Martes, Abril 24, 2012

Dadayain Lang Ako...


Wala akong pakialam kung gawin mang National Artist si Pidol, Gov. Vi o si La Aunor man. Kung gusto niyo, lahat na sila. Wala pa din akong pakialam.



Kahit lamunin ng China ang Scarborough/Panatag Shoal o Spratly Island. Mas maganda nga siguro, sunugin na ‘yun pareho para wala nang away e. Wala din naman akong pakialam.  


Kahit i-dirty finger pa ni P-Noy ang media dahil tino-talkshit siya at inaccurate daw magbalita o patayin lahat ng illegal settlers sa Paranaque ng maangas na SWAT. Wala akong pake!




Naririnig ko lang naman ‘to. Hindi ko ‘to alam. Nakakabadtrip na nga kasi simula nung buksan ko ‘yung TV kaninang umaga, eto’t eto din ‘yung balita. Mula flash report hanggnag 24 Oras. Paulit ulit.


Ang mas nakakabadtrip pa, maraming talkshit sa paligid. Madaming gustong magsalita, madaming gustong magpasikat. Bidakids. Malapit na eleksyon e. Pero kung sinong tunay na me alam, ‘yun ang tanong. Meron nga ba? O lahat sila nagpapanggap lang para matandaan natin at isulat sa gintong balota?

Oo nga pala. Hindi pa ko rehistrado. E gaguhan lang naman kasi nangyayari sa eleksyon, bakit ako magpapakapagod pumila para bumoto? Alam ko namang dadayain lang ako, ikaw, kayo. Dadayain lang tayo.

Sabi, lahat naman daw ng nanalo diyan, nandaya. E di lahat pala ng talo, bobo? Hindi nila naisip mandaya e alam nilang ‘yun lang makakapagpanalo sa kanila. Wag niyo kong pairalan ng kalokohan niyo. Alam nating ang unang motibo kung bakit trip niyo magkapwesto ay ang kaban ng bayan. Wala ng malinis na tao sa mundo. Mamimili ka na lang kung sinong paniniwalaan mo: ‘yung nagmamalinis o ‘yung aminadong madumi. ‘yun na. Kung trip mong mas magmukang tanga, piliin mo ‘yung una.

Kahit ‘yung pa-virgin effect na ka-batch ko, nabalitaan ko na lang nanganak na. Malinis tingnan? Malinis nga ba? Hindi ako laban dito. Baka totoo ‘yung sinasabi nilang “bugso ng damdamin” pag umibig ka. Hindi ko alam kung dapat ko bang isipin na malas ako dahil disiotso na ko pero hindi ko pa ‘to nararamdaman o swerte ako dahil hindi pa nga. E ano namang pake nila? Anong pake ko?

Andaeng issue sa lipunan na hindi ko kayang sagutin. Hindi mo kayang sagutin. Kahit i-google mo, walang saktong sagot. Ituturo ka lang sa yahoo answers na wala din namang kwenta. Kaya para mas okey, wag na. Less effort, less pagod.

Ipapamigay na nga pala ‘yung Luisita sa mga magsasaka… e ano naman sakin? Maraming nagsasabing maganda ‘yun, dapat. Pero naniniwala akong hindi lahat ng dapat ay kailangan. Meron ding nagsasabing babagsak ang asukarera pag nangyari ‘yun. Bakit? Hindi pa ba bagsak? Di ba nga sinusuportahan na tayo ng Amerika sa asukal? Bestfriends e. Oops! Syempre, with benefits.

Kaya nga, balita ko, magsusumbong na naman tayo sa bestfriend natin which is kinontra naman agad ng ever ganid na China through warning us that it’d do no good. LOL. Takot na takot ba kami sa inyo? Well, medyo. Pero dahil bestfriend namin si Pareng Obama, chill lang. Tingnan ko pag trinip na niya kayong i-gyera.

Enough of Scarborough Shoal, walang gaanong epekto sa’kin ‘yun e. You know, 1/16 siguro ng dugo ko ay Chinese dahil sa lolo ko kaya selfish ako. Ayoko ng mga bagay na walang epekto sa’kin. Kaya lipat tayo kay Abnoy. Sinermunan niya ang media for inaccurate and negative reporting sa National Press Forum. Ayos! Headline ‘to para sakin. Para kang nakatanggap ng bomba as a gift sa birthday party mo. Well, atleast may pasabog. At bilang Journalism student ako na nangangarap makapasok sa mundong ‘to, nakakapagpanting ng tenga ‘tong sinabi ng president niyo. Presidente niyo. Hindi ko siya binoto. Sabi ko nga, hindi pa ko botante at wala akong pake dun.

Kung sinwerte lang talaga ko at nalagay sa Paranaque beat, napakasaya siguro ng unang trabaho ko. Alam mo na. Batuhan ng sukang may sili at barilan. Cool! Matagal ko ng gustong makakita ng ganyan, live! Kaso hindi e. Hindi ko tuloy malaman kung sino talaga ‘yung nanguna sa gulo; ‘yung mga naka-full tolerance daw na pulis o ‘yung nakikipag-ayos daw na mga tao. Shetlogs. Lahat sila malinis. Mahirap mag-judge. Ano’t anuman, wala akong pake.

Pero… nakakainit talaga ng ulo makita ‘yung poll survey ng Yahoo! ngayon. Tinatanong ng gago kung payag daw ba ko maging national artists sila Pidol, Gov. V at si Aunor. Leche. Ni wala akong pinanood sa mga pelikula ng mga ‘to. Ni hindi ko nga narinig ang golden voice kuno ni Nora e. Sira na daw nung makilala ko siya. Tapos ang naaalala ko lang kay Vilma ay ‘yung pagiging burlesque queen niya. Kung magiging national artists man sila o hindi, hindi ko naman dapat pinoproblema ‘yun at wala isa man satin dapat ang nag-iisip tungkol dun kasi kaya nga may National Artist Commission di ba? Para san pa ‘yun kung tao din ang sasagot nito? May credentials naman siguro ‘tong tatlong ‘to na pwedeng i-check at pagbatayan ng qualifications nila for national artist. Hindi ‘yung parang si Pacquiao lang na minsang narinig magbasa ng Biblia, ginawa nang Bible Ambassador agad agad.

Nakakainis. Nakakawalang gana. Gusto ng presidente niyo magbalita ang media ng positib pero parekoy, wala e. Dumadagdag pa nga sa bad news ‘yung excited tumakbo for President mong VP.

Well, naririnig ko lang naman talaga ‘tong lahat ng ‘to. Nabasa sa Yahoo!, nakita sa TV, na-scan sa dyaryo. Di ko matakasan kasi nagmumura lahat ‘to buong araw. Kahit sa facebook at twitter, eto din. Syempre, feeling socially concerned ang mga tao. Hindi din nila maiwasan, bugbog nga kasi sa ganitong balita kapuso, kapamilya o kapatid man.

Pero siguro mas dapat ko munang intindihin ‘yung pagpaparehistro ko para makaboto. Sabi kasi ni daddy, social obligation ko ‘yun bilang citizen of the Philippines (PROUD!). Minsan talaga ang sarap layasan ng Pilipinas. Mabuti na lang din isinilang ako sa pamilyang kahit papano may pananalig sa at pinapakian ng gobyerno. Dahil kung hindi, baka nagpapakanegra na din ako kakasigaw sa Mendiola.

Wala pa din akong pakialam kung gawing National Artists ‘yung tatlo, maagaw man ng China ang Scarborough, magkapatayan sa Paranaque at kahit ipaambush pa nga ang presidente niyo pero kailangan ko talagang magparehistro kahit alam kong dadayain niyo lang ulit ako, wala akong pake.

Hindi naman talaga sa wala akong pake. Defense mechanism na lang ‘to kasi nakakapagod na din ‘yung mga paulit-ulit lang na nangyayari.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento