(Gusto ko talagang magsulat ng something worth reading at something na me connection sa lipunan ngayong gabi kaso mas malakas 'yung kagustuhan kong, uhmmm.. mang-inis. kaya eto ang kwentong napulot ko sa isang kanto ng random kong utak. nawa'y umilag ang dapat tamaan. :D)
(Somebody that I used to Know by Gotye feat. Kimbra)
Nakakatawa. Isa-isa na silang kinakasal. Isa-isa na silang nawawala. Habang ako andito. Naiisip kung hindi ka nawala, posible kayang ako 'yung binabati nila ng Best Wishes ngayon?
Imposible. Hindi kasi ikaw 'yung babaeng pag-i-emo-han ko. Hindi ikaw 'yung babaeng ihaharap ko sa altar. Hindi ikaw 'yon.
Nakakatawa lang isipin 'yung mga sandaling kasama pa kita. Nung nanonood tayo ng sine na tigsa-sampung piso. Ilang taon na din 'yon. Beinte cinco na nga daw 'yun ngayon. Medyo tumatanda na nga siguro ko. Pero pag naaalala ko, parang isang dipa lang 'yung layo sa'kin. Hindi ko alam kung mabilis lang ba talaga 'yung panahon o hindi ko lang maamin na hanggang ngayon, hawak pa din ako ng mga oras na 'yon. Hindi ko alam. Ayokong alamin. Baka 'yung sagot, hindi ko gusto.
Sabi ko nga, ilang taon na din naman. May mga sumunod naman sa'yo. Walang rason para mag-ampalaya. Pero hindi ko maintindihan kung bakit kelangang bumalik sa sistema ko 'yung sinehan, 'yung tawanan, 'yung usapan natin sa pagitan ng boring na parte nung lumang pelikula. Hindi nakakatuwa.
Ginugulpi ko ngayon sarili ko sa trabaho. Malayo sa'yo, malayo sa mga pelikulang bumaha sa harap ng mata ko nung mga panahong tayo.Pero imposible. Hindi ikaw 'yung babaeng pag-i-emo-han ko e. At kung bumati man sila ng Best Wishes balang araw, hinid ikaw 'yung babaeng kasama ko sa pagharap sa altar. Hindi ikaw 'yon. Hindi din kasama 'yung mga pelikulang pilit ko ng ibinaon kasabay ng kahapon.
Tatlong araw... tatlong araw tumatakbo 'to sa isip ko, simula nung kausapin mo ko sa gitna ng pool habang may background music. Director's Cut pa nga 'yon ng Kamikazee. Mala-teleserye 'yung setting natin. May pekeng waves. Malamlam 'yung araw. May audience. Kulang na nga lang ng camera. Pero hanep sa script. Tagos sa buto. Wasak ang laman.
Hindi ko pinangarap tumabi sa'yo. O, siguro, pinangarap ko. Pero hindi sa ganitong tagpo. Ngayon nga lang tayo nag-usap ng ganito e. Dalawang taon din 'yon. Dalawang taong parang tayo. PARANG. Katulad ng uso sa lahat ng high school, MU. Magulong Usapan. Pero iba 'yung atin. Malalim. Sa sobrang lalim, gusto kong malunod.
Nakatitig ako sa'yo. Nakatitig ka sa malayo. Habang dinedeliver mo 'yung pamatay mong dialogue. Paker 'yung writer ng script mo, dude. Ang sakit. Piling piling pili 'yung mga salita. Maingat. Sa sobrang ingat, nakakasugat.
Sabagay... ilang beses na din namang ganito di ba? Nakahawak ako, bibitaw ka. Babalik ka, tatanggapin kita. Aalis ka ulit, iiyakan kita. Babalik ka, tatanggapin kita. Minsan nga, aalis ka, hahabulin kita, may iyak pang kasama. Paulit-ulit tayo. Pero hindi kita magawang iwan talaga. Una, masakit. Pangalawa, hindi ko kaya.
Mahirap magsimula. Binuo ko kasi 'yung buhay ko na kasama ka na. Korni. Sabi nga kasi ni Taylor Swift sa kanta niya:"coz when you're fifteen, somebody tells you they love, you gotta believe them." Well, hindi ko idadahilan na fifteen ako nun kaya naniwala ako. Kagaguhan 'yon pero medyo totoo.
Tatlong araw... tatlong araw akong tulala, umiiyak. Mukha na nga akong tanga. Inalis ko agad 'yung sim kong smart kasi natatakot akong masaktan ulit. Baka kasi magtext ka pa. Ay hindi. Mas natatakot akong tanggapin 'yung katotohanang hindi ka na talaga magtetext kasi nga sabi mo, tama na. Tapos na. Kalimutan na kita.
Ilang araw ko ding pinaulit-ulit sa sarili ko lahat ng sinabi mo. Pinaulit-ulit ko para magising ako. Kaso tuwing gigising ako, natatagpuan ko lang 'yung sarili kong nakakulong. Tumatakbo. Ang masaklap, pabalik sa'yo. Ilang beses ko naman pinilit lumayo kaso... mahirap. Hindi ko kaya. Mahirap layuan 'yung taong pinangarap mong makasama. Pero anong magagawa ko? Palayo ka na. Tapos na 'yung script mo. Ako naman magbabato ng linya.
Kung sa teleserye talaga 'yun, masyado sigurong makapagbagbag damdamin 'yung magiging sagot ko dapat. Kaso pagdating sa'yo, nawawala pagiging writer ko. Nawawala nga katinuan ko e. Kaya sa hinaba haba ng sinabi mo, isang okey lang 'yung nasagot ko. Ande ko sanang gustong sabihin. Andaeng isinisigaw ng utak ko kaso hindi lumabas. Hindi ko kabisado. Pang-Famas kasi 'yung acting mo, kinain ako.
Kaya tumayo ka na lang. Katulad ng dati, wala na kong sinabi. Hayup! Tumagal tayo ng dalawang taon na ni hindi nag-uusap. Pero sana hindi na nga lang...
Dahil pang-teleserye nga 'yung setting natin, nung papalayo ka na, lumakas naman 'yung pekeng waves. Kasing lakas nung bayo sa dibdib ko na hindi ko alam kung san galing. Pumatak unti unti 'yung pesteng ulan. Habang ang tirik tirik ng araw. Ayos! Sinalubong ko 'yung malakas na alon. Langoy papuntang 6feet kahit takot ako dun. Basta malayo sa'yo. Hindi mo pwedeng makitang umiiyak ako.
Pagtapos ng climax ng pagkabrokenhearted ng bidang babae sa kahit anong teleserye, kailangan kong ngumiti. Andun 'yung classmates natin e. Kinikilig pa nga sila na nag-usap tayo. Kung alam lang nila.
Maya-maya, nagkayayaan na. Picture picture. Ngiti kung ngiti. Hindi ko alam kung pa'no ko naipon lahat ng lakas ng loob ko para lumapit pa sa'yo. Pero bahala na. Huli na 'to.
Tatlong araw...tatlong araw kong pinanood sa talukap ng mata ko, 'yung pangteleserye nating setting, 'yung mukha mo habang dinedeliver 'yung script mong award-winning. Tatlong araw din naglaro sa tenga ko 'yung pakshit mong dialogue kasabay 'yung lahat ng malulungkot na tugtog. Ramdam ko pa din 'yung hampas ng pekeng waves, 'yung patak ng ulan, 'yung sakit. Tagos sa buto. Wasak ang laman.
“In
my humble opinion, transgenders should not be allowed to join the MissU because
it's only for REAL women.” –Miriam Quiambao
Bakit
nga ba? Kung tutuusin, tama naman si Ms. Miriam. Miss Universe was made to
celebrate the real essence of womanhood. Tapos ngayon biglang may transgender candidate
na aapela na may karapatan siya? Wag niyo ‘tong ipapabasa sa kahit sino mang
Human Rights addict. Dahil malamang sa hindi, nakaheadline ako sa tabloid bukas
at may demanda for violating some human rights dahil discriminatory ‘tong
article ko.
(Talackova, a removed transgender Miss U candidate)
Well,
IDC. Isa kasing malaking kalokohan ‘tong issue na ‘to para sa’kin. Transgender sa
MissU? Isn’t that so much? Not that I’m against third sex. You know, I have
good friends who belong to their growing populace. And they’re really good
people. But I do think, giving them the chance to be in that pageant is just
way too much.
Imagine
kung anong magiging feeling ng madlang kabaklaan kung may tunay na chiks na
sumali sa gay pageant with proud breasts not augmented, a perfect 36-24-36
vital statistics and a real female sex organ? Insultado di ba? Baka nga
magkasabunutan pa once they find out about this. Pero because we are very fond
of human rights at napakatindi ng takot natin sa Commission on Human Rights at
kung saan saan pang samahan kuno na may parehong pinaglalaban, we’re giving
them equal rights which I think they do deserve dahil tao din naman sila. Hindi
alien, katulad ng iniisip ng iba.
But
the thing is, Miss Universe has first laid its standards before these surgeries
made it possible for a man to at least look like a woman (sometimes even
better, though). But this doesn’t change a thing. Miss Universe is for REAL
MISS Universe as well as Miss Gay will sure stay for REAL Miss GAY. Kung gusto
nila ng attention from the international scene, edi gumawa sila ng Miss Gay
Universe. Para walang agawan ng crown. Ang sakit naman saming mga kalahi ni Eba
kung ang kokoronahang MissU is ex boyfriend pala namin di ba?
Madami na namang magtataas ng kilay dito dahil
sabi ko nga, discriminatory ‘tong blog entry ko pero for as long as I remember
at ito lang talaga ‘yung tanda ko sa Christian Living class ko way back
elementary (Sorry, baklang friends <3) God made only man and woman. Nothing
in between. Kumbaga, black o white lang. Walang green este gray. But you could
apply scientific explanations kung bakit sila naging green, dahil mas madaming
female hormones kesa male o mas maraming male hormones kesa female. Oh,
whatever. I never loved Biology. Sa huli, this will all boil down to one thing,
believe what you want to believe in and stand for it. It is true that we all
have equal rights in the law but you can never find equity in a world where
people are long blinded by earthly beauties and madness. After all, these pageants
do not actually tell you what beauty is. They just made you believe beauty
could really be measured by this.
Sabi sa
librong sinimulan kong basahin pero di ko naman natapos, isa lang daw sa kada
limang tao ‘yung nakakatuluyan e ‘yung true love nila. Ah, siguro. Pwede din
namang powertrip lang ‘yung author nun. Pero malamang sa hindi, oo. Kasi wala
akong makitang statistics saan mang lupalop ng Wikipedia.com na ganitong
porsyento lang daw ‘yung totoong mahal nila ‘yung pinipili nilang makasama.
Pwede din. Baka wala pang nakakaisip mag-thesis o survey man lang tungkol dun.
Pwede. Ewan.
Pero… ayoko
talagang maniwala sa stat kung meron man. Ayoko din patulan ‘yung powertrip
nung author nung libro. Kaso palagay ko, nakita ko na ‘yung true love na ‘yun.
At may idea na ko kung bakit hindi lahat ng tao, kayang ipaglaban ‘yung true
love na buong buhay nila hinanap/hinintay/pinangarap/pinag-emote.
Kung
susumahin, kasama ko dun sa apat na malas, na kung sa anumang di ko
maintindihang dahilan ay hinayaan na lang maging theme song ng buhay nila ‘yung
“the one that got away” ni Katy Perry. In kasi. Ganun ba?
Well,
hindi naman talaga ng dahil lang sa kantang ‘yun e. Maraming dahilan. Unahin na
natin ‘yung paboritong drama scheme ng mga writer ng teleserye na
pinagpupuyatan mo gabi-gabi kahit paulit-ulit lang. The langit-lupa, it is!
‘yung tipong mayaman siya, mahirap ka o vice versa. Tubig at langis, sabi nga
sa kanta. E di ba ‘pag sa TV, possible ‘yun? Na kahit anong sibat ang ihagis sa
pagitan niyong dalawa, in the end, you’ll live happily ever after. Pero shit, sa
totoong buhay, walang ganito. Kung meron man, madalang. Mas madalas pa siguro
ang full moon.
Isa pa,
‘yung na sa’yo na, binitawan/pinamigay/pinakawalan mo pa. Ewan. Tipong Popoy at
Basya. Sa pelikula, normal ‘yung second chance kaya sa huli, masaya sila. Pero
dude, baka nakakalimutan mo, hindi ka artista. At walang director na mag-uutos
sa’yo kung pa’no mo susuyuin pabalik ‘yung mahal mo. Wala ring korning writer
na baliw sa happy ending na magbabago ng ihip ng hangin para magkabalikan kayo.
Kaya ‘yung pinatangay mo sa agos, mananatiling malayo sa’yo. Pwera na lang kung
may dugong scriptwriter ka at kaya mong paikutin ang ulo niya para balikan ka.
In that case, congratulations!
Meron pa,
mahal na mahal ka, sinasantabi/binabasura mo lang, e kasi mahal ka e. Ang
gwapo/ganda mo kaya? Keber! Ayun, nagsawa, iniwan ka saka na-realize ng
magaling mong coconut shell na mahal mo pala. Pa’no mo hahabulin? Pa’no kung
nakahanap na ng mas magmamahal sa kanya? Nganga, bro? Nganga! Parang pareho
lang ‘to nung pangalawa pero magkaiba talaga sila. Pumayag ka na para mas
humaba ‘tong ampaw kong artikulo.
Pero eto
‘yung mahirap, ‘yung mahal mo, mahal ka, pero pareho kayong may “mahal” kunong
iba. Pakiramdaman. Walang aminan. Ganun. Para kayong gagong nagpi-pretend na
masaya pero deep down inside, you’re both hurting. Gago nga kasi kayo. May mas
mahirap pa e. ‘yung hanggang kaibigan lang? tipong movie nila Gerald Anderson
at Kim Chiu na nag-flop? Ewan. Di ko tanda. Pero i-research mo ‘yun tas
panoodin mo, ganun ‘yung sinasabi ko. ‘yung hanggang friends lang daw, pareho
namang may malisyang ramdam, inarte lang. Ending? Kundi ka bestman/maid of
honor sa kasal ng mahal mo, wedding singer o kaya coordinator. Sakit di ba?
Habang naglalakad siya palapit sa altar o habang nag-iintay siya sa altar, ikaw
malayo. Di ka bride/groom e. Bestfriend ka, dude. Ang pa-konswelo de bobo na
lang, second parent ka ng anak niya. SECOND!
Isa pang
masakit, ‘yung binigay mo na lahat dahil mahal na mahal na mahal mo talaga
tapos bigla kang iniwan, dala lahat sa’yo. ‘yung puso mo, utak mo, mundo mo,
atay-balunbalunan atbp. Korni pero ganito naman ‘yung kadalasang dahilan kung
bakit ka naglalasing sa bar di ba? Inum ka ng inum, di mo naman pala kaya.
Gusto mo kasing makalimutan. Kaso lalo kang nalalasing, lalo ka lang
bumibitter. Ang labo.
Ang dami
pala talagang dahilan? Pero naisip mo ba, kung isa ka dun sa apat na
pinagkaitan ng tadhanang makasama ‘yung true love mo, na baka quits lang naman
pala kayo?
Malay mo
habang pinipilit mo siyang kalimutan o kaya habang nagpapakalunod ka sa alak,
ganun din ‘yung gianagawa niya. Pero ‘wag kang umasa, hindi dahil sa’yo. Dahil
din dun sa true love niyang hindi napasakanya. Saklap ‘no? Pareho naman pala
kayong mapakla, di na lang kayo pinagsama. Pero ganun talaga e. Isa ka kasi dun
sa apat na malas according sa author nung libro.
Siguro sa apat na 'yun, yung iba, umaasa pa.
Naghahanap pa, nag-iintay. Meron din sigurong sumuko na. Nawalan na ng gana.
Wala ka naman kasing kasiguraduhan sa pag-ibig. Para kang tumataya sa lotto.
Kahit alam mong out of millions 'yung probability mong manalo, gagastos ka,
susugal. Swerte lang nung mga jackpot winner, nanalo sila. E ikaw, swerte ka
din ba?
Nasulat ko
lang naman ‘to kasi pakiramdam ko nakita ko na ‘yung posibleng true love ko.
Kaso kakaiba ‘yung konteksto. Masyadong imposible kaya siguro, makikikanta na
lang ako ng “the one that got away” kasabay niyo, sabay inum sa shot glass,
sabay punas ng luha, sabay sigaw, kanta, hiyaw hanggang sabihin ni direk na
cut. Pero walang happy ending, kasi hindi siya si Popoy at hindi ako si Basya.
Hindi pwedeng mang-plagiariza ng istorya :)
(gusto ko lang 'to i-share... ang ganda lang kasi ng feedback nung nasa facebook.)
Malamig na ‘yung kape. Ubos na nga ‘yung akin. Hinihintay ko
pa din. Umupo ka sa tabi ko. Ngumiti. Tumingin sa mata ko. Magkape…
Hindi ko pa din tinatanggal ‘yung 3-in-1 sa bulsa ko. Umaakyat
ako sa roof deck ng opisina tuwing alas otso. Nakikita ko ‘yung ngiti mo, ‘yung
kamay mo habang hawak ‘yung mug mo; kulay black ‘yon, may ukit ng pangalan mo,
may kaunting pingas na sa tagal pero sabi mo, ‘yun pa din ang gagamitin mo kasi
galing sa kanya ‘yun. Madalas mo siyang ikwento t’wing nagkakape tayo. Habang ako
ang kausap mo…
Madalas kang nakatingin sa malayo… sa sobrang layo, naisip
ko kung sa dalas ba ng pagkakape nating magkasama, nag-aksaya ka ng oras
tingnan ako? Malapit. Halos kadikit mo na nga. Pero ramdam ko ‘yung layo.
Tapos ngingiti ka. At mag-uumpisang magkwento tungkol sa
kanya…
Makikinig ako. Habang inuubos ‘yung mapait kong kape. Hindi ko
alam. Matamis ‘yung 3-in-1 pero nakasanayan ko ng mapait ang lasa nun ‘pag ikaw
ang kasabay ko magkape.
Titingin ka sa mga ulap. Sabi mo non, malungkot siguro
mag-isa tumingin don. Gusto kong sumagot na hindi. Mas malungkot tumingin don
habang kasama ka pero ibang hinihintay mong magkape kasama mo. Pero hindi ko ‘yon
nasabi. Hindi ko kaya. Isang maling salita at mawawala ka…
Uminom ka sa mug. Ngumiti ng mapait. Tumingin sa’kin. May ibang
ningning sa mata mo ngayon. Ningning na gusto kong bigyan ng kahulugan. Makahugot
man lang kahit konting pag-asa.
Bigla mong sinabing ubos ng kape. Tumayo ka. Inaya na kong
bumaba. Marami pang nag-iintay na trabaho sa’tin. Kahit gusto ko pang
pagtagalin ‘yung tagpong ‘yun, hindi pwede. Bukod sa ayaw mo na, magagalit ‘yung
supervisor ‘pag na-late tayo ng baba. Kaya tumayo na din ako. Tumingin ulit sa
ulap. Ngumiti ng mapakla. Hiniling na sana kahit isa sa mga bituin na ‘to
marinig ako. Kahit isa.
Nagmamadali ka. Hinawakan mong kamay ko. Nagpatiuna. Kung pwede
lang wag matapos ‘to. Kung pwede lang magtagal na hawak mong kamay ko… sana
marinig ng bituin…
Bago ko binuksan ‘yung pinto para makapasok na tayo sa loob,
binawi mong kamay mo. Gusto kong itanong kung bakit. Gusto kong bawiin pabalik.
Ngumiti ka.
Minsan, ang sarap bigyang malisya ng ngiting ‘yun. Kundi lang
sa lungkot sa mata mo. Kundi lang alam ko kung gaano ka kalayo.
Papasok tayo ng opisina na parang walang nangyari. Tsk. Naalala
ko. Wala naman talaga.
Ngingiti ka sa iba. Babati ng masigla. Parang hindi ka
nalungkot katulad kanina. Hanggang sa magbalik tayo sa trabaho. Malayo. Susulyapan
kita. Pagmamasdan pa nga. Pero hindi mo mararamdaman. Lumilipad na naman siguro
‘yung isip mo sa iba. Sa kanya…
Iilaw ang cellphone mo. Mapapangiti ka. Katulad ng lagi,
malungkot na ngiti. Mapapailing na lang ako. Swerte na kung makaisa o dalawang
beses kang titingin sa gawi ko, iniintay ko ‘to gabi gabi. Ngayon, napatingin
ka. Parang gusto mo ng umiyak. Sana next time ‘pag tiningnan mo ko, ‘yung ngiti
mo masaya naman di ba? Kahit isa lang partner.
Day off mo bukas. Sana pumayag kang lumabas muna tayo
mamaya. Kahit uminom lang ulit ng kape. O kaya sabay tayo mag-agahan para maiba
naman. Pero katulad ng dati, susunduin ka nya. Hardkor. Ang martir mo din e.
Hindi kita maintindihan. Ang sarap mo kaltukan minsan e. sinasaktan ka niya
pero sige lang. Ganon mo nga siguro siya kamahal.
Sabagay… halos pareho lang naman tayo...
Kinabukasan, pumasok ako. Inaantay ko ‘yung malungkot na
ngiti na sumasalubong sa’kin t’wing umaga. Nagtaka ko, wala. Wala ka sa pwesto
mo. Wala din ‘yung mga gamit mo.
Tinapik ni Jules ‘yung balikat ko. Nag-resign ka na daw. Walang
dahilan. Walang paalam. Wala akong karapatan magtampo. Wala akong karapatan
magtanong. Kung gagawin ko naman ‘yon, anong sasabihin ko? Malulungkot ako kasi
wala na kong kasabay magkape t’wing alas otso? Tang ina. Pagtatawanan mo lang
ako sigurado. Magmamakaawa ba kong wag kang umalis dahil hindi pa naririnig ng
mga bituin ‘yung bulong ko? Naaah! Mas matatawa ka don.
Malamig na ‘yung kape. Ubos na nga ‘yung akin. Hinihintay ko
pa din. Ngumiti ka. Magkwento ka. Sige. Kahit tungkol lang ulit sa kanya. Hanggang
sa marinig lang ng mga bituin ‘yung bulong ko. Hanggang sa tigilan mo na
tumingin sa malayo. Kahit hanggang maubos lang ulit ‘yung kape. Sayang ‘yung
3-in-1 sa bulsa ko. Mag-isa na lang kasi ako lagi…
(Photos: Google.com)
OST: Nagtahan ng Silent Sanctuary
eto 'yung may kasalanan kung bakit ko 'to nagawa :)
Wala akong pakialam kung gawin mang National Artist si
Pidol, Gov. Vi o si La Aunor man. Kung gusto niyo, lahat na sila. Wala pa din
akong pakialam.
Kahit lamunin ng China ang Scarborough/Panatag Shoal o Spratly Island. Mas maganda nga siguro, sunugin na ‘yun pareho para wala nang away e. Wala din naman akong pakialam.
Kahit i-dirty finger pa ni P-Noy ang media dahil tino-talkshit siya at inaccurate daw magbalita o patayin lahat ng illegal settlers sa Paranaque ng maangas na SWAT. Wala akong pake!
Naririnig ko lang naman ‘to. Hindi ko ‘to alam. Nakakabadtrip
na nga kasi simula nung buksan ko ‘yung TV kaninang umaga, eto’t eto din ‘yung
balita. Mula flash report hanggnag 24 Oras. Paulit ulit.
Ang mas nakakabadtrip pa, maraming talkshit sa paligid. Madaming
gustong magsalita, madaming gustong magpasikat. Bidakids. Malapit na eleksyon
e. Pero kung sinong tunay na me alam, ‘yun ang tanong. Meron nga ba? O lahat
sila nagpapanggap lang para matandaan natin at isulat sa gintong balota?
Oo nga pala. Hindi pa ko rehistrado. E gaguhan lang naman
kasi nangyayari sa eleksyon, bakit ako magpapakapagod pumila para bumoto? Alam
ko namang dadayain lang ako, ikaw, kayo. Dadayain lang tayo.
Sabi, lahat naman daw ng nanalo diyan, nandaya. E di lahat
pala ng talo, bobo? Hindi nila naisip mandaya e alam nilang ‘yun lang
makakapagpanalo sa kanila. Wag niyo kong pairalan ng kalokohan niyo. Alam
nating ang unang motibo kung bakit trip niyo magkapwesto ay ang kaban ng bayan.
Wala ng malinis na tao sa mundo. Mamimili ka na lang kung sinong paniniwalaan
mo: ‘yung nagmamalinis o ‘yung aminadong madumi. ‘yun na. Kung trip mong mas
magmukang tanga, piliin mo ‘yung una.
Kahit ‘yung pa-virgin effect na ka-batch ko, nabalitaan ko
na lang nanganak na. Malinis tingnan? Malinis nga ba? Hindi ako laban dito.
Baka totoo ‘yung sinasabi nilang “bugso ng damdamin” pag umibig ka. Hindi ko
alam kung dapat ko bang isipin na malas ako dahil disiotso na ko pero hindi ko
pa ‘to nararamdaman o swerte ako dahil hindi pa nga. E ano namang pake nila?
Anong pake ko?
Andaeng issue sa lipunan na hindi ko kayang sagutin. Hindi
mo kayang sagutin. Kahit i-google mo, walang saktong sagot. Ituturo ka lang sa
yahoo answers na wala din namang kwenta. Kaya para mas okey, wag na. Less
effort, less pagod.
Ipapamigay na nga pala ‘yung Luisita sa mga magsasaka… e ano
naman sakin? Maraming nagsasabing maganda ‘yun, dapat. Pero naniniwala akong
hindi lahat ng dapat ay kailangan. Meron ding nagsasabing babagsak ang
asukarera pag nangyari ‘yun. Bakit? Hindi pa ba bagsak? Di ba nga sinusuportahan
na tayo ng Amerika sa asukal? Bestfriends e. Oops! Syempre, with benefits.
Kaya nga, balita ko, magsusumbong na naman tayo sa
bestfriend natin which is kinontra naman agad ng ever ganid na China through
warning us that it’d do no good. LOL. Takot na takot ba kami sa inyo? Well,
medyo. Pero dahil bestfriend namin si Pareng Obama, chill lang. Tingnan ko pag
trinip na niya kayong i-gyera.
Enough of Scarborough Shoal, walang gaanong epekto sa’kin
‘yun e. You know, 1/16 siguro ng dugo ko ay Chinese dahil sa lolo ko kaya
selfish ako. Ayoko ng mga bagay na walang epekto sa’kin. Kaya lipat tayo kay
Abnoy. Sinermunan niya ang media for inaccurate
and negative reporting sa National Press Forum. Ayos! Headline ‘to para
sakin. Para kang nakatanggap ng bomba as a gift sa birthday party mo. Well,
atleast may pasabog. At bilang Journalism student ako na nangangarap makapasok
sa mundong ‘to, nakakapagpanting ng tenga ‘tong sinabi ng president niyo.
Presidente niyo. Hindi ko siya binoto. Sabi ko nga, hindi pa ko botante at wala
akong pake dun.
Kung sinwerte lang talaga ko at nalagay sa Paranaque beat,
napakasaya siguro ng unang trabaho ko. Alam mo na. Batuhan ng sukang may sili
at barilan. Cool! Matagal ko ng gustong makakita ng ganyan, live! Kaso hindi e. Hindi ko tuloy malaman kung sino talaga ‘yung nanguna sa gulo; ‘yung mga
naka-full tolerance daw na pulis o ‘yung nakikipag-ayos daw na mga tao.
Shetlogs. Lahat sila malinis. Mahirap mag-judge. Ano’t anuman, wala akong pake.
Pero… nakakainit talaga ng ulo makita ‘yung poll survey ng
Yahoo! ngayon. Tinatanong ng gago kung payag daw ba ko maging national artists sila Pidol, Gov. V at si Aunor. Leche. Ni wala akong pinanood sa mga pelikula ng
mga ‘to. Ni hindi ko nga narinig ang golden voice kuno ni Nora e. Sira na daw
nung makilala ko siya. Tapos ang naaalala ko lang kay Vilma ay ‘yung pagiging
burlesque queen niya. Kung magiging national artists man sila o hindi, hindi ko
naman dapat pinoproblema ‘yun at wala isa man satin dapat ang nag-iisip tungkol
dun kasi kaya nga may National Artist Commission di ba? Para san pa ‘yun kung tao din
ang sasagot nito? May credentials naman siguro ‘tong tatlong ‘to na pwedeng
i-check at pagbatayan ng qualifications nila for national artist. Hindi ‘yung
parang si Pacquiao lang na minsang narinig magbasa ng Biblia, ginawa nang Bible
Ambassador agad agad.
Nakakainis. Nakakawalang gana. Gusto ng presidente niyo
magbalita ang media ng positib pero parekoy, wala e. Dumadagdag pa nga sa bad
news ‘yung excited tumakbo for President mong VP.
Well, naririnig ko lang naman talaga ‘tong lahat ng ‘to.
Nabasa sa Yahoo!, nakita sa TV, na-scan sa dyaryo. Di ko matakasan kasi
nagmumura lahat ‘to buong araw. Kahit sa facebook at twitter, eto din. Syempre,
feeling socially concerned ang mga tao. Hindi din nila maiwasan, bugbog nga
kasi sa ganitong balita kapuso, kapamilya o kapatid man.
Pero siguro mas dapat
ko munang intindihin ‘yung pagpaparehistro ko para makaboto. Sabi kasi ni
daddy, social obligation ko ‘yun bilang citizen of the Philippines (PROUD!). Minsan
talaga ang sarap layasan ng Pilipinas. Mabuti na lang din isinilang ako sa
pamilyang kahit papano may pananalig sa at pinapakian ng gobyerno. Dahil kung
hindi, baka nagpapakanegra na din ako kakasigaw sa Mendiola.
Wala pa din akong pakialam kung gawing National Artists
‘yung tatlo, maagaw man ng China ang Scarborough, magkapatayan sa Paranaque at
kahit ipaambush pa nga ang presidente niyo pero kailangan ko talagang
magparehistro kahit alam kong dadayain niyo lang ulit ako, wala akong pake.
Hindi naman talaga sa wala akong pake. Defense mechanism na
lang ‘to kasi nakakapagod na din ‘yung mga paulit-ulit lang na nangyayari.