sa public places.
'yung tipong pwede namang sabihin na "Mainit." gagawin pag "It's ,like, hot. You know, mainit?" tae. tinagalog mo lang e. tapos kung makapronounce kala mo baluktot na baluktot 'yung dila, 'pag tiningnan mo naman parang magkakambal 'yung paa at mukha. badtriiiiiiiiiiiip!
hindi ko maintindihan kung bakit ang hilig ng Pinoy sa mga ganito. You know, so jeeeeej! Madali lang, pinapahirap pa. kayang sabihin ng isang salita, pinapahaba. Tapos, pwede namang tumawa na lang, me pa-super funny super funny pang pinagkakakana. leche. hindi kaya ng simple? kelangan talaga pinagmumukhang gago 'yung sarili?
hindi naman lahat e. me mga taong sadyang binabagayan ng mga ganitong arte pero 'pag sa halatang nagpipilit mo lang 'to narinig, anlakas makapagpanting ng tenga. Tapos poporma pa katulad ng celebrities e hindi naman bagay sa kanila. tapos, pag nag-English ng diretso, mali 'yung grammar? ay tae!
hindi mo din sila masisi. halos ganito kasi tayo shinape ng environment. parang kelangan ng pagbabago i-adapt mo at yakapin mong parang 'yun ka talaga. kaso kaka-adapt, nakakalimutan na natin kung ano/sino talaga tayo.
okey saking bigyang priority ang English. dun tayo magiging globally competitive e. pero siguro, dapat lang na bigyan ng equal importance 'yung wika natin talaga. 'yung wikang simbolo ng kasarinlan at kalayaan natin. kaya hindi tayo makalaya sa kuko ng mga banyaga, kasi tayo mismo 'yung nagkukulong sa sarili natin sa anino nila. kahit sa pinakasimpleng bagay, nilulubog natin 'yung sarili natin sa mga dayuhan.
maano bang magsalita ng Tagalog, nasa Pilipinas ka naman. hindi 'yung halatado ka ng nahihirapan, mapatunayan lang na cool ka, maipilit na lang. maano bang makinig ng OPM paminsan-minsan, tingin ko okey din naman. kesa kung anu anong Kpop 'yung pinapakinggan, wala ka namang naiintindihan.
di ba? hindi ba pwedeng bago 'yung sa iba, 'yung satin muna? It's kindasorta nakakahiya naman kasi kay Daktur Jose Rizal if we make kalimot na our national language. We'll be worse than a mabahong fish if we do. So c'mon! Let's be nationalistic na and be proud of what's ours. You know, what's atin?
nga pala, belated Kalayaan Day madlang blogger! at SANA ramdam niyo talaga 'yung salitang LAYA :)))
Martes, Hunyo 12, 2012
Farsighted
Madaming taong farsighted. Nagkalat sila. Mga taong nasa harap na nila, hinahanap pa. Mga taong sa sobrang kakatingin sa malayo, nasa kanila na, hindi pa makita.
Kadalasan sa mga taong 'to 'yung mga hunghang na malakas ang loob mag-set ng standards sa mga bagay- bagay o kahit sa tao. 'yung kelangan gwapo/maganda. matalino, mga 5'9 ang height, tipong may bahay na may malaking carpark para sa limang kotse, me pang-Close Up commercial na ngiti o kaya 'yung papasang hero sa pocketbooks. Tipong Papa Derek ang peg! Sa sobrang engrossed kakahanap/kakaintay/kakapilit na merong ganitong nilalang na nage-exist sa mundo, 'yung simpleng taong walang kayang ibigay kundi pagmamahal na totoo hindi makita.
Alam mo 'yun? 'yung taong naghihintay ng limang oras sa labas ng gate ng bahay nila makita lang kahit dulo ng buhok mo o mabati ka lang ng magandang umaga kahit siguradong sisimangutan mo lang siya; 'yung taonng handang wag matulog sa gabi para lang maghintay ng reply mo; 'yung taong sumasaklolo sa'yo lagi, nang-aasar sa'yo lagi, nagpapangiti sa'yo paminsan-minsan. Hindi mo siya pansin kasi hindi niya naabot 'yung standards mo. Kahit kulang na lang ipagpatayo na siya ng monumento sa pagiging perfect example niya bilang abangers. Wala.
Minsan niya pa ngang ipinakita sa'yo na nagsisikap siya, minsan pa siyang pumorma katulad ng paborito mong artista. Inaya kang kumain sa labas, nagdala ng bouquet ng rosas. Pero dahil simula't sapul, asungot lang ang tingin mo sa kanya, ayun deadma. Kahit kulang na lang ilista niya 'yung pangarap niya para sa inyong dalawa. Wala e. Kahit papasa naman sa Close-Up commercial 'yung ngiti niya, wala siyang malaking carpark at limang kotse.
'yan ang hirap e. Set ka ng set ng standards mo. Kulang na lang ilagay mo na 'yung pangalan nung tao. Kulang na lang i-fill in the blanks mo na 'yung pangalan nung pinagnanasaan mo. E antanong mahal ka ba non? Meron namang malapit, merong naghihintay sa'yo, hindi mo makita kasi nakatanaw ka sa malayo. Sa sobrang layo, hindi mo pala abot.
Kung kaya lang sigurong i-tama ng salamin 'yang farsightedness mo, baka niregaluhan ka niya ng mga tatlo. Kaso hindi. Hindi kasing dali ng pag-aayos ng paningin 'yung matter between sa mata at sa puso.
Kadalasan kasi ng ginugusto mo, 'yung taong katanggap-tanggap/mapapansin ng lipunan, tipong swerte ka ang datingan. 'yung pag pinakilala mo sa friends mo, maiinggit sila kasi "yummy" 'yung boyfriend mo at may bonus pang stable na trabaho, kotse at condo. Eto 'yung gusto ng nakararami, kahit 'yung pinakachakang babae sa mundo, pangarap 'to. Sa sobrang bulag natin sa kung ano 'yung magiging maganda/kakaiba/angat tayo sa iba, pati pag-ibig, mukha at pera na lang nagdadala.
Teh, tao lang din 'yang naghihintay sa'yo. Baka mauna 'yang mapagod bago mo macorrect 'yang farsightedness mo. Ikaw din. Baka gumanti si Kupido, someday, ikaw na 'yung dakilang abangers at siya na 'yung inaabangan mo. :)

(Nagtahan by Silent Sanctuary)
Huwebes, Hunyo 7, 2012
There's No Easy Way
Put my headsets on. And this song just flooded my ears. Then it tore my heart into tiny pieces. The song goes like this...
I held her close to me
'Cause I know she breaks so easily
And then I told her
But I knew no matter how I tried to console her
She'd just do the best she could
But there are times the best is no damn good
And no matter how you try to be kind
There's always still a part of you you leave behind
When it falls apart
There's no easy way to break somebody's heart
I lied and told her she'd be fine
Though we both knew it was just a line
I had to do it
'Cause I'd a' said anything to help me get through it
Then she reached out for my hand
And her simple touch was more than I could stand
And I had to turn away
'Cause I knew all the hurt
That she was feeling I was feeling too
'Cause when it falls apart
There's no easy way to break somebody's heart
She could've gotten angry
And made me feel like a guilty child
But I realized that never was her style
I wanted her to hurt me
And not treat me like a friend
I wanted her to say there'd be someday
I'd come crawling on my knees to ask her back again
But she acted like a lady 'til the end
Oh, what a lady
I thought that she'd break down
But she smiled at me and never made a sound
And I guess she understood in her way
'Cause her silence told me everything she could not say
When it falls apart
There's just no easy way
There's just no easy way
There's no easy way to break somebody's heart.
Lyrics from:http://www.lyrics007.com/James%20Ingram%20Lyrics/Theres%20No%20Easy%20Way%20Lyrics.html
Video from Youtube.com
Now, I don't understand why any man in his right state of mind would let a woman this precious go. I, damn, I just don't get it!

Movin' on... the masokista way!
Pa’no ba magmove on? Madaming nagtatanong sa’kin nito e.
Well, maraming “how to move on” sa google. Pero wala pa kong nasusubukan sa
kanila kaya wala akong maisuggest/maibida. Kaya eto, tutal feelingera kong
tunay, tuturuan kita magmove on… the masokista way!
Pero bago ang mga ways
to move on na ikinaeexcite mo, ipapaalala ko lang, hindi ako love expert.
Pangalawa, baliw ako. Kaya nasa sa’yo na ‘yan kung itutuloy mo pang pagbabasa
nito o pupunta ka na lang sa google at susundin mo ‘yung mga “how to” don
o manghihingi ka na lang ng love advice
ke Papa Jack sa radyo.
So, eto na. Uminom ka muna ng tubig. Hinga.
Una, try mo magsulat ng kanta. Try mo bumuo ng album na may
malulupit na linya, habang inaalala mo lahat ng napakong pangako niya, lahat ng
masasakit na alaala. Tapos, lapatan mo ng malungkot na tono, tipong “Someone
Like You” ni Adele. Ayos ‘to. Nailalabas mo na ‘yung sama ng loob mo,
natotorture ka pa sa ginagawa mo. Pag natapos ka na, i-youtube mo. O kung big
time ka, i-release mo. Hayaan mong marinig ng madlang brokenhearted. Tapos
hayaan mong madaming magcomment na nagsasabing sobrang tanga ng ex mo dahil
iniwan ka niya. O di ba? Sikat ka na, napamukha mo pa siyang salot sa tanang
kababaihan. Malay mo, dahil dito, magka-Grammy ka din? Pito pa. Isn’t revenge
sweet?
Pangalawa, kung hindi umepekto sa’yo ‘yung una, meron pa.
Magbasa ka ng blog o kahit anong pwedeng basahin na magpapamukha sa’yo na
miserable ka. Sa bawat malungkot na kwento, ramdamin mong ikaw ang bida. Kahit hindi
naman ikaw talaga. Ganun e. Broken. Ayos din ‘to. Napapractice na ‘yung reading
skills mo, pinapatay ka pa ng bawat kwento.
Pangatlo, puntahan mo lahat ng lugar na pinuntahan niyo
dati, i-print mo lahat ng pictures niyo sa cellphone, laptop, Ipad, dslr, o
kung ano pa mang gadget meron ka. Tapos idikit mo sa pader ng kwarto mo. Punuin
mo, tipong bawat lingon, andun ‘yung mukha niyo. Gawin mong wallpaper ‘yung
pinakasweet na picture niyo. Basta, kelangan lagi mong makita ‘yung kayong
dalawa na masaya. Pag araw araw mo ‘yung nakikita/iniiyakan/pinanghihinayangan,
ewan ko na lang kung hindi ka magising isang araw na sanay ka na. Hindi na kasing
hardkor ng dati ‘yung epekto nung mga litratong muntik mo ng sunugin.
Pakatapos, wag kang OA. Wag mong i-shut down ‘yung FB account
mo. Wag mo ding basta itengga ‘yung Twitter mo. Cool lang. Parang walang
nangyari. Parang hindi ka nasaktan. Yung mga status mo, suave lang. wag mo ng
ipagsigawan sa online world na brokenhearted ka para may brokenhearted ding
mag-like at magcomment sa stat mo. Kung broken ka, sarilinin mo na lang. Wag ka
ng mandamay.
Panglima, kung lahat ng nauna walang talab sa’yo. Mang-aya
ka na ng nomo sa kanto. Araw-arawin mo. Tipong drink ‘til you drop. Tingnan lang
natin kung hindi mo makalimutan ‘yang emote mo ‘pag tuwing umaga parang
binibiyak ng maso ‘yang ulo mo sa hangover at pag tipong lahat ata ng lamang
loob mo, naisuka mo na.
Kung lahat ng ‘to, wala pa ding epekto, dre asa ka. Inarte mo
na lang ‘yan. Feeling mo ba buhay ka pa pagkatapos netong lahat ng ‘to? Malabo,
oy! Kaya para di ka na mahirapan kakapilit, at kung talagang feeling mo end of
the world na dahil wala na siya sa’yo, i-suicide mo na ‘yan! OA mo e. Nabuhay ka
nga ng ilang taon bago siya dumating tas ngayong nawala siya, di mo na kaya? Ulul!
So eto pa ang ilang tips para makatulong sa pagmumove on mo kuno…
1. FOCUS. Paghiwalayin mo ‘yung kape, creamer at asukal ng
3-in-1. O kaya ihiwalay mo ‘yung tubig at langis ng hindi ‘yun hinahawakan.
2. ENJOY LIFE. Adventurous mode! Magzipline ka ng walang
harness, magBungee jumping habang me nakangangang pating sa babagsakan mo, o
kaya magrapel ka kasabay ng pagbagsak ng malalaking bato habang may landslide. In
this case, mamatay ka man, hindi obvious na dahil sa pagiging brokenhearted mo.
Namatay kang ineenjoy ang buhay. Yeah!
3. MEET NEW PEOPLE. Dre, walang sugatang puso ang hindi
nagamot ng bagong kalandian. Kaya imbes na nagmumukmok ka dian, rampa! Malay mo
makahanap ka agad agad ng bagong pag-ibig before three month rule ends.
4. BITTERELA MODE OFF. Magpalit ka na ng playlist mo.
Tantanan mo na ‘yung pagpapapaulit ulit ng “Forevermore” na theme song niyo’t
pinangarap mong maging wedding song sa kasal niyo. Tae. Tapos na ‘yung forever
o! Tapos na kayo.
5. TIGILAN MO SI DESTINY. Hindi ka makakahanap ng bago kung
tatanga ka lang diyan like Cinderella. Wag kang tamad. Hindi lahat isusubo sa’yo
ng tadhana.
6. HULI. At siguro, eto lang 'yung matino sa lahat ng ‘to. Ate/Kuya,
bago ka magsearch sa google ng kung anumang “how to move on” tips o tumawag ke
Papa Jack para humingi ng payo, siguruhin mo munang gusto mo talagang magmove
on. Kasi kung hindi, kahit ano pang galing ng kahit sino pang love expert,
walang mangyayari.
So there. Magthank you kayo sakin dahil sa malulupit na
advice ko. Sigurado, makakamove on din kayo using my moving on tips… the
masokista way!
Kung ayaw pa din, pakinggan mo na lang 'tong kantang 'to. Just a Dream ni pareng Nelly :)
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)