Huwebes, Hulyo 12, 2012

Eye Soooooooooore!

Una, sorry. Mapanlait ang susunod mong mababasa.


Pa'no ba pumorma? Ewan ko. Hindi Fashion Design ang course ko at mas lalong hindi ako mahilig magtitingin ng kung anu-anong kaartehan este fashion magazines at magbabasa ng fashion blogs. Tingin ko, hindi naman kelangan. Pero hindi mo naman ako maika-categorize na jologs o promdi. Sanay naman ako pumorma. Pero alam mo kung san ako mas magaling? Manlait.


Five days a week ako lumalakad sa footbridge from LRT1-Doroteo Jose Station papuntang LRT2-Recto Station at pabalik. Medyo mahaba 'yon at sobrang boring ng lakad na 'yon. At dahil likas na aware ang senses ko palagi sa kahit ano o sino, hindi nakakaligtas sakin 'yung mga porma ng mga nakakasalubong ko. Eto 'yung ilan sa pinaka-epic. At pinakapwedeng manalo ng Eye Sore Award.






1) Magsuot ka ng manipis na puting damit tapos mag-bra ka ng polka dots saka ka magalit pag me tumingin sa bra mo. Ayos 'yan.




2) Mag-checkered kang damit. Mag-checkered kang pantalon. Tapos saka ka manapak pag me nang-asar sayong jologs.


3) Mag-plunging neckline ka tapos saka ka mainis pag tinging manyak lahat ng lalaki sayo.


4)Mag-leggings kang hapit saka ka maasiwa. Tapos saka ka mamroblema kung pano itatago 'yung kung anuman 'yung bumabakat na 'yon.


5) Magpalda kang maigsi saka mo hilahin pababa para kunwari conservative ka.


6) Mag-longsleeve ka, scarf at fur saka ka madyahe kasi basa 'yung kilikili mo dahil mainit sa Pilipinas just so you know.


7) Mag-high heels ka saka mo ireklamong masakit 'yung paa mo.


8) Eto, hindi ko pa 'to nakikita sa footbridge pero ansagwa sa paningin ko, pormang pinoy hanap mo di ba? Magbarong ka. Saka mo i-rampa 'yung supra mo. Para ayos! Mukha kang tunay na makabayan!


O di ba? Badtrip. Hindi man ako kasing galing nila Liz Uy at Tim Yap pumorma, isa lang naman ang panuntunan sa lahat ng 'yan e.








Umarte ng sapat sa ganda. Hindi 'yung kung makaarte ka, mukha ka namang paa.


Ibagay mo 'yang porma mo sa mukha mo para hindi ka mukhang hipon. Keri naman kung san ka komportable lang di ba? Bakit kelangan i-arte? Pwera na lang kung trip mo talagang kumandidatong President ng Eye Sore Society :)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento